Pan (diyos)
Si Pan (Griyego: Πᾶν, Pān), sa relihiyong Griyego at mitolohiya, ay ang diyos ng ilang o liblib na pook, mga pastol at mga kawan, kalikasan, ng mga mababangis na hayop sa mga bundok, ng pangangaso at ng tugtuging rustiko, pati na ang pagiging kasama ng mga nimpa.[1] Nanggaling ang kanyang pangalan mula sa wikang Griyego, mula sa salitang paein (πάειν), na nangangahulugang "mag-alaga ng hayop."[2] Mayroon siyang panig ng likuran ng katawan (binubuo ng pata at isa o dalawang tadyang), puwit o pigi, mga binti, at mga sungay ng isang kambing, na kahalintulad ng sa isang fauno o satiro. Sa kanyang inang bayan sa rustikong Arcadia, kinikilala siya bilang diyos ng mga bukirin, mga kahuyan, at makakahoy na mga libis: dahil dito, may kaugnayan si Pan sa pertilidad at sa panahon ng tagsibol. Itinuturing din si Pan ng sinaunang mga Griyego bilang diyos ng pagsusuring pangdulaan o kritisismong pangtanghalan.[3]
Sa relihiyon at mito ng Roma, katumbas si Pan ni Faunus, isang diyos ng kalikasan na ama ni Bona Dea, na kung minsan ay kinilala bilang Fauna. Noong ika-18 at ika-19 na mga daantaon, si Pan ay naging isang mahalagang pigura sa kilusang Romantiko ng kanlurang Europa, at gayundin sa kilusang Neopagano noong ika-20 daantaon.[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Edwin L. Brown, "The Lycidas of Theocritus Idyll 7", Harvard Studies in Classical Philology, 1981:59–100.
- ↑ Edwin L. Brown, "The Divine Name 'Pan'" Transactions of the American Philological Association 107 (1977:57–61), mga tala (p. 59) na ang unang inskripsiyon ay bumabanggit na si Pan ay isang pang-ika-6 na daantaon na dedikasyon para kay ΠΑΟΝΙ, isang anyong "hindi pa lumiliit" o "hindi pa umiiksi".
- ↑ Alfred Wagner, Das historische Drama der Griechen, Münster 1878, p. 78.
- ↑ The Triumph of the Moon: A History of Modern Pagan Witchcraft, Ronald Hutton, Kabanata 3.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.