Panahong Bronse

(Idinirekta mula sa Panahon ng Tansong Pula)

Ang Panahong Bronse ay isang panahon sa kasaysayan mula mga 3300 BCE hanggang 1200 BCE. Ito ay panahon na inilalarawan sa paggamit ng bronse at sa ilang mga lugar ay proto-pagsulat at ibang mga maagang katangian ng urbanong kabihasnan. Ang panahong bronse ang ikalawang pangunahing panahon ng sistemang tatlong panahon na 1836 ni Christian Jürgensen Thomsen sa klasipikasyon at pag-aaral ng mga sinaunang lipunan at kasaysayan. Ang sinaunang sibilisasyon ay itinuturing na bahagi ng panahong Bronse dahil sa paglikha nito ng bronse sa pamamagitan ng pag-iismelto ng sarili nitong tanso at paga-alloy nito sa tin, arseniko at ibang mga metal o pagkakalakal ng mga bagay para sa bronse mula sa lugar na pinagkukunan. Ang bronse ay mas matigas at mas matibay kaysa sa ibang mga metal sa panahong ito na pumapayag sa mga kabihasnang bronse na magkaroon ng pag-unlad sa teknolohiya. Bagaman ang bakal ay mas masagana sa kalikasan, ang mas mataas na temperatura sa pag-iismelto nito nang 1,250 °C (2,280 °F) sa karagadagan sa kahirapan sa paggawa sa bakal ay gumagawa sa bakal na hindi magagamit na pangkaraniwan hanggang sa huli nang ikalawang milenyo bCE. Ang mababang punto ng pagkatunaw ng tin sa 231.9 °C (449.4 °F) at ang katamtamang punto ng pagkatunaw ng tanso sa 1,085 °C (1,985 °F) ay naglalagay sa mga ito sa kakayahan ng panahong Neolitikong pagpapalayok ng mga kiln na mula pa noong 6,000 BCE at makakalikha ng mga temperaturang higit sa 900 °C (1,650 °F).[1] Ang mga ore ng tanso at tin ay bihira dahil walang mga bronseng tin sa Kanlurang Asya bago ang kalakan sa panahong bronse ay nagsimula noong ikatlong milenyo bCE. Ang panahong bronse ay sinundan ng panahong Neolitiko na ang Kalsolitiko ay nagsilbing transisyon nito.

Mga sanggunian

baguhin
  1. James E. McClellan III; Harold Dorn (2006). Science and Technology in World History: An Introduction. JHU Press. ISBN 978-0-8018-8360-6. p. 21.
  NODES