Ang panudla ay isang bagay na inihagis sa espasyo (may laman o wala) sa pamamagitan ng puwersa. Bagaman kahit anumang mga bagay na gumagalaw sa isang espasyo (halimbawa ay ibinatong bola ng beysbol) ay maaaring tawaging panudla, karaniwang tumutukoy ang katagang ito sa mga pangmalayuang sandata. May mga ekwasyong pang-matematika na ginagamit para suriin ang pagtilapon ng panudla.

Isang panudlang pinaputok mula sa isang pampaigkas na piraso

Ang mga pana, suligi, sibat at mga katulad na sandata ay tinitira sa pamamagitan ng likas na puwersang mekanikal na nilalapat gamit ang ibang gamit. Bukod sa pagbato ng walang gamit, ilan sa mga mekanismo ay ang catapult, tirador at busog.

Ang iba pang mga sandata ay ginagamitan ng pagsiksik o paglawak ng hangin bilang puwersang nagpapagalaw sa kanila.

  NODES