Espesye na pinakamaliit na pag-alala

kategorya ng IUCN conservation
(Idinirekta mula sa Pinakamaliit na Pag-alala)

Ang isang espesye na pinakamaliit na pag-alala ay isang espesye na inuri at sinuri ng Internaional for Conversation of Nature (IUCN) bilang hindi pagtutuunan ng pansin para sa pagpapanatili sapagkat marami pa ang partikular na espesye sa ilang. Hindi napapabilang ang mga espesye na mga ito sa nababantaan, o halos nababantaan, o (bago ang 2001) umaasa sa pagpapanatili.

Isang halimbawa ang moose (Alces alces) sa espesye na pinakamaliit na pag-alala

Sa Ingles, tinatawag itong least concern at, simula noong 2001, pinapaikli ito bilang "LC", kasunod ng Kategorya at Pamantayan ng IUCN 2001 (bersyong 3.1).[1] Bago ang 2001 subkategorya ang "least concern" ng kategoryang "Lower Risk" at itinalaga ang kodigong "LR/lc" o lc. Mga 20% ng taxa ng pinakamaliit na pag-alala (3261 ng 15636) sa database o talaan ng IUCN ay ginagamit pa rin ang kodigong "LR/lc", na pinapahiwatig na hindi pa sila nasusuri muli simula noong 2000.

Habang hindi tinuturing ang "pinakamaliit na pag-alala" bilang kategoryang pulang tala ng IUCN, tinatalaga pa rin sa 15636 taxa ang kategorya sa Pulang Tala ng IUCN noong 2006. Ang kabuuan ng bilang ng mga espesyeng hayop na nakatala sa kategoryang na ito ay 14033 (na kinabibilangan ng ilang hindi pa naisalarawang espesye tulad ng isang palaka mula sa genus na Philautus[2]). Nakatala din ang 101 sub-espesyeng hayop at 1500 halamang taxa (1410 espesye, 55 sub-espesye, at 35 sari-saring uri). Walang fungi o protista na nasa pag-uuri, bagaman apat na espesye lamang sa mga kahariang iyon ang nasuri ng IUCN. Kasama ang mga tao sa kategoryang ito, dahil napakarami nila, at pormal sinuri noong 2008[3] ng IUCN.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "2001 Categories & Criteria (version 3.1)" (PDF). The IUCN Red List of Threatened Species (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2016-01-28. Nakuha noong 2015-05-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Philautus sp. nov. 'Kalpatta'". The IUCN Red List of Threatened Species (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2006-12-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Global Mammal Assessment Team 2008. (2008). "Homo sapiens (human)". IUCN Red List of Threatened Species. 2008. doi:10.2305/IUCN.UK.2008.RLTS.T136584A4313662.en.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  NODES
INTERN 1