Raha Humabon

rajah ng Cebu
(Idinirekta mula sa Rajah Humabon)

Si Raha Humabon ay ang Raha ng Cebu sa panahon ng pagdating ni Fernando de Magallanes sa Pilipinas noong 1521.[1] Ayon sa mga salaysay ng Kastila at Pilipinas, si Raha Humabon ang una sa mga katutubong hari ng Pilipinas na nakonberte sa Romano Katoliko matapos na siya, ang kanyang asawa at ilang mga tao ng Cebu ay nabautismuhan sa Romano Katolisismo ng pari ni Magallanes. Si Magallanes ay nakipagkaibigan kay Hara Amihan sa pamamagitan ni Raha Kolambu. Si Humabon ay pinangalanang Carlos bilang parangal kay Haring Carlos I ng Espanya, samantalang ang kanyang asawang si Hara Amihan ay pinangalanang Juana bilang parangal sa ina ni Carlos na si Johanna. Siya ay nakipagsanduguan kay Magallanes bilang tanda ng pakikipagkaibigan. Ayon kay Antonio Pigafetta, si Humabon ang humiling kay Magallanes na pasukuin at patayin ang kanyang katunggaling si Lapu-Lapu na datu sa kalapit na pulo ng Mactan. Ang pariralang Cata Raya Chita ay nadokumento ni Antonio Pigafetta na isang babala sa wikang Malay mula sa isang mangangalakal sa Raha. Ang pariralang ito ay isang creole ng Malay para sa Kata-katanya adalah raya cita-cita, kata (salita), raya (dakila, pangunahin, malaki), cita-cita (ambisyoso), o "Ang kanilang sinasabi ay panguanhing ambisyoso". Ang isa pang interpretasyon nito ay ang Kota raya kita na isang katutubong parirala ng lumang Malay ng mga mangangalakal sa ilalim ng kapangyarihan ni Humabon na may kahulugang "Kami ay ang dakilang muog", kota (muog), raya (raha), kita (kami). Ang pagpupulong sa pagitan ni Humabon at Enrique ng Malacca na aliping sumama sa paglalakbay ni Magallanes ang patunay ng pag-iral ng lumang Malay bilang katutubong wikang sinalita para sa pakikipagkalakalan sa Pilipinas na dinokumento nina Pigafetta at Miguel López de Legazpi. Pagkatapos ng kamatayan ni Magallanes sa Labanan sa Mactan at ng pagkabigo ng mga Kastila na talunin si Lapu-Lapu, nilason ni Humabon at kanyang mga mandirigma ang mga natitirang sundalong Kastila sa Cebu sa isang piging. Ang ilang mga tao ay namatay kabilang mga pinuno ng ekspedisyong sina Duarte Barbosa at João Serrão.

Rajah Humabon
Kapanganakan15th dantaon (Huliyano)
  • (Cebu, Gitnang Kabisayaan, Pilipinas)
Kamatayan
Trabahopolitiko
OpisinaRaha ()

Ayon sa tradisyon, si Raha Humabon ang apo ni haring Sri Lumay na isang maliit na prinsipe ng Dinastiyang Chola mula sa Sumatra na nagsanay ng Hinduismo at tumira sa Visayas at nagkaroon ng ilang mga anak. Ang isa sa mga anak na lalake ni Sri Lumay ay si Sri Alho na namuno sa lupaing kilala bilang Sialo na kinabibilangan ng mga kasalukuyang bayan ng Carcar at Santader sa katimugang rehiyon ng Cebu. Si Sri Ukob ay namuno sa kaharian ng Nahalin sa hilaga na kinabibilangan ng kasalukuyang mga bayan ng Consolación, Liloan, Compostela, Danao, Carmen at Bantayan. Siya ay namatay sa labanan na nakikipaglaban sa katutubong Magalos mula sa Mindanao.[2] Ang pinakabata niyang anak na si Sri Bantug ay namuno sa kahariang Singhapala sa rehiyon na bahagi ngayon ng Lungsod ng Cebu na namatay sa sakit at hinalinhan ng kanyang anak na si Sri Hamabar na kilala rin bilang Raha Humabon. Si Sri Bantug ay may isang kapatid na lalakeng si Sri Parang na isang paika-ikang maglakad ngunit hindi makapamuno sa kanyang kaharian dahil sa kanyang karamdaman. Ibinigay ni Sri Parang ang kanyang trono sa kanyang pamangkin na si Humabon bilang rehente at naging Raha ng Cebu. Si Sri Parang ay may isang batang anak na si Sri Tupas o Raha Tupas na humalili kay Raha Humabon bilang Hari ng Cebu.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Product of the Philippines : Philippine History". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-31. Nakuha noong 2013-03-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Marivir Montebon, Retracing Our Roots – A Journey into Cebu’s Pre-Colonial Past, p.15
  NODES
mac 2
os 11
web 1