Mga rehiyon ng Pilipinas
Sa Pilipinas, ang rehiyon ay isang subdibisyong administratibo na nagsisilbi upang isaayos ang mga lalawigan ng bansa para sa madaling pamamahala. Noong 2018, mayroon nang labing-anim (16) na rehiyon at ang mga ito ay nahahati sa walumpu't dalawang (82) lalawigan. Nabuo ang mga rehiyon upang pangkatin ang mga lalawigan na may pareparehong katangiang kultural at etnolohikal.
Ang mga lalawigan ang pangunahing subdibisyong politika. Ang mga ito ay napapangkat bilang rehiyon para sa madaliang pamamalakad. Karamihan ng tanggapan ng pamahalaan ay naitatawag bilang tanggapang pangrehiyon sa halip na paisa-isang tanggapang panlalawigan, at karaniwan sa lungsod na hinirang bilang kabisera ng rehiyon.
Orihinal na Binalak na maging awtonomo ang Cordillera Administrative Region (CAR) o Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera ngunit dahil sa di matagumpay na dalawang plebisito para gawing awtonomo ang CAR, naging regular na rehiyong administratibo na lamang ito.
Galeriya
baguhin-
6. Calamba, Calabarzon
-
15. Koronadal, Soccsksargen
Mga Rehiyon
baguhinRehiyon | Awtonomo | Administratibo | Dating rehiyon |
---|---|---|---|
* NCR * Ilocos * Lambak ng Cagayan * Gitnang Luzon * Calabarzon * Mimaropa * Rehiyon ng Bicol * Kanlurang Kabisayaan * Gitnang Kabisayaan * Silangang Kabisayaan * Tangway ng Zamboanga * Hilagang Mindanao * Rehiyon ng Davao * Soccsksargen |
Bangsamoro | * Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera * Caraga |
* Timog Katagalugan * Rehiyon ng Pulo ng Negros * Rehiyong Awtonomo ng Muslim Mindanao |
Mga rehiyon at sentro
baguhinLipas na Rehiyon
baguhinAng mga sumusunod na rehiyon ay walang habang lumabas, ito ay nakatala (list) sa kasalukuyang estato.
- Timog Katagalugan (Rehiyon ng IV, ngayon ay hinati sa Calabarzon at Mimaropa)
- Kanlurang Mindanao (pinangalan sa Tangway ng Zamboanga ay nanatiling naka disenyo sa Rehiyon IX).
- Gitnang Mindanao (pinangalan sa Soccsksargen ay nanatiling naka disenyo sa Rehiyon XII).
- Timog Mindanao (pinangalan sa Rehiyon ng Davao ay nanatiling naka disenyo sa Rehiyon XI).
- Rehiyon ng Pulo ng Negros (Ibabalik muli sa Kanluran at Gitnang Kabisayaan).
- Awtonomong Rehiyon sa Muslim Mindanao (pinalitan ng Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao).