Rolando S. Tinio
Si Rolando Santos Tinio ay isang Pilipinong makata, dramatista, tagasalin, direktor, kritiko, manunulat ng sanaysay at guro.[1][2][3][4]
Rolando S. Tinio | |
---|---|
Kapanganakan | Rolando Santos Tinio 5 Marso 1937 |
Kamatayan | 7 Hulyo 1997 |
Nasyonalidad | Pilipino |
Larangan | Dulaan at panunulat |
Pinag-aralan/Kasanayan | Pamantasan ng Santo Tomas, Pamantasang Estado ng Iowa, Pamantasang Bristol |
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas | |
Teatro at Panitikan 1997 |
Talambuhay
baguhinIsinilang si Tinio sa Gagalangin, Tondo, Maynila noong 5 Marso 1937 ngunit may pinag-ugat mula sa Nueva Ecija, kung saan nagmula ang kanyang mga magulang na sina Dominador Tinio at Marciana Santos. Bata pa lamang ay mahilig na si Tinio sa pagsasaayos at direksiyon sa mga kalaro para sa mga pagdiriwang nakakasuotan. Siya ay isang masigasig sa paglalahok sa mga industriya ng mga pelikulang Pilipino at nawiwili sa pagtatrabaho sa mga sikat na artistang Pilipino kung saan hinangaan siya noong nasa kabataan niya. Siya ay naging aktor ng pelikula at manunulat ng dulang pampelikula. Palagi siyang inilarawan bilang madasalin, tahimik at may pambihirang talino.
Nagtapos ng mababang paaralan sa Mababang Paaralan ng Lakandula sa Tundo noong 1948, at mataas na paaralan sa Mataas na Paaralang Letran noong 1951. Nakamit niya ang Batsilyer ng Pilosopiya na nakamit niya ang dangal na magna cum laude sa edad ng 18 sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1955 at Pantas ng Pinong Sining sa Malikhaing Pagsusulat sa Pamantasang Estado ng Iowa noong 1958. Nagtapos din ng maikling kurso sa sining pandulaan sa pamamagitan ng iskolarsyip na ipinagkaloob ng Sangguniang Britaniya sa Pamantasang Bristol noong 1968. Nagturo siya ng Inggles, Filipino, at kursong sining pandulaan sa Pamantasang Ateneo de Manila, 1958–1975, kung saan namuno siya ng Kagawaran ng Inggles, at sumunod ang Kagawaran ng Filipino.
Sa Iowa, nakilala si Tinio bilang magaling na manunulat na gumamit ng Inggles bilang midyum ng Pilipinong manunulat. Sumulat siya ng kanyang koleksiyong pangmakata: Poot at Ritwal (Rage and Ritual) kung saan nanalo ng gawad mula sa Pamantasan ng Pilipinas. Inilarawan ni Bienvenido Lumbera ang nalikom na ito bilang mabikas at may tunay na walang-kamatayang hagkis kung nakuha mula sa Europeong mapamunang pagsusuring pampanitikan. Sa oras na ito, naniwala si Tinio na ang Inggles ay makakalagis ng mga tikha na ninais niyang magbatid para sa kanyang mga likha. Sa pagkakataon, sa isang panayam, naghatid ng isang manunulat ang kanyang paniniwala sa halaga ng wikang Tagalog sa Malikhaing Pagsusulat. Sa tugon nito, naglathala si Tinio ng isang lathalain sa pahayagang pang-iskolar na Araling Pilipino, kung saan ang mga nagtataglay na bahagi ng mga tulang Inggles na isinalin sa Tagalog. Ang layunin ng lathalain ay mapatunayan ang kakulangan ng Tagalog bilang midyum ng manunulat ayon kay Lumbera.[5]
Sa kalagitnaan ng dekada 60, bagama't, nagpasiya si Tinio na magsulat sa wikang Tagalog at ang produkto ng pagsubok na ito ay ang mga koleksiyon ng mga tula na kasalukuyang tinatawag na Bagay. Si Rolando Tinio ay ang natatanging imbentor ng "Taglish" sa panulaang Pilipino. Sa pamamagitan nito, binigay niya ang tunay na hagkis sa tula ng likas na Pilipinong nasa kalagitnaang antas ng lipunan. Noong 1972, sumulat si Tinio ng isa pang koleksiyong panulaan: Sitsit sa Kuliglig at dito ipinakita ang mahusay na pagkakaiba ng kanyang luma at bagong adbokasiya. Kung sa Poot at Ritwal (Rage and Ritual), mga paglalarawan ng sining at ang artista na di-gaanong may ugnayan sa pamamaraan ng pamumuhay ng Pilipino, ang Sitsit sa Kuliglig ay malinaw na naglalarawan ang mga pang-araw-araw karanasan ng lumaki sa Tondo na nakatira sa kasalukyan sa kataasan ng Loyola. Langit at lupa; ang awang sa pagitan ng mga likha ni Tinio sa Inggles at mga nasa sa Tagalog.[5]
Siya ay ikinasal kay Ella Luansing, isa ring aktor at direktor, at may dalawang supling na isa sa kanila ay aktor na si Victoria.
Pamamahala sa dulaan
baguhinDulaang Pang-eksperimento ng Ateneo
baguhinSi Tinio ay isa ring aktor, direktor, at tagapagdisenyo ng entablado at kasuotan. Hinawakan niya ang mga tungkuling ito sa kapanahunan ng kanyang pagtahan sa Dulaang Pang-eksperimento ng Ateneo. Siya ay pumipili ng mga dula, nagdidisenyo ng entablado, namamahala, naglilikha ng mga kasuotan at nagpapasiya ng mga lapat pangmusika at iba pang mga tunog. Ang mga pagtatanghal ng Dulaang Pang-eksperimento ng Ateneo ay kanyang ganap na pananaw. Sa kanyang pagtatanghal ng Oedipus Rex, hinalili niya ang mga kasuotang Griyego na may mga makabagong rendisyong gawa sa tubong metal na inakalang ipahayag ang kaisipan ng malaindustriyang ika-20 siglo.[5]
Ang kanyang likha sa Dulaang Pang-eksperimento ng Ateneo ay ipinahiwatig ang konsepto ng aktor sa pagiging isa sa mga antutay ng direktor sa paghuhubog ng entablado; ipinahiwatig ang kanyang pananaw sa pamamagitan ng aspekto ng pagtatanghal. Ang pagtatanghal ay ginanap sa silid-aralan sa halip na awditoryum at ginawa ni Tinio ang mga aktor na makisalamuha nang malaya kapiling ang mga manonood. Walang tunay na "kahulugan" sa kilos at wala ring pihadong hangganan ng kuwento. Ang "kahulugan" ay nakatago sa mga tikis na kilos ng mga aktor at di-inaasahang tugon ng mga manonood.[5]
Teatro Pilipino
baguhinMula't sapul, lalo na para sa Teatro Pilipino kung saan itinatag niya at namahala sa direksiyon mula 1975 hanggang 1992, nakapagsalin siya ang mga pangunahing dula nina Euripedes, William Shakespeare, Anton Chekhov, Albert Camus, Oscar Wilde, Eugene lonesco, at marami pang iba.
Nagpakita rin siya bilang aktor sa mga dula, gumaganap bilang Caligula sa Caligula noong 1988; ang baron sa Ang Ginang sa Hostel, 1984; Leonidik sa Kawawang Marat ni Arbusov noong 1986.
Siya rin ang nagdisenyo ng entablado at mga kasuotan ng ibang mga pagtatanghal ng Teatro Pilipino, lalo na ang Paghihintay Kay Godo.
Noong Pebrero 1992, nagpasiyang isara ang dulaang ito sa pamamagitan ng pagtatanghal ng pamamaalam na Ikalabindalawang Gabi ni William Shakespeare pagkatapos ng kamatayan ni Ella Luansing.[6]
Mga likha
baguhinMga lipumpon ng tula
baguhin- Sitsit sa Kulilig (Whistling at Cicadas) (1972)
- Dunung-dunungan (Pedantry) (1975)
- Kristal na Uniberso (Crystal Universe) (1989)
- Lansi ng Salamin (Trick of Mirrors) (1993)
Mga isinalin na dula
baguhin- Haring Edipo (Oedipus Rex) ni Sopokles (1960)
- Oresteia ni Eskilo (1962)
- Makbet (Macbeth) ni William Shakespeare (1963)
- Ang Pagpaslang sa Katedral (Murder in the Cathedral) ni T. S. Eliot (1966)
- Laruang Kristal (The Glass Menagerie) ni Tennessee Williams (1966)
- Pahimakas sa Isang Ahente (Death of a Salesman) ni Arthur Miller (1966)
- Paghihintay Kay Godo (Waiting for Godot) ni Samuel Beckett (1967)
- Binibining Julie (Miss Julie) ni August Strindberg (1967)
- Ang Masayahing Biyuda (The Merry Widow) ni Franz Lehár (1969)
- Ang Lobong Onyx (The Onyx Wolf) (pinalabas bilang pasinaya ng pagbubukas ng Munting Tanghalan ng CCP o Tanghalang Aurelio V. Tolentino) (1971)
- Prinsipe Baldovino (Prince Baldwin) (1971)
- Ang Kiri (The Flirt) (1974)
- Tiyo Vanya (Uncle Vanya) ni Anton Chekhov (1976)
- La Traviata ni Giuseppe Verdi (1976)
- Paano Man ang Ibig (As You Like It) ni William Shakespeare (1976)
- Kawawang Marat (The Promise) ni Alexei Arbusov (1976)
- Ang Negosyante ng Venecia (The Merchant of Venice) ni William Shakespeare (1977)
- Santa Juana (Saint Joan) ni George Bernard Shaw (1977)
- Hedda Gabler ni Henrik Ibsen (1977)
- Hamlet ni William Shakespeare (1979)
- Pangarap sa Isang Gabi ng Gitnang Tag-Araw (A Midsummer Night's Dream) ni William Shakespeare (1980)
- Caligula ni Albert Camus (1981)
- Romeo at Julieta (Romeo and Juliet) ni William Shakespeare (1981)
- Ang Halaga ng Pagiging Masigasig (The Importance of Being Earnest) ni William Shakespeare (1982)
- Ang Ibong-dagat (Seagull) ni Anton Chekhov (1982)
- Antigone ni Jean Anouilh (1982)
- Ang Reyna at ang mga Rebelde (The Queen and the Rebels) ni Ugo Betti (1983)
- Ang Mabuting Tao ng Setzuan (The Good Woman of Setzuan) ni Bertolt Brecht (1983)
- Ang Ginang sa Hostel (The Mistress of the Inn) (1984)
- Ang Sopranong Kalbo (The Bald Soprano) ni Eugène Ionesco (1987)
- Medea ni Eurípides (1988)
- La Bohème ni Giacomo Puccini (1991)
- Ikalabindalawang Gabi (Twelfth Night) ni William Shakespeare (1992)
Mga nilikha at pinamahalang dula
baguhin- Paglipas ng Dilim (sarswela) ni Precioso Palma (1969)
- Dularawan: Salakot na Ginto (isang tanghalan ng opera bilang pasinaya ng pagbubukas ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas) (1969)
- Bayan-bayanan ni Bienvenido Noriega, Jr. (1975, 1976)
- Orosman at Zafira ni Francisco Balagtas
- May Katwiran ang Katwiran (isang dula na hinango sa istilo ng Brecht) (1981, 1989)
- Ang Babae sa Panitik (1991)
Mga isinalin na awit
baguhinAng mga awit na isinalin ni Tinio ay inilapat ng musika ni Willy Cruz at inawit ni Celeste Legaspi, at pinalabas sa Munting Tanghalan ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (Tanghalang Aurelio Tolentino) noong huling dekada 70.
- Ako'y Bakyang-Bakya (The Lady is a Tramp)
- Mga Liwasan ni MacArthur (MacArthur's Park)
- Giliw Ko (Loving You)
- Langit Ko, Ulap Mo (Summer Me, Winter Me)
Mga nilikhang awit
baguhin- Minsan Pa, inawit ni Janet Basco
- Suwerte-Suwerte Lang, inawit ni Joel Navarro
- Ibig Kong Ibigin Ka, inawit ni Anthony Castelo
- Pangako, inawit ni Rex Damavivas
- Alay-Kapwa
Mga sanaysay
baguhin- Isang Paham ng Wika, Nang Bumigo ang Inggles (A Master of Language, Where English Fails) (1977)
Mga lathalain sa pahayagan
baguhin- Touchstones para sa Metro Manila (1986–1987)
- Totally Tinio para sa Manila Chronicle (1987–1989) at sa Daily Globe (1990)
- In Black and White para sa Daily Globe
Dulang pampelikula
baguhin- Magandang Umaga, Sikat ng Araw (Good Morning, Sunshine) (1980)
- Gamitin Mo Ako (1985)
- Hanggang sa Magkita tayo (Till We Meet Again) (1985)
- Milagros, sa direksiyon ni Marilou Diaz-Abaya (1997)
- Bayad-Puri, sa direksiyon ni Joel Lamangan (1997)
Mga isinalin na dulang pantelebisyon
baguhin- Ang Kalaban ng mga Tao (The Enemy of the People) ni Tancred Ibsen
- Pasyon Pilipino, isang senakulo batay sa pasyon ni Gaspar Aquino de Belen
Dulang pantelebisyon
baguhinIpinalabas ang mga ito sa GMA Telesine ng GMA 7 noong 1993.
- Camilia, Ang Lalaki sa Pisngi ng Buwan
- Sumpang Pag-ibig
- Ang Kuwento ni A.
Libreto
baguhin- Ang Larawan, hinango mula sa Ang Larawan ng Artista bilang Pilipino (A Portrait of the Artists as Filipino) ni Nick Joaquin na pinalabas sa Punong Tanghalan ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (Tanghalang Nicanor Abelardo) noong 1997.
Pagpapalabas sa pelikula at telebisyon
baguhin- Karnal, gumanap bilang Mang Bino (1983)
- A Dangerous Life, gumanap bilang Jaime Kardinal Sin (1988)
- Demonstone (1989)
- Noli Me Tangere (produksiyong pantelebisyon ng CCP), gumanap bilang Pilosopong Tasyo (1993)
- Manila Girl: Ikaw ang Aking Panaginip (1995)
- Muling Umawit ang Puso (1995)
- Ang Kuwento ni Flor Contemplacion (The Flor Contemplacion Story) (1995)
- Bakit May Kahapon Pa? (1996)
- Ang Kuwento ni Sarah Balabagan (The Sarah Balabagan Story) (1997)
- Milagros (1997)
- Mananayaw (1997)
- Kadre (1997)
- Sa Pusod ng Dagat, sa direksiyon ni Marilou Diaz-Abaya (1997)
Kamatayan
baguhinSumulat siya ng libreto ng Ang Larawan na siya rin ang direktor noong 1997, isang dulang pangmusika na hinang mula sa A Portrait of the Artists as Filipino ni Nick Joaquin. Sampung araw bago ang unang pagtatanghal nito sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, siya nalagutan ng hininga nang dahil sa atake sa puso sa taon ng 60.
Mga napanalunan sa Gawad Palanca
baguhinAng mga napanalunan ni Tinio sa Gawad Carlos Palanca:
Dibisyong Filipino
baguhin- May Katwiran ang Katwiran, ikalawang gantimpala, kategoryang dulaang may isang yugto (1972)
- Sitsit sa Kuliglig, tanging gantimpala, kategoryang tula (1972)
- Tula, tanging gantimpala, kategoryang tula (1975)
- Himutok at Iba Pa, unang gantimpala, kategoryang tula (1989)
- Ang Kuwento ni A., unang gantimpala, kategoryang dulang pantelebisyon (1993)
- Kulay Luha ang Pag-ibig, unang gantimpala, kategoryang dulang pampelikula (1994)
- Kalapati, ikalawang gantimpala, kategoryang dulang pampelikula (1995)
Dibisyong Ingles
baguhin- Abril na, Ano'ng Ginagawa Natin Dito? (It's April What Are We Doing Here?), unang gantimpala, kategoryang dulaang may isang yugto (1964)
- Ang mga Kahon (The Boxes), ikatlong gantimpala, kategoryang dulaang may isang yugto (1972)
- Lansi ng Salamin (Trick of Mirrors), ikalawang gantimpala, kategoryang tula (1973)
- Ang Buhay sa Pook ng mga Iskwater (A Life in the Slums), unang gantimpala, kategoryang dulaang may isang yugto (1975)
- Si Claudia at ang Kanyang Ina (Claudia and Her Mother), unang gantimpala, kategoryang dulaang may isang yugto (1984)
Mga parangal
baguhin- Sampung Namumukod-Tanging Batang Ginoo, panitikan at dula (1967)
- Patnubay ng Sining at Kalinangan, Lungsod ng Maynila (1967)
- Gantimpalang Quezon sa Panitikan (1977)
- Gawad CCP para sa Sining (1993)
- Milagros, kung saan siya ang manunulat, pinakamahusay na orihinal na dulang pampelikula, 1997 Gawad Urian
- Pambansang Alagad ng Sining para sa Teatro at Panitikan, 1997
Tingnan din
baguhin- Heneral Manuel Bundoc Tinio, ang heneral na Tagalog ng Ilokos
- Teatro Pilipino, dating naninirahang dulaan ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas
- Ella Luansing
Sanggunian
baguhin- ↑ "Lathalain ng Asiaweek tungkol kay Rolando Santos Tinio ni Ricardo Saludo,We Hardly Knew You". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-11-03. Nakuha noong 2008-07-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Rolando S. Tinio Asiaweek Obituary". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-30. Nakuha noong 2008-07-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Teatro ng Pilipinas", Nicanor G. Tiongson (ed.), Ensiklopedyang CCP ng Sining ng Pilipinas, Tomo VII, 1994
- ↑ Rolando Tinio, Aktor, Punong Pahina ng mga Sine, New York Times, NYTimes.com, 1989 at 1998, nakuha noong: 17 Hunyo 2007
- ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 B. Lumbera, Pagpapakilala sa May Katwiran Ang Katwiran, Palimbagan ng Pamantasan ng Pilipinas, Lungsod Quezon
- ↑ M. L. Maniquis, Ensiklopedyang CCP, Tomo VII-Teatro, pahinang 410