Si Sabacio, Sabazios o Sabazius (Sinaunang Griyego: Σαβάζιος) ay isang mangangabayong nomadiko at diyos na ama at diyos ng langit ng mga Phrygiano (mula sa Frigia) at mga Thraciano (mula sa Tracia). Sa mga wikang Indo-Europeo, katulad ng Phrygiano, ang elementong -zios na nasa pangalan niyang ito ay hinango magmula sa dyeus, ang karaniwang prekursor (pinagmulan, nauna) ng Latin na deus ('diyos') at ng Griyegong Zeus. Ayon sa paliwanag ng mga Griyego, ang Phrygianong Sabazios[1] na may kaugnayan kapwa kina Zeus at Dionysus,[2] at mga representasyon ni Sabazios, kahit na noong pa mang kapanahunan na ng mga Romano, si Sabazios ay laging ipinapakita at inilalarawan bilang nakasakay sa kabayo, at bilang isang diyos na nakakabayo na pagala-gala (nomadiko; hindi pirmihan sa isang lugar), na nagwawagayway ng kaniyang pangkatangiang tungkod ng kapangyarihan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ang iba't ibang mga pagbabaybay, katulad ng Sawadios sa mga inskripsiyon, ay maaaring makapagpapatunay na pangdiyagnostiko sa pagtatatag ng mga pinagmulan, ayon sa mungkahi ni Ken Dowden sa kaniyang pagsusuri ng akdang Corpus Cultis Jovis Sabazii ni E.N. Lane noong 1989 para sa The Classical Review, 1991:125.
  2. Tingnan ang interpretatio Graeca.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES