Sigalot sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas

Ang Sigalot sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas ay ang kasalukuyang pangyayari na nagaganap sa mga bansang Tsina at Pilipinas. Ang artipisyal na mga islang pinag-aagawan ay nasa loob ng Eksklusibong sonang ekonomiko ng Pilipinas (EEZ) sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas na bahagi ng Dagat Timog Tsina. Ang Bahurang Julian Felipe o Julian Felipe Reef, Buhanginan ng Panatag o Scarborough Shoal, at Kapuluang Spratly ay isa sa mga nakapaloob sa pag-aangking pangkasaysayan na “Nine-dash line” ng Tsina.[1]

Ang mapa sa hangganan ng Kanlurang Dagat ng Pilipinas

Protesta

baguhin

Naghain ang Pilipinas ng protestang pandiplomasiya laban sa Tsina noong Abril 2021. Ito ay dahil sa mga 220 bangka ng Tsina ang namataan sa Bahurang Julian Felipe. Umabot ito sa ikatlong diplomasya na itinatangi ng Tsina at naniniwalang sa kanila ang kanilang sinasakop. Nagpadala ng hukbong dagat at mga kawal ang mga bansang Estados Unidos, Australia, Canada, at Pransya. Bukod dito, kabilang ang Hapon sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas kung saan nananatili ang mga barkong nakasalpak sa mga bahura ng Pilipinas.[2]

Iginigiit ng mga nasa barko at bangka ng Tsina, na namamahinga lamang sila sa dagat kung saan sila nakapuwesto. Hanggang ngayon ay hindi umaatras ang ilan sa mga sasakyang pandagat, at nananatili pa ang mga ito sa ilang bahura.

Mga bansa

baguhin
Kaalyansa Katunggali
1.   Australya
2.   Canada
3.   European Union
4.   Pransiya   Tsina
5.   Hapon
6.   Pilipinas
7.   Estados Unidos

Tingnan rin

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  NODES
languages 1
os 8