Wikang pakumpas

wika na gumagamit ng manu-manong komunikasyon at wika ng katawan upang ihatid ang kahulugan
(Idinirekta mula sa Sign language)

Ang wikang pasenyas o wikang pakumpas ay isang sistema ng komunikasyon na ipinamamalit ang mga kilos ng kamay o mga bahagi ng katawan para sa pagsasalita, na natatanging ginagamit ng mga bingi at pipi. Karamihan sa iba't ibang mga bansa ay may kani-kaniyang mga wikang pasenyas. Halimbawa, ginagamit sa Pilipinas ang Pilipinong wikang pasenyas, habang ginagamit naman sa Estados Unidos ang Amerikanong wikang pasenyas. Marami sa mga nakakarinig na mga tao ang makapipili na matuto ng wikang pasenyas - minsan upang makausap ang mga taong bingi, minsan dahil mayroon silang kaibigang bingi o may isang binging taong kasapi sa kanilang mag-anak, o nabighani lamang sila sa wikang pasenyas. Maaaring matutunan ang wikang pakumpas sa pamamagitan ng pagpunta sa isang klase at matutunan ito mula sa isang pangkat ng mga tao. May ibang mga tao na maaaring matuto ng wikang pasenyas mula sa isang aklat, na maaaring may kasamang interaktibong DVD upang mabigyan ng kakayanang mapag-aralan ng mga estudyante ang wikang pasenyas.

Dalawang lalaki et isang babae na nagkukumpas para magkuminikait.
Preservation of the Sign Language (1913)

Maaaring maunawaan ng mga taong hindi makarinig ang pagsasalita sa pamamagitan ng pagtingin sa mga galaw ng mga labi ng taong nagsasalita, kung nasa piling sila ng mga taong may pandinig na hindi gumagamit ng wikang pakumpas. Tinatawag itong pagbasa ng labi. Kung minsan, nagbabasa ng mga labi ang mga taong nakakarinig kapag sinusubok nilang makakuha ng kabatiran subalit wala sila sa kaparehong silid.

Tingnan din

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES