Pagpapaulit-ulit ng tubig

patuloy-tuloy na paggalaw ng tubig sa ibabaw, sa itaas, at sa ilalim ng rabaw ng Daigdig
(Idinirekta mula sa Siklo ng tubig)

Ang ikot-tubig o pagpapaulit-ulit ng tubig (kilala sa Ingles bilang water cycle) ay isang proseso o paraan ng kalikasan kung saan ang tubig ay pinababago ang anyo at porma ngunit nanatili ang pangunahing sangkap nito bilang isang kompuwesto o pinagbuklod na sangkap ng elemento ng hidrogeno at oksiheno. Ang pagbabagubago ng temperatura o init at lamig sa kapaligiran ay siyang nagiging dahilan kung bakit nagbabago ang panlabas o pisikal na anyo at ayos ng tubig. Ang katamtamang init at lamig ay siyang nagpapanatili sa anyo ng tubig bilang isang agos o likido. Sa ganitong anyo, ang tubig ay nagagamit at mahalaga sa lahat ng uri ng halaman, hayop, mumunti man o malaki at maging sa mga tao. Ang labis na init sa hangin dala ng sikat ng araw o iba pa mang dahilan ay siyang dahilan naman upang ang tubig ay maging singaw. Sa anyong ito, ang tubig bilang singaw ay madaling mapadpad sa hangin sa himpapawid. Kapag ang singaw ng tubig ay nakarating sa himpapawid na may mababang temperatura, ang tubig ay sasailalim sa paraan ng kondensasyon o pagtitipun ng bahagi nito upang maging ulap dahil sa malamig na hangin. Kapag ang natipun na bahagi ng tubig singaw ay mabigat na, ito ay susundan ng paraan o proseso ng presipitasyon o pagbagsak ng tubig bilang agos/likido dahil naabot na ang saturation point o wastong bigat para maging ulan ito sa himpapawid. Ang kaganapang ito ay paulit ulit na nangyayari sa kalikasan na siyang tinawag ngang pagpapaulit-ulit ng tubig. Ang pangangalaga sa mga punong kahoy at sa malawak na kagubatan ay mahalaga sa prosesong ito upang patuloy na may mapakinabangang tubig sa daigdig na siyang mahalaga sa lahat ng buhay na naninirahan dito. Isang teknolohiya na gumagamit ng tubig bilang gatong sa makinarya ay lubhang mapanganib na kaalaman, ito ay sa dahilang ang pagkuha ng lakas o enerhiya sa tubig ay sisira sa pagpapaulit-ulit ng tubig na nabanggit dito. Ang paghihiwalay ng sangkap elemento ng tubig na hidroheno at oksiheno ay magdudulot ng pirmihang pagwasak sa pasikutang ganap ng tubig. Ang naghiwalay na elemento na sangkap ng tubig ay di na maibabalik, pati ang singaw na anyo ng tubig ay mawawala ng lubusan upang wakasan ang prosesong ito. Sinasabing dapat pigilin ang teknolohiyang ito.

Ang pagpapaulit-ulit ng tubig.


Kalikasan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalikasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
Done 1