Ang sikoanalisis o sikolohiyang Freudiyano (Ingles: psychoanalysis o Freudian psychology) ay isang katawan ng mga ideyang pinaunlad ng Austriyanong manggagamot na si Sigmund Freud at ipinagpatuloy ng iba pa. Pangunahing itong nakatuon sa pag-aaral ng tungkulin at ugali sa sikolohiya ng tao, bagaman maaari rin itong gamitin sa mga lipunan. Mayroon itong tatlong pangunahing mga komponente:

  1. isang metodo ng imbestigasyon ng isip at ang paraan kung paano mag-isip ang isang tao;
  2. isang sistematikong pangkat ng mga teoriya hinggil sa ugali ng tao;
  3. isang metodo ng panggagamot ng sikolohikal o emosyonal na karamdaman.[1]

Tinatawag na mga sikoanalogo o sikoanalista ang mga manggagamot na may pagsasanay sa larangan ng sikoanalisis.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Moore BE, Fine BD (1968), A Glossary of Psychoanalytic Terms and Concepts, Amer Psychoanalytic Assn, p. 78, ISBN 978-0318131252{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Sikolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
todo 2