Simón de Anda y Salazar
Si Simón de Anda y Salazar (ika-28 ng Oktubre 1709 — ika-30 ng Oktubre 1776) ay ang naging Kastila na gobernador-heneral ng Pilipinas mula Hulyo 1770 hanggang ika-30 ng Oktubre 1776. Siya ay isinilang sa bayan ng mga Basque sa hilagang Espanya.
Simón de Anda y Salazar | |
---|---|
Governor-General of the Philippines | |
Nasa puwesto Hulyo 1770 – ika-30 ng Octubre 1776 | |
Monarko | Carlos III ng Espanya |
Nakaraang sinundan | José Antonio Raón y Gutiérrez |
Sinundan ni | Pedro de Sarrio |
Leader of the Spanish Resistance in the Philippines | |
Nasa puwesto ika-6 ng Octubre 1762 – ika-30 ng Enero 1764[1] | |
Personal na detalye | |
Isinilang | 28 Oktubre 1709 Subijana, bayan ng mga Basque, bansang Espanya |
Yumao | 30 Oktobre 1776 Cavite, Captaincy General of the Philippines | (edad 67)
Serbisyo sa militar | |
Labanan/Digmaan | Ang Pitong Taong Digmaan |
Oidor sa Royal Audience ng Maynila at tenyente gobernador
baguhinSi De Anda y Salazar ay isang Oidor ng Audiencia Real ng Maynila, na hinirang bilang Tenyente Gobernador ng lungsod ng Gobernador-Heneral ng Pilipinas at ng Audiencia mismo noong [[:en:British occupation of Manila|pananakop ng Britanya sa Maynila]]. Umalis siya ng Maynila noong gabi ng ika-5 ng Oktubre 1762, noong Labanan sa Maynila (1762), at nagtatag ng isang pansamantalang kolonyal na pamahalaan at hukbo ng mga Espanyol sa Bulacan. Ang gumaganap na gobernador ng Maynila, Arsobispo Manuel Rojo, ay dinakip ng mga Inggles at isinuko ang Pilipinas, ngunit ang gawaing ito ay tinanggihan bilang ilegal ni Anda.
Paglaban
baguhinNakatakas si Anda mula sa Maynila dala ang karamihan ng kaban ng bayan at mga mahalagang dokumento, kinuha ang buong awtoridad sa ngalan ng Real Audiencia ng Maynila, itinatag ang pansamantalang pamahalaan at nagtayo ng hukbo sa Bulacan (na dating nakapaloob pa sa lalawigan ng Pampanga), at ipinagpatuloy ang kampanyang militar laban sa mga Inggles. Lahat ng maagang negosasyon sa pagitan niya at ng mga puwersa ng Britanya sa Maynila ay hindi naging matagumpay, dahil ang mga liham na kanyang ibinalik ay hindi nakabansag sa kanya bilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas, na isang bagay na tinanggihan ng mga Inggles na gawin hanggang sa pagkamatay ni Arsobispo Rojo noong ika-30 Enero 1764.
Noong Marso 1764, ang mga utos ay dumating mula kapwa kina Jorge III, Hari ng Britanya at Carlos III, Hari ng Espanya dala ng itinalagang gobernador na si Brigadier Don Francisco de la Torre, na isauli ang lungsod ng Maynila sa Espanya alinsunod sa 1763 Kasunduan sa Paris. Ang nakaupong Britanikong Gobernador Drake ay kinasuhan ng pagkakasala bilang gobernador ngunit siya ay nakaalpas sa pamamagitan ng pagbibitiw at pag-alis sa Pilipinas noong ika-29 Marso 1764. Inihalal ng Konseho ng Maynila si Alexander Dalrymple bilang gobernador sa araw na iyon, ngunit hindi siya sinunod ng garison ng Maynila. Noong ika-1 ng Abril 1764, ang garison ng Maynila ay seremonyal na sama-samang lumabas, umuuwi, at binigyan ang mga Espanyol ng kapangyarihan sa Maynila kasama si de la Torre bilang Gobernador at Kapitan-Heneral ng pamahalaang Espanyol ng Pilipinas.
Gobernador-Heneral ng Pilipinas
baguhinNaglakbay si Anda sa Espanya, at siya ay tinanggap ng mabuti ng Cortes Generales (parlamento), at ginawa ng Hari bilang Konsehal ng Kaharian ng Castile, sa kabila ng kanyang mga sinulat ng liham na inirereklamo ang ilang kaguluhan sa Pilipinas, kabilang ang kanyang isinulat laban sa mga prayle.
Noong ika-12 ng Abril 1768 siya ay bumalik sa Pilipinas at sa pamamagitan ng Royal Decree ay naging Gobernador-Heneral noong Hulyo 1770. Nagpatuloy siya laban sa kanyang hinalinhan, at iba pang mga politiko, at pinukaw ang oposisyon, at kanyang ipinagbago ang hukbong Espanyol ng Pilipinas, at siya'y nakibahagi sa iba pang gawaing pambayan. Tinutulan niya ang utos ng hari noong ika-9 ng Nobyembre 1774, na gawing sekular ang mga Cura Paroco na hawak ng mga sekular (hindi prayle). Pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang kanyang utos ay pinawalang-bisa noong ika-11 ng Disyembre 1776.
Namatay si De Anda y Salazar noong ika-30 ng Oktubre 1776, sa Ospital de San Felipe sa Cavite sa edad na 67 taon.
Kanyang Pamana
baguhin
- Ang Monumentong Anda sa Maynila ay itinayong pagbigay-pugay sa kanyang, gayundin ang katulad nitong monumento sa Bacolor, Pampanga.
- Ipinangalan ang mga munisipalidad ng Anda, Bohol at Anda, Pangasinan na turing sa kanya.
- Ipinangalan din sa kanya ang isang lansangan sa kabisera ng teritoryong Basque sa Vitoria, malapit sa kanyang sinilangang Subijana sa Espanya.
- ↑ Si Anda ang tenyente gobernador mula noong bumagsak ang Maynila sa mga British noong ika-4 ng Oktubre 1762. Ibinigay ng militar ng Britanya ang kapangyarihang sibil kay Dawsonne Drake bilang gobernador noong Nobyembre 1762. Patuloy nilang kinilala si dating gobernador na Arsobispo Manuel Rojo bilang pangulo ng Real Audiencia hanggang sa kanyang kamatayan noong ika-30 Enero 1764. Pagkamatay ni Rojo, sinimulan ng mga Inggles ang negosasyon kay Anda ngunit nanatili si Drake bilang gobernador ng Pilipinas hanggang ika-29 ng Marso 1764.