Estrato

(Idinirekta mula sa Stratum)

Sa heolohiya at kaugnay na mga larangan, ang isang estrato ay isang patong ng bato o deposito na nailalarawan sa pamamagitan ng mga katangiang litolohiya na iniiba ito mula sa mga katabing patong kung saan nahihiwalay ito ng nakikitang ibabaw na kilala bilang mga ibabaw na kapa (bedding surfaces) o mga patag na kapa (bedding planes).[1] Bago ang paglalathala ng International Stratigraphic Guide,[1] binigyan kahulugan ng mas lumang mga lathala ang isang estrato bilang naging katumbas ng nag-iisang kapa o binubuo ng ilang kapa; isang patong na mas higit sa 1 sentrimentro sa kakapalan at binubuo ng isang bahagi ng kapa; o isang pangkalahatang katawagan na kabilang ang parehong kapa at lamina.[2]

Mga katangian

baguhin
 
Ang mga estratong Permiko hanggang sa Hurasiko sa Talampas ng Colorado sa timog-silangang Utah na pinapakita ang mga prinsipyo ng estratigrapiya.

Pangkaraniwan, ang isang estrato ay pangkalahatang isa sa ilang mga magkahilerang patong na nakapatong sa isa't isa upang makabuo ng napakalaking kapal ng estrato.[1] Ang mga ibabaw na kapa (mga patag na kapa) na hinihiwalay ang estrato ay kinakatawan episodikong pagtigil sa pagdeposito na naiuugnay sa periyodikong erosyon, pagtigil ng pagdeposito, o ilang kombinasyon ng dalawa.[3][4] Nakasalansan sa ibang mga estrato, maaring buuin ng indibiduwal na estrato ang pinagsama-samang mga yunit estratigrapiko na maaring umabot sa ma daan-daang libong kilometro kuwadrado ng ibabaw ng Daigdig. Maaring sakupin ng indibiduwal na estrato ang kaparehong malaking lugar. Tipikal na nakikita ang mga estrato bilang mga banda ng iba't ibang materyal na nakakulay o iba ang kayarian na nakalantad sa bangin, mga putol sa daan, mga tibagan, at mga tabing-ilog. Maaring iba-iba ang kapal ng indibiduwal na banda mula sa ilang milimetro hanggang sa ilang metro o higit pa. Maaring ikatawan ng banda ang isang partikular na paraan ng pagdedeposito: banlik ng ilog, buhangin sa dalampasigan, kagubatan ng uling, burol ng buhangin, kapa ng kumukulong putik, at iba pa.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Salvador, A. ed., 1994. International stratigraphic guide: a guide to stratigraphic classification, terminology, and procedure. 2nd ed. Boulder, Colorado, The Geological Society of America, Inc., 215 pp. ISBN 978-0-8137-5216-7. (sa Ingles)
  2. Neuendorf, K.K.E., Mehl, Jr., J.P., and Jackson, J.A. , eds., 2005. Glossary of Geology 5th ed. Alexandria, Virginia, American Geological Institute. 779 pp. ISBN 0-922152-76-4.
  3. Davies, N.S., and Shillito, A.P. 2021, True substrates: the exceptional resolution and unexceptional preservation of deep time snapshots on bedding surfaces. Sedimentology. published online 22 May 2021, doi: 10.1111/sed.12900. (sa Ingles)
  4. Davies, N.S., and Shillito, A.P. 2018, Incomplete but intricately detailed: the inevitable preservation of true substrates in a time-deficient stratigraphic record. Geology, 46, 679–682. (sa Ingles)
  NODES
INTERN 2