Susi (kriptograpiya)

Sa kriptograpiya, ang key o susi ay isang piraso ng impormasyon (isang parametro) na tutukoy sa magiging kinalalabasan ng isang sipero. Kadalasan itong hanay na mga bilang o titik na nakaimbak sa isang file, na, kapag prinoseso sa pamamagitan ng isang kriptograpikong algoritmo, maari nitong i-encode o i- decode ang datos na kriptograpiko. Batay sa kaparaanang ginamit, maaring iba ang mga laki at pagkakaiba ng susi, subalit sa lahat ng kaso, umaasa ang tibay ng enkripsyon sa seguridad ng susi na pinapanatili. Dumidepende ang tibay ng seguridad ng susi sa algoritmo nito, ang laki ng susi, ang paglikha ng susi, at ang proseso ng palitan ng susi.

Ginagamit ang susi upang i-encrypt ang datos mula plaintext tungong ciphertext.[1] Mayroon iba't ibang kaparaanan para sa paggamit ng mga susi at enkripsyon.

Kriptograpiyang simetriko

baguhin

Tumutukoy ang asimetrikong kriptograpiya sa pagsasanay ng parehong susi na ginagamit para sa parehong enkripsyon at dekripsyon.[2]

Kriptograpiyang asimetriko

baguhin

Mayroong magkahiwalay na susi ang kriptograpiyang asimetriko para sa enkripsyoon at dekripsyon.[3][4] Kilala ang mga susi na ito bilang publiko at pribadong mga susi, ayon sa pagkakabanggit.[5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Piper, Fred (2002), "Cryptography", Encyclopedia of Software Engineering (sa wikang Ingles), American Cancer Society, doi:10.1002/0471028959.sof070, ISBN 978-0-471-02895-6, nakuha noong 2021-04-09{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "What is a cryptographic key? | Keys and SSL encryption".
  3. "Asymmetric-Key Cryptography". www.cs.cornell.edu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-04-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Chandra, S.; Paira, S.; Alam, S. S.; Sanyal, G. (2014). "A comparative survey of Symmetric and Asymmetric Key Cryptography". 2014 International Conference on Electronics, Communication and Computational Engineering (ICECCE) (sa wikang Ingles): 83–93. doi:10.1109/ICECCE.2014.7086640.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Kumar, M. G. V.; Ragupathy, U. S. (Marso 2016). "A Survey on current key issues and status in cryptography". 2016 International Conference on Wireless Communications, Signal Processing and Networking (WiSPNET) (sa wikang Ingles): 205–210. doi:10.1109/WiSPNET.2016.7566121.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  NODES
INTERN 2