Ang Tel-Abib[1], Tel-Aviv, o Tel Aviv-Yafo (Ebreo: תל אביב-יפו; Arabo: تل ابيب-يافا, Tal Abīb-Yāfā) ay isang lungsod na Israeli sa baybayin ng Dagat Mediteraneo. Bahagi rin ang Tel Aviv ng isang pangunahing kalakhan sa Israel na kilala bilang Gush Dan. Tel Aviv ang pangalawang lungsod na matao sa Israel, na may populasyon na 405,000 at sukat ng lupa na 51.4 parisukat kilometro.

Tel-Abib

תֵּל־אָבִיב-יָפוֹ (Ebreo)

تل أبيب (Arabic)
(sa Arabe)
Eskudo de armas ng Tel-Abib
Eskudo de armas
Tel-Abib is located in Israel
Tel-Abib
Tel-Abib
Lokasyon ng Tel-Abib
Mga koordinado: 32°4′N 34°47′E / 32.067°N 34.783°E / 32.067; 34.783
Bansa Israel
Pamahalaan
 • MayorRon Huldai
Populasyon
 (2012)
 • Lungsod405,400
 • Metro
3,850,000
Sona ng orasUTC+3 (Israel Standard Time (IST))
 • Tag-init (DST)UTC+2 (Israel Summer Time (IDT))
Kodigo ng lugar+972 (Israel) + 02 (Tel-Abib)
Websayttel-aviv.gov.il (sa Ingles)
ang Master plan ng Tel Aviv - 1925

Kultura

baguhin

Matatagpuan sa Ramat Aviv sa hilagang Tel Aviv-Yafo ang Pamantasan ng Tel Aviv, ang pinakamalaking pamantasan sa Israel. May mahusay na reputasyong internasyonal ang pamantasan, na tanyag sa kaniyang mga kagawaran ng pisika, agham pangkumpyuter, at kimika.

Maraming sentrong pangkultura ang Tel Aviv, kasama na rito ang Opera House at ang Culture Hall (na may bulwagang pangkonsyertong may 3000 upuan). Marami ring mga theater company at bulwagang panteatro ang Tel Aviv, HaBima (“Ang Entablado”) bilang pinakakilala.

Maraming mga museo at galeriyang pansining ang Tel Aviv.

  • Kilala ang Museong Eretz Yisrael sa malawak nitong koleksiyon ng mga eksibisyong arkeolohiko at makasaysaan.
  • Ang pangunahing museong pansining sa Tel Aviv ay ang Tel Aviv Arts Museum.
  • Ang Museong Batei haOsef (Ebreo: מוזיאון בתי האוסף) ay isang museo para sa kasaysayang militar ng Israeli Defense Forces. Mataas ang pagturing ng mararaming eksperto at kolektor ng armas sa museong ito, na nagtataglay ng mga madalang eksibisyon at mga awtentikong bagay-bagay mula sa kasaysayan ng Israel pati na rin ng iba’t ibang uri ng firearms at mga retrato.
  • Nagbibigay ng walang-katulad na karanasang multimedya ang Museong Palmach Museum malapit sa Pamantasan ng Tel Aviv. Nagtataglay din ito ng malalawak na artsibos na inilalarawan ang buhay ng mga batang (young, hindi child) sundalo na nagsanay nang sarili na sa huli rin ay naging ang mga kauna-unang tagapagtanggol ng Israel.
  • Malapit sa hardin ni Charles Clore sa hilagang Yafo, matatagpuan ang isang maliit na museo para sa Etzel, ang mga sumakop ng Yafo noong Digmaang Pangkalayaang Israeli ng 1948.
  • Matatagpuan sa kampus ng Pamantasan ng Tel Aviv ang Diaspora Museum, ukol sa kasaysayang Hudyo saanman sa daigdig. Pinapaliwanag nito gamit ng dokumentasyong makasaysayan at sining kung paano umasenso at pagkatapos inapi ang mga Hudyo sa mga dantaon ng kanilang pagkawalay sa kanilang lupang-tinubuan.

Noong Hulyo 2003, unanimeng ipinahayag ng UNESCO ang Puting Lungsod ng Tel Aviv bilang isang World Heritage Site dahil sa malawak nitong pagkataglay ng mga gusali sa internasyonal na estilong Bauhaus, ang pinakamahalagang anyo ng arkitektura ng lungsod.

Idiniriwang sa Tel Aviv-Yafo ang pinakamalaking gay pride parade, na dinarayo ng pahigit 100 000 tao. Kilala rin ang lungsod sa kaniyang napakasiglang nightlife.

Mga larawan

baguhin

Panorama

baguhin
Tanawin ng Tel-Abib mula sa Sentrong Azrieli

Sanggunian

baguhin
  1. Abriol, Jose C. (2000). "Tel-Abib, Aklat ni Ezequiel, pahina 1,249". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Tingnan din

baguhin

Mga panlabas na kawing

baguhin
  NODES
INTERN 3