Ang templo o bahay-dalanginan ay isang uri ng gusali na nakalaan para sa mga seremonyang relihiyoso or ispirituwal at mga aktibidad tulad ng panalangin at paghahandog. Sa karamihan ng mga relihiyon, ang isang templo ay itinuturing na tirahan ng Diyos o mga Diyos at pinangangasiwaan ng isang Dakilang Saserdote na karaniwang kumakatawan sa Diyos at isang tagapamagitan sa pagitan ng isang Diyos at mga tao na sumasamba dito. Karaniwang ginagamit ang salita para sa mga gusaling pinag-aarian ng lahat ng relihiyon kung saan hindi ginagamit ang mas tiyak na salita tulad ng simbahan, moske, o sinagoga. Kabilang dito ang Hinduismo, Budismo, Hainismo sa mga rehiliyong mayroong mararaming kapanalig, pati na rin ang mga sinaunang relihiyon tulad ng pananampalataya ng Sinaunang Ehipto.

Itinatag ang Göbekli Tepe noong mga 11,500 taong nakalipas. Marahil ito ang pinakalumang kilalang templo ng mundo.
Yazd Atash Behram ng Zoroastrianismo.
Stone building fronted by a tall gateway, a colonnade, and another gateway
Templo ng Diyos na si Isis ng Sinaunang relihiyong Ehipsiyo sa Philae ca ika-4 siglo BCE.[1]

Samakatuwid, nagkakaiba ang mga anyo at tungkulin ng mga templo, ngunit kadalasang itinuturing ang mga ito ng sa ibang opinyon ng mga mananampalataya bilang "tahanan" ng isa o higit pang mga pagkadiyos. Karaniwang may inaalay sa kadiyosan, at isinagawa ang mga ibang ritwal, at pinapatakbo at pinapanatili ng isang natatanging pangkat ng klero ang templo. Nagiiba-iba kung gaano karami ang mapupuntahan ng mga mananampalataya sa gusali; malimit na may mga bahagi o kahit ang buong pangunahing gusali na mapupuntahan lamang ng klero. Ang mga templo ay kadalasang may pangunahing guasli at isang mas malaking presinto, na maaaring maglaman ng mga iba pang gusali, o maaaring maging istrakturang may hugis-simboryo, tulad ng igloo.

Nagmumula ang salita mula sa Sinaunang Roma, kung saan bumuo ang templum sa isang sagradong presinto gaya ng nilinaw ng pari o augur.[2] Parehas ang pinagmulan nito sa salitang template sa Ingles, ang balangkas sa preparasyon ng gusali na minarkahan sa lupa ng augur. Naiugnay rin ang salitang templa sa mga tirahan ng mga kadiyos. Sa kabila ng mga tiyak na kahulugan na naiugnay sa salita, ginagamit na ito ngayon para tumukoy sa isang sambahan para sa anumang bilang ng mga relihiyon at ginagamit pati na rin sa mga panahong bago ang mga Romano.

Templong Mesopotamiano

baguhin
 
Ziggurat ng Ur, Iraq

Nagmula ang Mesopotamianong tradisyon ng pagtatayo ng templo mula sa mga kulto ng mga kadiyosan sa relihiyong Mesopotamiano. Tumagal ito nang iilang sibilasyonl mula Sumeryano, Akkadio, Asirio, at Babilonya. Ang pinakakaraniwang arkitekturang templo ng Mesopotamya ang Sigurat, isang istrukurang gawa sa ladrilyong inihurno ng araw na may anyo ng isang malahagdan-hagdang piramideng giray-giray na may patag na terasang pang-itaas kung saan nakatayo ang dambana o templo.

Templong Ehipto

baguhin
 
Templong Luxor, Ehipto

Ang mga templo ng sinaunang Ehipto ay mga sinadyang lugar kung saan makatitira ang mga kadiyosan sa daigdig. Sa katunayan, ang salitang pinakamadalas na ginamit para tumukoy sa templo, ḥwt-nṯr, ay may kahulugang "mansyon (or bakod) para sa kadiyos".[3]

Tala ng mga Templo

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Arnold 1999, pp. 119, 162, 221.
  2. Latin Dictionary and Grammar Aid. University of Notre Dame. 26 Mayo 2009. Nakuha noong 24 Hulyo 2009.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Spencer 1984, p. 22, 44; Snape 1996, p. 9


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES