Tycho Brahe
Si Tycho Brahe ( /ˈtaɪkoʊ ˈbrɑː(hi,_ʔ(h)ə)/ TY-koh-_-BRAH(-hee; born Tyge Ottesen Brahe;[a] 14 Disyembre 1546 – 24 Oktubre 1601) ay isang astronomong Danish na kilala sa kanyang tama at malawakang obserbasiyon sa kalawakan. Siya ay ipinanganak sa Scania na bahagi ng Sweden sa sumunod na siglo. Isa rin siyang astroloogo at alkemista at inalalarawan na unang may kakayahan sa isipan sa modernong astronomiya sa pagkakaroon ng kasigasigan sa eksaktong mga katotohanang empirikal.[3] Ang kanyang mga obserbasyon ay pangkalahatang itinuturing na tumpak sa kanyang panahon.
Tycho Brahe | |
---|---|
Kapanganakan | Tyge Ottesen Brahe 14 Disyembre 1546 |
Kamatayan | 24 Oktobre 1601 | (edad 54)
Nasyonalidad | Danish |
Nagtapos | University of Copenhagen Leipzig University University of Rostock |
Trabaho | Astronomer, writer |
Kilala sa | Tychonic system Rudolphine Tables |
Asawa | Kirsten Barbara Jørgensdatter |
Anak | 8 |
Magulang | Otte Brahe Beate Clausdatter Bille |
Pirma | |
Bilang astronomo, pinagsama ni Brahe ang heliosentrismo at geosentrismo kung saan ang buwan ay umiinog sa araw at ang mga planeta ay umiinog rin sa araw ngunit ang araw ay umiinog sa mundo(earth). Siya ang kahuli-hulihang astronomong hindi gumamit ng teleskopyo Sa kanyang De nova stella (Tungkol sa Bagong Bituin) noong 1573, sinalungat niya ang paniniwala ni Aristoteles sa hindi nagbabagong kalawakan.. Ang kanyang mga tumpak na pagsukat ay nagpapakitang ang mga bagong bituin na ngayong tinatawag na supernova ay walang parallax na inaahasan sa isang phenomenang sublunar at kaya ay hindi dapat walang buntot na mga kometa sa atmospero gaya ng nakaraang paniniwala ngunit nasa taas ng atmospero at lagpas pa sa buwan. Gamit ang parehong mga pagsukat, pinakita niyang ang mga kometa ay hindi rin mga phenomena na pang-atmospero gaya ng nakaraang paniniwala at dapat dumaan sa mga sinasabing hindi nababagong sperong pangkalawakan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Jackson 2001, p. 12.
- ↑ Šolcová 2005.
- ↑ Edwin Arthur Burtt, The Metaphysical Foundations of Modern Physical Science: A Historical and Critical Essay (1925).
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/>
tag para rito); $2