Ang U.P. Naming Mahal ay ang awiting pampamantasan ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang himig para sa awitin ay isinulat ni Nicanor Abelardo, isang alumnus at dating guro ng Kolehiyo ng Musika sa U.P. Si Abelardo ay maituturing isa sa mga pinakamagaling na musikero sa Pilipinas . Dahil ang orihinal na eskala para sa awitin ay nasa B flat major, na masyadong mataas para sa pangkaraniwang boses, ang mga propesor ng Konserbatoryo ng Musika (ngayon ay Kolehiyo ng Musika) na sina Hilarion Rubio and Tomas Aguirre ay ibinago ng himig sa G major.

"U.P. Naming Mahal"
("U.P. Beloved")
Awit ng Unibersidad ng Pilipinas

Logo ng Unibersidad ng Pilipinas
Sinulat ni Teogenes Velez
Musika ni Nicanor Abelardo
Published 1917
Written 1917
Wika Orihinal sa ingles, ngayon sa Filipino
Performed by UP Concert Chorus

Ang original na titik sa Ingles (pinamagatang "U.P. Beloved") ay nakuha mula sa isang tula ni Teogenes Velez, isang mag-aaral ng Liberal Arts. Ang pagsalin sa Filipino ay isang bahagi ng mga pitong naipasa sa isang patimpalak ginawa ng Unibersidad. Ang mga hurado ay hindi nasiyahan sa mga pitong pagsalin sa awitin na ito.[kailangan ng sanggunian]

Mga Titik

baguhin
I.
U.P. naming mahal, pamantasang hirang
Ang tinig namin, sana'y inyong dinggin
Malayong lupain, amin mang marating
Di rin magbabago ang damdamin
Di rin magbabago ang damdamin.
II.
Luntian at pula, Sagisag magpakailanman
Ating pagdiwang,[1] bulwagan ng dangal
Humayo't itanghal, giting at tapang
Mabuhay ang pag-asa ng bayan
Mabuhay ang pag-asa ng bayan.

Orihinal na Titik sa Ingles

baguhin
I.
U.P. beloved, thou Alma Mater dear
For thee united, our joyful voices hear
Far tho we wander, o'er island yonder
Loyal thy sons we'll ever be
Loyal thy sons we'll ever be.
II.
Echo the watchword, the Red and Green forever.
Give out the password, to the Hall of Brave sons rare.
Sing forth the message, ring out with courage
All hail, thou hope of our dear land,
All hail, thou hope of our dear land.

Sanggunian

baguhin
  1. Lyrics song by UP Concert chorus

Mga kawing panlabas

baguhin
  NODES