Ang ulan ay isang klase ng presipitasyon, na isang produkto ng kondensasyon ng tubig na atmosperika na natitipon sa lupa. Ito ay nabubuo kapag ang mga patak ng tubig ay nalalaglag sa lupa galing sa mga ulap. Hindi lahat ng ulan ay nakakaabot sa lupa; ang iba ay sumisingaw habang dumadaan sa hangin. Kapag walang nakakaabot sa lupa, ito ay tinatawag na virga, isang pangyayari na kadalasang nangyayari sa mga maiinit at tuyong lupain, ang mga disyerto. Ang sayantipikong eksplanasyon kung saan ang ulan ay namumuo at nalalaglag ay tinatawag na prosesong Bergeron.

Pag-ulan sa ibabaw ng isang aspalto.

Mga uri ng ulan

baguhin

Ang ulan ay may mahalagang ginagampanan sa siklo ng tubig, kung saan ang tubig ay sumisingaw o pumapailanlang bilang hangin, namumuo bilang patak, at nalalaglag galing sa itaas, at unti-unting bumabalik sa dagat galing sa mga ilog at sapa, at umuulit ulit. Ang singaw ng tubig galing sa paghinga ng halaman (respirasyon) ay nagdadagdag din ng tubig sa hangin.

Ang ulan ay nauuri batay sa dami ng presipitasyon at kung bakit namuo ang presipitasyon.

Kung ito ay base sa dami ng ulan, ito ay maaaring mauri batay sa:

  • masyadong mahinang ulan — kapag ang dami ng presipitasyon ay < 0.25 mm/oras
  • mahinang ulan — kapag ang dami ng presipitasyon ay nasa pagitan ng 0.25-1mm/oras
  • katamtamang ulan — kapag ang dami ng presipitasyon ay nasa pagitan ng 1-4mm/oras
  • malakas na ulan — kapag ang dami ng presipitasyon ay nasa pagitan ng 4-16mm/oras
  • masyadong malakas na ulan - kapag ang dami ng presipitasyon ay nasa pagitan ng 16-50mm/oras
  • sobrang malakas na ulan — kapag ang dami ng presipitasyon ay > 50.0 mm/oras

Kung ang pinagmulan ng presipitasyon ang pagbabasehan, ang ulan ay nauuri sa:

  • Ulang orograpiko
  • Ulang kumbektibo
  • Ulang prontal o sikloniko

Ulang orograpiko

baguhin
 
Ebaporasyon, kondensasyon, at presipitasyon ng pamamasa.

Ang ulang orograpiko ay nabubuo kapag ang hanging puno ng pamamasa ay umiihip patungo sa lupa mula sa dagat ay dumadaan sa mga harang tulad ng mga bundok. Ito ang magiging dahilan sa pag-angat ng hangin. Sa pagtaas, ang hangin ay lumalawak nang mabilis dahil sa pagliit ng presyon ng hangin. Dahil dito, ang temperatura ng hangin ay bumababa, na siyang dahilan sa pagtaas ng relatibong umidad (umedad o humidad), hanggang ito ay mamuo bilang mga ulap. Ang relatibong umidad ay patuloy na tumataas hanggang ang dew point ay naaabot na ang level ng condensation, na ginagawang saturada ang hangin. Ang taas na ito kung saan ang kondensasyon ay nangyayari ay tinatawag na antas ng kondensasyon. Kapag ang cloud droplets ay naging mabigat para lumutang pa, ang ulan na ay babagsak.

Habang ang hangin ay tumatahak patungong kabila, ito ay nagiging kompresyon at umiinit; na nagiging dahilan sa pagbaba ng relatibong umedad ng hangin, na tuyo na pagkatapos ng pagbagsak ng ulan. Dahil dito, ang leeward side ng mga bundok ay hindi nakakatanggap ng ulan mula sa mga hanging ito at ito ay tinatawag na rehiyon ng anino ng ulan ng mga bundok.

Ulang kumbektibo

baguhin
 
Pag-ulan sa isang gubat.

Ang ulang kumbektibo ay kadalasang nangyayari sa mga lugar na may klimang tropikal kung saan mainit tuwing maaraw o kaya umaga at hapon. Ang rasyon ng ebaporasyon ng pamamasa galing sa mga anyong-tubig at respirasyon mula sa mga halaman ay napakataas. Ang sumingaw na pamamasa kasama ang mainit nitong paligid ay nagsisimula nang umangat. Sa pagtaas nito, ang hangin ay lumuluwang nang mabilis dahil sa pagbaba ng presyon ng hangin. Dahil dito, ang hangin ay nakararanas ng pagbaba ng temperatura, na nagreresulta sa kondensasyon ng mga gabutil na patak ng tubig --- na bumubuo sa mga di-establisadong kumulonimbus na mga ulap o mga ulap na nagdudulot ng pagkidlat. Kapag ang mga patak-butil ng ulap ay naging masyadong mabigat para lumutang pa, dito na nagsisimula ang pagbagsak ng ulan.

 
Isang panorama na nagpapakita sa isang maliwanag na langit sa kaliwa at ulap-ulan sa kanan.

Mga panalabas na kawing

baguhin
  NODES
dada 1
dada 1
Done 1
see 1