Unang Konsilyo ng Nicaea

(Idinirekta mula sa Unang Konseho ng Nicaea)

Ang Unang Konsilyo ng Nicaea ang konsilyo ng mga obispong Kristiyano na tinipon sa Nicaea sa Bythinia sa kasalukuyang İznik, Turkiya. Ito ay tinipon ng emperador ng Imperyo Romano ]na si Constantino I noong 325 CE. Ang unang konsilyong ekumenikal na ito ang unang pagsisikap na magkamit ng kasunduan sa simbahang Kristiyano sa pamamagitan ng asemblea na kumakatawan sa buong sangka-Kristiyanuhan.[5][6] Ang pangunahing mga naisakatuparan nito ang paglutas sa isyu ng Trinitarianismo ng kalikasan ni Hesus at ang kanyang relasyon sa Diyos Ama,[3] ang paglikha ng unang bahagi ng Kredong Niseno, paglutas ng pagkwenta ng petsa ng Easter at pagpapalaganap ng maagang batas kanon.[2][4][7][8]

Unang Konsilyo ng Nicaea
Petsa325 CE
Tinanggap ng
Nakaraang konsehoKonsilyo ng Herusalem (ngunit hindi itinuturing na ekumenikal)
Sumunod na konsehoUnang Konsilyo ng Constantinople
Tinipon niEmperador Constantine I
Pinangasiwaan niAlexander ng Alexandria at Emperador Constantine I[1]
Mga dumalo250–318 (tanging lima mula sa Kanlurang Simbahan)
Mga Paksa ng talakayanArianismo, pagdiriwang ng Paskuwa(Easter), ordinasyon ng mga eunuko, pagbabawal ng pagluhod tuwing linggo at mula Easter hanggang Pentekostes, balidad ng bautismo ng mga heretiko, hindi na nagsasanay na mga Kristiyano at iba pang mga bagay.[2]
Mga dokumento at salaysayOrihinal na Kredong Niseno,[3] 20 batas kanon,[4] at isang epistula(liham)[2]
Talaang kronolohikal ng mga konsehong ekumenikal
Si EmperadorConstantine ay nagtatanghal ng isang representasyon ng siyudad ng Constantinople bilang pagkilala sa naitronong si Marya at sanggol na Hesus sa mosaiko ng simbahang ito. St Sophia, c. 1000).
Nicaea
Νίκαια
Nicaea
Nicaea
Lokasyon Nicaea sa bansang Turkiya.
Mga koordinado40°25.74′N 29°43.17′E / 40.42900°N 29.71950°E / 40.42900; 29.71950

Tinipon ni Emperador Constantine ang konsilyong ito upang lutasin ang kontrobersiyal na isyu ng relasyon sa pagitan ni Hesus at ng Diyos Ama. Ninais ni Constantine na itatag ang isang pangkalahatang kasunduan dito. Ang mga kinatawan nito ay nagmula sa buong Imperyo Romano at pinansiyal na sinuportahan ng Emperador. Bago ng konsilyong ito, ang mga obispo ay nagdadaos ng mga lokal na konsilyo gaya ng Konsilyo ng Herusalem ngunit walang isang pangkalahatan o unibersal, o ekumenikal na konsilyo. Ang konsilyo ay gumawa ng isang kredo na orihinal na Kredong Nicene na tumanggap ng halos nagkakaisang suporta. Ang paglalarawan ng konsilyo ng "tanging bugtong na anak ng diyos" na si Hesus na homoousios(parehong substansiya) sa diyos ama ang naging pamantayan ng Trinitarianismo. Sinagot ng konsilyo ang isyu ng pagpepetsa ng Easer, kumilala sa karapatan ng see ng Alexandria sa huridiksiyon sa labas ng sarili nitong probinsiya(bilang analohiya sa hurisdiksiyong sinanay sa Roma) at ang mga prerogatibo ng mga iglesia sa Antioch at sa iba pang mga probinsiya [9] at nag-aproba ng kustombre kung saan ang Herusalem ay pinarangalan nang walang dignidad na metropolitan.[10]

Ang konsilyong ito ay tinutulan ng mga Arian at sinubukan ni Constantine na pagkasunduin si Arius(kung saan ipinangalan ang Arianismo) sa simbahan. Kahit nang mamatay si Arius noong 336 CE, isang taon bago ang kamatayan ni Constantine, ang kontrobersiya ay nagpatuloy kung saan ang iba't ibang mga magkakahiwalay na pangkat ay yumakap sa iba't ibang mga simpatyang Arian sa isang paraan o iba.[2] Noong 359 CE, ang isang dobleng konsilyo ng Silangan at Kanlurang mga obsipo ang nagpatibay ng isang pormula na nagsasaad na ang Ama at Anak ay magkatulad ayon sa mga kasulatan na isang pagtatagumpay ng Arianismo.[2] Nag-rally ang mga kalaban ng Arianismo ngunit ang Unang Konsilyo ng Constantinope noong 381 CE ang huling pagkapanalo ng ortodoksiyang Nicene sa Imperyo Romano bagaman ang Arianismo ay kumalat na sa panahong ito sa mga tribong Alemaniko kung saan ito ay unti unting naglaho pagkatapos ng konbersiyon ng mga Frank sa Katolisismo noong 496 CE.[2]

Kontrobersiyang Arianismo

baguhin

Noong mga 319 CE, nang si Athanasius ay isang deakono ng Alexandria, Ehipto, ang presbiterong si Arius ay nakipag-alitan kay Alexander ng Alexandria na nagbigay ng isang sermon tungkol sa pagkakapareho ng Anak sa Ama. Binatikos ni Arius si Alexander sa kanyang paniniwalang mali at heretikal na tinuturo nito.[11] Pinakahulugan ni Arius ang sermon ni Alexander bilang muling pagbuhay ng Sabellianismo. Kanya itong kinondena at nangatawirang "kung ipinanganak ng Ama ang Anak, siya na ipinanganak ay may isang pagsisimula ng pag-iral; at mula dito ay ebidente na may isang panahon nang ang Anak ay hindi. Kaya kinakailangang sumunod na ang anak ay may substansiya mula sa wala".[12] Ang mga pananaw teolohikal ni Arius ay pinaniniwalaang nag-ugat sa Kristiyanismong Alexandrian.[13] Si Socrates ng Constantinople ay naniwalang si Arius ay naimpluwensiyahan ng mga katuruan ni Lucian ng Antioch. Si Arius ay mabigat na naimpluwensiyahan ng mga Alexandrianong gaya nina Origen [14] na isang karaniwang pananaw Kristolohikal sa simbahan ng Alexandria sa panahong ito.[15] Gayunpaman, bagaman humango siya mula sa mga teoriya ni Origen tungkol sa Logos, ang parehong ito ay hindi magkaayon sa lahat ng bagay. Ikinatwiran ni Arius na ang Logos ay may pagsimula at kaya ang Anak ay hindi walang hanggan. Salungat dito, itinuro ni Origen na ang relasyon ng Anak sa Ama ay walang pasimula at ang Anak ay "walang hanggang nalikha". Ang suporta kay Arius mula sa mga makapangyarihang obispo gaya nina Eusebius ng Caesarea [16] at Eusebius ng Nicomedia,[17] ay karagdagang nagpapakita kung paanong ang Kristolohiyang pagpapailalim ni Arius ay pinagsasaluhan din ng ibang mga Kristiyano sa Imperyo Romano. Si Arius at ang kanyang mga tagasunod ay gumamit ng mga talata upang suportahan ang kanilang paniniwala gaya ng Juan 14:28 "Ang ama ay mas dakila sa akin" at Kawikaan 8:22 "Nilikha ako ng Panginoon sa pasimula ng kanyang gawa". Ang Ama ay nakikita ng mga ito na "ang tanging tunay na Diyos" gaya ng nasa 1 Corinto 8:5-6 "ngunit para sa atin ay may isang Diyos, ang Ama na mula sa kanya ang lahat ng mga bagay..." Salungat dito ang Juan 10:30 "Ako at ang Ama ay iisa" ay naghahatid ng doktrinang Homoousian. Si Arius ay kalaunang itinawalag ni Alexander. Si Arius ay nagsimulang humimok ng suporta ng maraming mga obispo na umaayon sa kanyang posisyon. Sa panahon na itinawalag ni Alexander si Arius, ang doktrina ni Arius ay kumalat na ng lagpas sa diocese ng Alexandria, Ehipto. Ito ay naging paksa ng talakayan at kaguluhan sa buong Simbahan. Ang simbahan sa panahong ito ay isa ng makapangyarihang pwersa sa daigdig Romano na ginawang legal ng emperador Constantine I noong 313. Ang emperador ay nagkaroon ng sariling interest sa ilang mga isyung ekumenikal kabilang ang kontrobersiyang Donatismo noong 316 CE. Kanyang ninais na wakasan ang alitang Arianismo. Maaring sinamahan ni Athanasius si Alexander sa Unang Konsilyo ng Nicaea noong 325 na lumikha ng Kredong Niseno at nag-anatema kay Arius at kanyang mga tagasunod. Ang konsilyong ito ay pinatawag at pinangasiwaan ng mismong emperador Constantine I na lumahok at nanguna sa ilang mga talakayan. Sa Konsilyong ito, ang mga 22 obispo na pinamunuan Eusebius ng Nicomedia ay dumating bilang mga tagasuporta ni Arius. Nang basahin ng malakas ang ilan sa mga kasulatan ni Arius, ang mga ito ay kinondena ng karamihan ng mga kalahok bilang mapamusong. Ang mga naniniwala na ang Kristo ay kapwa-walang hanggan at konsubstansiyal sa Ama ay pinamunuan ni Athanasius. Ang mga naniwala na ang Anak ay dumating pagkatapos ng Ama sa panahon at substansiya ay pinamunuan ni Arius. Sa loob ng 2 buwan, ang dalawang mga panig ay nangatwiran at nagdebate na ang parehong panig ay umapela sa kanilang tinatangap na mga Kasulatan upang pangatwiranan ang kanilang mga respektibong posisyon. Isinaad ni Arius na ang Anak ng Diyos ay isang Nilalang na ginawa mula sa wala at siya ang unang produksiyon ng Diyos bago ang lahat ng mga panahon. Kanyang ikinatwiran na ang bawat iba pang bagay ay nilikha sa pamamagitan ng Anak. Kaya ang tanging Anak ang direktang nilikha at isinilang ng ito at kaya ay may isang panahon na walang pag-iral ang Anak. Isinaad ni Arius na ang Anak ay may kakayahan sa kanyang sariling malayang kalooban ng tama at mali at "siya sa pinakatunay na kahulugan ng isang anak ay dapat dumating pagkatapos ng Ama at kaya ay ang panahon na halatang siya ay hindi at kaya ay isa siyang nilalang na may hangganan at nasa ilalim ng Diyos Ama. Si Arius ay sumipi mula sa Juan 14:28: Ang Ama ay mas dakila sa Akin". Gayundin, ang Colosas 1:15: "Ang panganay ng lahat ng nilikha". Kaya iginiit ni Arius na ang pagkadiyos ng Ama ay mas dakila sa Anak at ang Anak ay nasa ilalim ng Ama at hindi katumbas o kapwa-walang hanggan sa Ama. Si Alexander at mga amang Niseno ay sumalungat sa argumento ni Arius na ang pagkaama ng Ama tulad ng lahat ng kanyang mga katangian ay walang hanggan. Kaya ang Ama ay palaging isang ama at ang Anak ay palaging umiiral kasama niya. Ang mga amang Niseno ay naniniwalang ang pananaw na Arian ay sumisira ng pagkakaisa ng pagkadiyos at gumagawa sa Anak na hindi katumbas ng Ama na inaangking paglabag sa kanilang tinatanggap na Kasulatan: Juan 10:30 "Ako at ang Ama ay iisa". Sa karagdagan ay umapela ang mga Kristiyanong Niseno sa Juan 17:21 "Upang silang lahat ay maging isa upang sila ay maging isa sa atin..". Ang karamihan ng debate ay nakasalalay sa pagkakaiba sa pagitan ng mga salitang pagiging "ipinanganak" o "nilikha" at pagiging "bugtong". Nakita ng mga Kristiyanong Arian ang mga ito na pundamental na pareho ngunit ang mga Kristiyanong Niseno ay hindi. Ang mga eksaktong kahulugan n gmga salitang ginamit sa mga debate sa Nicaea ay hindi pa rin maliwanag sa mga tagapagsalita ng ibang mga wika. Ang mga salitang Griyegong tulad ng esensiya(ousia), substansiya(hypostasis), kalikasan(physis), persona(prosopon) ay nag-aangkin ng iba't ibang mga kahulugan na hinango mula sa mga pilosopong bago-ang Kristiyanismo na humantong sa hindi pagkakaunawaan hanggang sa mabigyang linaw ang mga ito. Sa partikular, ang salitang homoousia ay simulang hindi nagustuhan ng maraming mga obispo dahil sa kaugnayan nito sa kanilang tinatawag na "heretikong" Gnostiko na gumamit nito sa kanilang teolohiya at dahil ito ay kinondena sa mga Synod sa Antioch noong 264-268. Ayon sa maraming mga salaysay, ang debate ay naging mainit sa isang punto na si Arius ay sinampal sa mukha ni Nicholas ng Myra. Sa ilalim ng impluwensiya ni Constantine, ang karamihan ng mga obispo ay huling umayon sa isang kredo na kalaunang tinawag na Kredong Niseno. Ito ay kinabibilangan ng salitang homoousios na nangangahulugang "konsubstansiyal" o "isa sa kalikasan" na hindi umaayon sa mga pananaw ni Arius. Noong Hunyo 19, 325, ang konsilyo at ang emperador ay nag-isyu ng isang sirkular sa at sa palibot ng Alexandria. Si Arius at ang kanyang dalawang mga partisan ay ipinatapon sa Illyricum samantalang ang tatlo niyang iba pang mga tagasuporta ay lumagda bilang pagpapailalim sa emperador. Gayunpaman, agad na nalaman ni Constantine ang dahilan upang pagsuspetsahan ang sinseridad ng tatlong ito. Kalaunan ay isinama niya ito sa sentensiyang inihayag kay Arius.

Kinomisyon ni Constantine ang mga Bibliya

baguhin

Noong 331 CE, kinomisyon ni Constantine I si Eusebius na maghatid ng 50 mga bibliya para sa simbahan ng Constantinople. Itinala ni Athanasius(Apol. Const. 4) na ang mga skriba noong 340 CE ay naghahanda ng mga bibliya para sa emperador na si Constans. Ipinagpalagay na ito ay maaaring nagbigay ng motibasyon para sa listahan ng kanon at ang Codex Vaticanus at Codex Sinaiticus ang mga halimbawa ng bibliyang ito. Kasama ng Peshitta at Codex Alexandrinus, ang mga ito ang pinakaunang mga umiiral na mga bibliyang Kristiyano.[18]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Britannica.com - Council of Nicaea
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 The Seven Ecumenical Councils:112-114
  3. 3.0 3.1 The Seven Ecumenical Councils:39
  4. 4.0 4.1 The Seven Ecumenical Councils:44-94
  5. Richard Kieckhefer (1989). "Papacy". Dictionary of the Middle Ages. ISBN 0-684-18275-0.
  6. The very first church council is recorded in the book of Acts chapter 15 regarding circumcision.
  7.   "First Council of Nicea" in the 1913 Catholic Encyclopedia.
  8. "Council of Nicea in the 1911 Encyclopædia Britannica". www.1911encyclopeida.org. Nakuha noong Marso 14, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "canon 6". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-15. Nakuha noong 2012-12-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "canon 7". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-15. Nakuha noong 2012-12-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Kannengiesser, Charles, “Alexander and Arius of Alexandria: The last Ante-Nicene theologians”, Miscelanea En Homenaje Al P. Antonio Orbe Compostellanum Vol. XXXV, no. 1-2. (Santiago de Compostela, 1990), 398
  12. Socrates. "The Dispute of Arius with Alexander, his Bishop.". The Ecclesiastical Histories of Socrates Scholasticus. Nakuha noong 2 Mayo 2012.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Williams, Rowan, Arius: Heresy and Tradition (London: Darton, Longman and Todd, 1987),175
  14. Williams, 175
  15. Williams 154-155
  16. Arius letter to Eusebius of Nicomedia
  17. Alexander of Alexandria's Catholic Epistle
  18. The Canon Debate, McDonald and Sanders editors, 2002, pages 414-415, for the entire paragraph
  NODES
todo 3