Bahay-bata

(Idinirekta mula sa Womb)

Ang bahay-bata[1], sinapupunan[1], matris[1], o utero[1] ay ang bahagi ng katawan ng babae kung saan lumalaki ang isang sanggol hangga't hindi pa isinisilang. Nagtatagal nang siyam na buwan ang umuunlad na katawan ng bata sa loob nito sa loob ng panahon ng pagbubuntis. Agad na matatagpuan ang bahay-bata sa ilalim ng lagusan ng itlog, sa pagitan ng mga balakang. Kalimitang ginagamit sa panitikan ang katawagang sinapupunan. Kung minsan, natatawag din itong inunan, bagaman isa talagang pansamantalang bahagi lamang ng bahay-bata ang inunan, na natatanggal at iniluluwal din ng ina pagkaraang mailabas ang bagong silang na sanggol.[1] Ang bahay-bata ay isang organong kahugis ng peras na nasa loob ng puson ng babae na naglalaman at nagbibigay ng sustansiya sa umuunlad na namumuong sanggol (fetus). [2]

Isang fetus sa loob ng sinapupunan.
Isang reprensantasyon ng reproduksyong pantao ng babae kung saan makikita ang sinapupunan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 English, Leo James (1977). "Bahay-bata, sinapupunan, matris, utero, womb, uterus". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 570.

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya, Tao at Soolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES