École Normale Supérieure

Ang École normale supérieure (Pagbigkas sa Pranses: [ekɔl nɔʁmal sypeʁjœʁ]; na kilala rin bilang Normale sup', Ulm, ENS Paris, l'École, o ENS) ay isang Pranses na grande école (institusyon sa mas mataas na edukasyon na sa labas ng balangkas ng sistema ng pampublikong unibersidad), at isang bahaging kolehiyo ng sistemang PSL Research University ng Paris. Ito ay itinatag sa panahon ng Himagsikang Pranses[1] at inilaan para magkaroon ang Republika ng isang bagong samahan ng mga propesor na niyayakap ang kritikal na diwa at pagpapahalagang sekular ng Panahon ng Pagkamulat.[2]

Monumental doorway sa 45, rue d'Ulm
Pasukan

Kabilang sa mga nagtapos sa ENS ay kinabibilangan ng 13 Nobel Prize laureates, kabilang ang 8 sa Pisika (ang ENS ay may pinakamataas na ratio ng Nobel laureates kada alumnus sa anumang institusyon sa buong mundo), 11 Fields Medalists (ang pinakamarami sa anumang unibersidad sa mundo), higit sa kalahati ng mga tumanggap ng Gold Medal ng CNRS (ang pinakamataas na premyong pang-agham sa Pransiya), ilang daang mga miyembro ng Institut de France, at ilang mga politiko at estadista. Ang paaralan ay nagkamit ng pagkilala sa larangan ng matematika at pisika bilang isa sa nangunguna sa Pransiya. Dito nagmula ang mga manunulat na sina Julien Gracq, Jean Giraudoux, Assia Djebar, Charles Péguy, mga pilosopong gaya nina Henri Bergson, Jean-Paul Sartre, Louis Althusser, Simone Weil, Maurice Merleau-Ponty at Alain Badiou, siyentipikong panlipunan gaya nin Émile Durkheim, Raymond Aron, at Pierre Bourdieu, at "teoristang Pranses" tulad nina Michel Foucault at Jacques Derrida.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "ENS Cachan Bretagne – Les écoles de l'an III". Bretagne.ens-cachan.fr. Nakuha noong 2014-05-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "World University Rankings – University profiles". Times Higher Education. Nakuha noong 2014-11-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

48°50′N 2°20′E / 48.84°N 2.34°E / 48.84; 2.34   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
Done 1