2016 sa Pilipinas
Idinedetalye ng 2016 sa Pilipinas ang mga mahahalagang pangyayaring naganap sa Pilipinas sa taong 2016.
Panunungkulan
baguhin- Pangulo: Benigno S. Aquino III (Liberal) (Hanggang Hunyo 30); Rodrigo Duterte (PDP–Laban) (Simula Hunyo 30)
- Pangalawang Pangulo: Jejomar C. Binay, Sr. (UNA) (Hanggang Hunyo 30); Maria Leonor G. Robredo (Liberal) (Simula Mayo 5, 2004)
- Kongreso:
- Pangulo ng Mataas na Kapulungan (Senado):
- Ika-16 na Kongreso: Franklin M. Drilon (Liberal) (Hanggang Hulyo 25)
- Ika-17 na Kongreso: Aquilino M. Pimentel III (Simula Hulyo 25)
- Ispiker ng Mababang Kapulungan (Kapulungan ng mga Kinatawan):
- Ika-16 na Kongreso:Feliciano R. Belmonte, Jr. (Liberal) (Hanggang Hulyo 25)
- Ika-17 na Kongreso: Pantaleon D. Alvarez (Simula Hulyo 25)
- Pangulo ng Mataas na Kapulungan (Senado):
Kaganapan
baguhinEnero
baguhin- Enero, unang bahagi -- Agad na iniutos ni Pangulong Aquino sa kanyang pamahalaan na panatilihing ligtas ang higit pa sa isang milyong manggagawang Pilipino sa bansang Saudi Arabia, kasunod ng pagbitay sa isang klerigong Shiite na nagpatindi pa ng alitan sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran.[1]
- Enero 8 -- Nagsampa ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng diplomatic protest laban sa mga test flight ng Tsina sa Kagitingan Reef na matatagpuan sa buong pinagtatalunang West Philippine Sea.
- Enero 12 -- Sinang-ayunan ng Korte Suprema ng Pilipinas ang Enhanced Defense Cooperation Agreement na nagbigay-daan sa pagbabalik ng mga base ng Sandatahang Lakas ng Estados Unidos sa bansa.
- Enero 20 -- Inaresto ang dating mangagawang ebangheliko ng Iglesia ni Cristo na si Lowell Menorca II, ng mga pulis ng Manila Police District na naka-damit sibil nang walang anumang warrant of arrest na ipinakita, dahil sa mga kasong libelo na isinampa laban sa kanya.
- Enero 24-31 -- Ginanap ang 51st International Eucharistic Congress sa Lungsod ng Cebu.
- Enero 26-30 -- Si Emperador Akihito ng Japan ay bumisita sa Pilipinas upang itaguyod ang pagkakaibigan at bigyang-respeto ang mga namatay sa digmaan.[2]
Pebrero
baguhin- Pebrero 1 -- Naglabas ang Makati Regional Trial Court Branch 142 ng isang warrant of arrest laban sa Senador at noo'y kandidato sa pagka-Bise Presidente Antonio Trillanes IV kaugnay ng kasong libelo na isinampa ng diskuwalipikadong Alkalde ng Makati Jejomar Binay, Jr. Noong Pebrero 9, naghain ng piyansa si Trillanes.
- Pebrero 4 -- Inisyu ang mga tagubilin upang ilipat ang US$ 951 milyong halaga ng mga pondo mula sa account ng Bangladesh Bank (BB), ang bangko sentral sa Bangladesh, sa Federal Reserve Bank ng New York, sa pamamagitan ng SWIFT Network. Limang transaksyon ang matagumpay na ibinigay ng mga hacker, apat rito ay iniutos na ilipat sa apat na account sa bangko ng Rizal Commercial Banking Corporation sa bansa na naglalaman ng ilang mga $81 milyon. (isa ay $20 milyon ay na-trace sa Sri Lanka na noo'y nabawi). Kalaunan, natuklasan ang sinasabing naturang pagnanakaw.[3][4][5]
- Pebrero 10 -- Inanunsyo ng National Mapping and Resource Information Authority na dokumentado nito ang higit sa 400 karagdagang mga isla.
- Pebrero 16 -- Anim na pulis ang namatay at walo ang nasugatan sa isang sagupaan kasama ang mga kasapi ng Bagong Hukbong Bayan sa Barangay Sta. Margarita, Baggao, Cagayan.
- Pebrero 26 -- Hindi bababa sa 60 ang nasawi sa isang engkwentro sa Butig, Lanao del Sur. Kabilang sa mga ito ang mga hinihinalang kasapi ng teroristang Pangkat ng Maute at tatlong sundalo.
- Pebrero 29 -- Ginanap ang re-interment ng mga labi ng yumaong dating Pangulong Elpidio Quirino sa Libingan ng mga Bayani sa kanyang ika-60 anibersaryo ng kanyang pagkamatay.
Marso
baguhin- Marso 8 -- Sa botong 9-6, pinagtibay ng Korte Suprema ang natural-born status ni Grace Poe at ipinahayag na siya ay kwalipikadong tumakbo Sa halalan batay sa kanyang 10-year residency.
- Marso 11 -- Ang mga kandidato sa pagka-pangulo na sina Rodrigo Duterte at ang kanyang running mate, Senador Alan Peter Cayetano, ay lumagda sa isang waiver na nagpapahintulot sa pagbubukas ng kanilang mga account sa bangko para sa mga masusing pampublikong pagsisiyasat.[6]
- Marso 23 -- Inilunsad ang Diwata -1, kilala rin bilang PHL-Microsat-1, sa International Space Station sakay ng Cygnus spacecraft sa isang supply mission. Mula sa ISS, pinakawalan ito sa kalawakan noong Abril 27, 2016. Ito ang naging unang micro-satellite ng bansa at ang unang satellite na binuo at dinisenyo ng mga Pilipino.
- Marso 31 -- Ibinigay ng kampo ng negosyanteng si Kim Wong sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang $4.6 million na kusa niyang ibinalik sa pamahalaan ng Bangladesh, ipinalagay na ito ay matapos malaman na ang pera ay bahagi ng $81-million money laundering scheme. Noong Abril 4, ibinigay naman ni Wong ang karagdagang P38.28 milyon sa tanggapan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC). Noong Abril 19, ibinigay ng Eastern Hawaii Leisure Co. Ltd. ang P200 milyon sa AMLC.[7]
Abril
baguhin- Abril 1 -- Hindi bababa sa 3 ang namatay at maraming iba pa ang nasugatan nang buwagin ng pulisya ang kilos-protesta ng mga magsasaka sa Lungsod ng Kidapawan, Hilagang Cotabato.[8]
- Abril 5 -- Iniutos ng Ombudsman ang pagsasampa ng kasong graft laban sa re-electionist Cebu 3rd District Rep. Gwendolyn Garcia at 11 iba pang mga dating opisyal sa di-umano'y maanomalyang pagtatayo ng P833-million na Cebu International Convention Center (CICC) noong 2006.
- Abril 9 -- Nasawi ang 18 sundalo at 5 bandidong kasapi ng Abu Sayyaf sa kasagsagan ng digmaan sa Tipo-Tipo, Basilan.
- Abril 11 -- Isinagawa at pinangunahan ng Pangulong Aquino ang groundbreaking rites para sa Clark Green City, isang sustainable city na matatagpuan sa Clark Freeport Zone sa Angeles, Pampanga.
- Abril 22 -- Itinalaga ni Pangulong Aquino si Lt. Gen. Glorioso Miranda bilang bagong hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na pumalit kay Gen. Hernando Iriberri na lumisan sa serbisyo sa pagsapit sa mandatory retirement age na 56.
- Abril 25 – Pinugutan si John Ridsdel, isang Canadian na binihag ng mga Abu Sayyaf sa Pulo ng Samal, sa Jolo, Sulu.[9]
Mayo
baguhin- Mayo 9 -- Ginanap ang Halalang pampanguluhan, pambansa at lokal sa Pilipinas.
- Mayo 19
- Ipinahayag ng COMELEC ang mga nagwaging Senador sa Halalan. Ang mga sumusunod ay nagwagi ayon sa pinakahuling canvass report ng Komisyonː[10][11]
- Franklin Drilon, Pangulo ng Senado (nakakuha ng 18.6 milyong mga boto)
- Joel Villanueva, dating hepe ng Technical and Education Skills Development Authority (18.4 milyon)
- Sen. Vicente Sotto III, nahalal muli (17.2 milyon)
- Panfilo Lacson, dating senador(16.9 milyon)
- Richard Gordon, dating senador at Pangulo ng Philippine Red Cross (16.7 milyon)
- Juan Miguel Zubiri, dating senador (16.1 milyon)
- Manny Pacquiao, noo'y nagretirong boxing champion at Kinatawan ng Kongreso sa Sarangani (16 milyon)
- Francis Pangilinan, dating senador (15.9 milyon)
- Risa Hontiveros, nagwagi sa ikatlong pagkakataon (15.9 milyon)
- Sherwin Gatchalian, Kinatawan ng Kongreso sa Valenzuela City (14.9 milyon)
- Sen. Ralph Recto, nahalal muli (14.2 milyon)
- Leila de Lima, dating Kalihim ng Katarungan (14.1 milyon)
- Ipinahayag din ng COMELEC ang 46 grupo bilang mga nagwaging party list sa Halalan. Nagwagi ang partido panrehiyon Ako Bicol (nakakuha ng 1.6 milyong boto) na nagkamit ng 3 upuan sa Kongreso, habang 11 ang nagkamit ng 2 upuan bawat isa, at 34 iba pa ang nagkamit ng tig-iisang upuan.[12]
- Ipinahayag ng COMELEC ang mga nagwaging Senador sa Halalan. Ang mga sumusunod ay nagwagi ayon sa pinakahuling canvass report ng Komisyonː[10][11]
- Mayo 25 -- Ginawaran si Arianwen Rollan ng Qatar Foundation's First Award for Research and Development in Medical Science sa taunang Intel International Science and Engineering Fair para sa kanyang mga pananaliksik sa Malunggay bilang Anti-Cancer.
- Mayo 30 -- Ipinahayag ng Kongreso bilang bagong presidente at bise presidente ng Pilipinas sina Rodrigo Duterte, Alkalde ng Lungsod ng Davao at kasapi ng PDP-Laban, at Leni Robredo, Kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Camarines Sur sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sila ay nagwagi ayon sa pinakahuling canvass report ng Kongreso, na pawang nakakuha ng 16.6 milyon at 14.4 milyong mga boto[13][14][15] (ayon sa pagkakasunod). Si Duterte ang kauna-unahang pangulo mula sa Mindanao.[16]
Hunyo
baguhin- Hunyo 1 -- Pinawalang-bisa ng Vatican ang atas ni Arsobispo ng Lipa Ramon Arguelles noong 2012 na nagdeklarang ang di-umano'y Marian apparitions sa Batangas noong 1948 ay tunay.
- Hunyo 14 -- Walong (8) unibersidad sa Pilipinas sa pangunguna ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) ay napasama sa pinakabagong Quacquarelli Symonds (QS) University Rankings sa 350 nangungunang unibersidad sa Asya.
- Hunyo 30 -- Nanumpa sina Rodrigo Duterte bilang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas at Leni Robredo bilang ika-14 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, hudyat ng katapusan ng pamumuno bilang Pangulo ng Pilipinas ni Benigno Aquino III at simula ng bagong administrasyon.
Hulyo
baguhin- Hulyo 1
- Pormal na iniluklok sa kapangyarihan si Police Director General Ronald Dela Rosa sa Philippine National Police sa isang seremonya sa punong himpilan ng pulisya sa Kampo Crame, Quezon City.
- Inilipat kay Lt. Gen. Ricardo Visaya ang pamumuno ng militar ng bansa bilang Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa General Headquarters Grandstand sa Kampo Aguinaldo, Quezon City.
- Hulyo 12 -- Pilipinas v. Tsina. Nagpasiya ang Permanent Court of Arbitration pabor sa Pilipinas laban sa China kaugnay ng alitan sa teritoryo sa South China Sea. Nagwagi ang Pilipinas sa kasong arbitration na isampa sa PCA tungkol sa legalidad ng "nine-dash line" claim ng China sa bahagi ng naturang dagat sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea. Walang legal na batayan ang China sa pag-angkin ng karagatan at pinalalala nito ang alitang panrehiyon ng pagtatambak ng lupa at pagtatayo ng mga artipisyal na isla.[17][18]
- Hulyo 14 -- Sinampahan ng Office of the Ombudsman si dating Vice President Jejomar Binay ng mga kasong graft, falsification at paglabag sa government procurement law kaugnay sa proyekto ng Makati City Hall Building II.
- Hulyo 19 -- Pinawalang-sala ng Kataas-taasang Hukuman sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at kapwa-akusado Benigno Aguas, dating opisyal ng PCSO, sa kasong pandarambong hinggil sa umano'y maling paggamit ng mga pondo para sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), sa botong 11-4.[19][20]
- Hulyo 23 -- Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order para sa pagpapatupad ng Freedom of Information (FOI).
- Hulyo 25 – Inihatid ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA).
- Hulyo 30 -- Ipinahayag ni Pangulong Duterte ang pagwawakas ng tigil-putukan na idineklara noong panahon ng SONA, matapos mabigong tumupad ang Bagong Hukbong Bayan (NPA) na nasangkot sa isang sagupaang nangyari noong Hulyo 27 sa pagitan ng NPA at mga elemento ng AFP civilian auxiliary sa Davao del Norte.[21][22]
Agosto
baguhin- Agosto 1 – Inilunsad ng administrasyong Duterte ang 24-hour complaint office na makararating sa publiko sa pamamagitan ng isang pambansang hotline, 8888, at binago ang pambansang emergency number ng telepono mula 117 tungong 911.
- Agosto 3 -- Napatay ang anim na tauhan nina Alkalde Rolando Espinosa at kaniyang anak na si Kerwin sa isang engkuwentro sa mga pulis sa Albuera, Leyte.
- Agosto 8 -- 14 ang nasawi, 8 ang sugatan at 262,271 pamilya ang naapektuhan matapos ang matinding pag-ulan at baha dulot ng habagat na nanalasa sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
- Agosto 11 -- Sampung high-profile inmates ang nasawi sa insidente ng pagsabog sa loob ng Parañaque City Jail.
- Agosto 13 -- Muling binuksan ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at Moro National Liberation Front sa Kuala Lumpur, Malaysia.
- Agosto 14 -- Tinamaan ng bihirang buhawi ang Maynila at mga kalapit na lugar bandang 4:30 ng hapon PHT.
- Agosto 20–27 – Ginanap sa Oslo ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
- Agosto 21 -- Nagpahayag ng pagbabanta ang administrasyong Duterte na kakalas sa Mga Nagkakaisang Bansa dahil sa panghuhusga nito sa kanyang paraan ng paglaban sa kriminalidad.[23]
- Agosto 31 -- Ginanap sa Cultural Center of the Philippines ang pagbibigay ng Gawad Ramon Magsaysay sa taong 2016. Kabilang sa mga tumanggap nito ay ang mga sumusunod na indibidwal at grupoː[24]
Setyembre
baguhin- Setyembre 2 -- Binomba ang night market sa Lungsod ng Davao, hindi bababa sa 14 katao ang naunang nasawi[25] at 71 naman ang mga naitalang sugatan. Ika-15 nasawi ang isang buntis na binawian ng buhay sa isang ospital, Setyembre 12.[26]
- Setyembre 4 -- Inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proklamasyon Blg. 55 na nagdedeklara ng state of emergency sa Pilipinas dahil sa mga karahasang lumalabag sa batas kasunod ng pambobomba sa Lungsod ng Davao.
- Setyembre 5 – Inilunsad ng Philippine National Police ang Text Bato hotline sa pamamagitan ng 2286, at Itaga Mo sa Bato mobile app bilang pinakabagong mga kasangkapan sa kampanya nito laban sa droga.
- Setyembre 15 -- Humarap sa pagdinig ng Senado si Edgar Matobato, umaming dating miyembro ng Davao Death Squad, at isiniwalat na sina ngayo'y Pangulong Duterte at ang kaniyang anak, na si Paolo Duterte na Bise Alkalde ng Lungsod Davao, ay nasa likod ng ilan sa mga serye ng mga insidente ng pagpatay.[27]
Oktubre
baguhin- Oktubre 18 – Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang batas na nagpapaliban sa pagdaraos ng Halalang Barangay at Sangguniang Kabataan sa bansa na nakatakda sanang ganapin sa Oktubre 31.[28]
- Oktubre 19 – Nanalasa ang Super Bagyong Lawin sa Hilagang Luzon, 12 ang namatay at sa unang pagkakataon itinaas ang Babala ng Bagyo Bilang 5 bago ito tumama sa kalupaan.
- Sa panahon ng biyahe sa China, isinantabi ni Pangulong Duterte ang teritoryal na alitan sa China at ipinahayag ang "paghihiwalay" ng Pilipinas mula sa Estados Unidos, na sa huli'y nilinaw na hindi niya nilayon na ganap na kumalas sa ugnayang diplomatiko o militar.[29]
Nobyembre
baguhin- Nobyembre 5 -- Napatay sina Rolando Espinosa, alkalde ng Albuera, Leyte, at suspek sa droga na si Raul Yap, sa isang shootout sa loob ng Bilangguang Panlalawigan sa Lungsod Baybay, Leyte. [30]
- Nobyembre 8 -- Bumoto ang Korte Suprema 9-5-1 pabor sa paglilipat ng mga labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos mula sa Marcos Museum and Mausoleum sa Batac, Ilocos Norte patungong Libingan ng mga Bayani sa Taguig.[31][32][33]
- Nobyembre 18 -- Inilibing si dating pangulo Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, sa seremonyang sarado sa pangkalahatang publiko.[34]
- Nobyembre 22 -- Sumuko si Ronnie Dayan, itinuturong bagman na dating drayber ni Senador Leila de Lima, sa pulisya sa San Juan, La Union.[35]
- Nobyembre 28 -- Pinigilan ng pulisya ang pagsabog ng bomba malapit sa embahada ng Estados Unidos sa Maynila, isinisi nila ang bigong pambobomba sa mga militanteng nagpahayag ng katapatan sa grupong Islamikong Estado (IS).[36]
Disyembre
baguhin- Disyembre 25 -- Winasak ng Bagyong Nina ang ilang lugar sa Pilipinas, na ikinamatay ng 3 at nagresulta sa ₱5 bilyon halaga ng mga pinsala.
- Disyembre 28 -- Nasugatan ang 27-katao matapos ang pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) sa panahon ng isang labanab sa boksing sa isang pagdiriwang sa Hilongos, Leyte.
Iba pang Kaganapan
baguhin- Simula noong nakalipas na 30 taon, patuloy ang pagbawi ng umano'y nakaw na yaman ng mga Marcos sa pagtaya sa mga nakumpiskang koleksyon ng mga alahas ni dating first lady at ngayo'y Kinatawan ng Ilocos Norte Imelda Marcos.[37][38]
Kalakalan at Ekonomiya
baguhin- Pebrero 1 -- Naglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng bagong 100-pisong salaping papel na may mas matingkad na kulay mauve o violet.
- Sa taong 2016, ang business process outsourcing industry ay inaasahang makabuo ng 1.3M bagong trabaho, na may 17% taunang paglago.[39]
Kalusugan
baguhin- Mayo 21 -- Limang (5) concertgoers ang nawalan ng malay at magkakasunod na namatay sa concert sa parking area ng SM Mall of Asia sa Pasay. Pinagsuspetsahan ng mga otoridad na dahil ito sa paggamit ng ecstasy.
Palakasan
baguhin- Pebrero 3 -- Basketball. Naangkin ng San Miguel Beermen ang titulong 2015-16 PBA Philippine Cup matapos talunin ang Alaska Aces sa finals. Ang Beermen ay ang kauna-unahang koponan ng PBA na bumalik mula sa luging 0-3.
- Pebrero 27 -- Boxing. Tinalo ni Albert Pagara si Yesner Talavera ng Nicaragua, gayundin tinalo ni Mark Magsayo sa co-main event si Eduardo Montoya sa "Pinoy Pride 35: Stars of the Future" na ginanap sa Waterfront Hotel and Casino sa Lungsod ng Cebu.[40]
- Abril 10 -- Boxing. Tinalo ng Filipino boxing champion at noo'y Kandidato ng United Nationalist Alliance sa pagka-senador na si Manny Pacquiao si Timothy Bradley sa ikatlong pagkakataon. Ito ang huling laban ni Pacquiao sa kanyang propesyonal na karera sa boxing.
- Mayo 28
- Boxing. Napanatili ni Donnie Nietes ang kanyang light flyweight title mula sa World Boxing Organization, matapos talunin ang Mexican boxer na si Raul Garcia via Technical Knock Out sa Round 5; gayundin tinalo nina Arthur Villanueva, Milan Melindo, at Kevin Jake Cataraja ang kanilang mga kalaban sa "Pinoy Pride 36: A Legend in the Making"[41] na ginanap sa La Salle Coliseum sa Lungsod ng Bacolod.
- Basketball. Tinalo ng Pilipinas ang Thailand sa 2016 SEABA Stankovic Cup.
- Hulyo 7 -- Basketball. Nagwakas ang pagkakataon ng pambansang koponan ng basketbol ng Pilipinas para sa 2016 Summer Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil matapos na sila ay natalo sa pamamagitan ng New Zealand sa 2016 FIBA World Olympic Qualifying Tournament.
- Hulyo 10 -- Boxing. Tinalo ni Jason Pagara si Mexican boxer Abraham Alvarez, sa pamamagitan ng knockout sa ikatlong round ng kanilang welterweight showdown sa co-main event ng "Pinoy Pride 37: Fists of the Future" sa San Mateo, California, ngunit nagkamit ni Albert Pagara ang unang pagkabigo ng kanyang karera matapos na mapabagsak ni Cesar Juarez sa round 8.
- Agosto 7 -- Weightlifting. Sa 2016 Summer Olympics sa Rio de Janeiro, nakuha ni Hidilyn Díaz ang medalyang pilak sa Women's 53 kg event para sa weightlifting. Ito ang ika-sampung medalyang Olimpiko ng Pilipinas sa pangkalahatan at kauna-unahan mula noong 1996 Summer Olympics sa Atlanta.
- Setyembre 11 -- Chess. Naging kauna-unahang babaeng chess grandmaster ng Pilipinas si Janelle Frayna matapos magkamit ng kanyang ikatlo at huling pamantayan sa Round 9 ng World Chess Olympiad sa Baku, Azerbaijan.
- Setyembre 12 -- Table Tennis. Sa 2016 Summer Paralympics sa Rio de Janeiro, nakuha ni Josephine Medina ang medalyang tanso sa women's individual -- Class 8 tournament para sa table tennis. Ito ang pangalawang medalyang Paralympic ng Pilipinas sa pangkalahatan matapos manalo si Adeline Dumapong ng medalyang tanso para sa powerlifting sa 2000 Summer Paralympics sa Sydney.
- Setyembre 25 -- Boxing. Nagwagi si Donnie "Ahas" Nietes sa flyweight division, nang talunin ang dating kampeon na si Edgar Sosa ng Mexico sa isang unanimous decision, at nagwagi rin sina Mark Magsayo at Arthur Villanueva sa kanilang mga laban sa "Pinoy Pride 38" sa StubHub Center, Carson, California.[42][43]
- Nobyembre 6 (oras sa Pilipinas) -- Boxing: Tinalo ni Manny Pacquiao ang Amerikanong boksingerong si Jessie Vargas sa labang ginanap sa Las Vegas, Nevada, Estados Unidos. agawin ang titulong welterweight ng World Boxing Organization. Gayunman, nabigo naman si Nonito Donaire na talunin si Jessie Magdaleno sa co-main event ng laban.
- Nobyembre 25 -- Ginanap ang Halalang Philippine Olympic Committee. Nanalo si Peping Cojuangco ng ikaapat na termino bilang pangulo ng POC.[44]
Aliwan at Kultura
baguhin- Enero 1 -- Nakuha ng Iglesia ni Cristo ang tatlong bagong pandaigdigang tala ng Guinness sa panahon ng "Countdown to 2016" grand New Year event sa Ciudad de Victoria sa Bocaue, Bulacanː Largest fireworks display (mga 700,000 piraso ng paputok na tumagal ng halos isang oras); Largest number of sparklers lit in relay; at Largest number of sparklers lit simultaneously.[45]
- Enero 19 -- Nakuha ng University of Antique sa Sibalom ang bagong pandaigdigang tala ng Guinness (Largest human image of an anchor) na nilahukan ng 6,000 katao.[46]
- Pebrero 29 -- Kinilala si Nora Aunor bilang isa sa anim (6) "Ani ng Dangal" awardees ng National Commission for Culture and the Arts.
- Marso 18 -- Nakuha ng Balanga, Bataan ang bagong pandaigdigang tala ng Guinness (Largest dance fitness class) na nilahukan ng higit 16,000 katao.[47]
- Abril 17 -- Kinoronahang Miss Universe Philippines 2016 si Maxine Medina sa gabi ng koronasyon ng Binibining Pilipinas 2016 na ginanap sa Smart Araneta Coliseum sa Lungsod Quezon.
- Mayo 22 -- Nagwagi si Jaclyn Jose sa Cannes Film Festival Award for Best Actress sa 2016 Cannes Film Festival para sa kanyang papel sa pelikulang "Ma'Rosa", ang kauna-unahang Filipina na manalo ng parangal.
- Hunyo 4 -- Kinoronahang Miss Tourism Philippines 2016 si Sharyl Diana Catchillar ng Pangasinan sa gabi ng koronasyon na ginanap sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.[48][49][50]
- Hunyo 11 -- Kinoronahang Miss Philipppines Earth 2016 si Imelda Schweighart ng Puerto Princesa sa gabi ng koronasyon na ginanap sa University of the Philippines Diliman Theater sa Lungsod Quezon.
- Hunyo 30 -- Ipinahayag si Jessy Mendiola na The Nation's Sexiest Woman sa FHM Philippines' 2016 100 Sexiest List.
- Hulyo 11 -- Ipinahayag sina Alden Richards at Maine Mendoza bilang The Most Beautiful Stars of 2016 ng YES! magazine.
- Hulyo 30 -- Kinoronahan bilang Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific si Ganiel Akrisha Krishnan, sportscaster sa ABS-CBN Sports & Action, sa gabi ng koronasyon na ginanap sa Resorts World Manila’s Newport Performing Arts Theater.
- Setyembre 10 -- Nagwagi ng Golden Lion ang pelikulang "Ang Babaeng Humayo" ni Lav Diaz sa ika-73 Venice International Film Festival.
- Oktubre 2 -- Kinoronahan bilang Miss World Philippines 2016 si Catriona Elisa Gray sa gabi ng koronasyon na ginanap sa Manila Hotel Tent City sa Lungsod Maynila.
- Oktubre 27 -- Kinoronahan bilang Miss International 2016 si Kylie Verzosa sa gabi ng koronasyon na ginanap sa Tokyo, Japan.
- Oktubre 29 -- Ginanap ang Miss Earth 2016 sa Mall of Asia Arena kung saan nagwagi ang kinatawan ng bansang Ecuador.
- Disyembre 15 -- Ang pangkat nina Parul Shah at Maggie Wilson, na kumakatawan sa Pilipinas, ay itinanghal na panalo sa The Amazing Race Asia 5.
Mga Paggunita
baguhinNoong Agosto 26, 2015, inanunsyo ng pamahalaan ang hindi bababa sa 19 na pagdiriwang sa Pilipinas para sa 2016 tulad ng ipinahayag sa pamamagitan ng bisa ng Proklamasyon Blg. 1105, serye 2015.[51][52] Tandaan na sa listahan, mga okasyon sa italiko ay " special non-working holidays," mga nasa bold ay ang " regular holidays," at sa mga nasa di-italiko at di-bold ay ang " espesyal na okasyon para sa mga paaralan."
Sa karagdagan, inoobserbahan ng maraming lugar ang mga lokal na pista opisyal, tulad ng pagkakatatag ng kanilang bayan. Ito rin ay "espesyal na araw."
- Enero 1 – Unang Araw ng Bagong Taon
- Enero 2 – Special non-working holiday
- Pebrero 8 – Bagong Taong Tsino, unang araw ng unang buwang lunar sa Kalendaryong Tsino.
- Pebrero 25 – Rebolusyong EDSA ng 1986[53] (Sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1071, s. 2015[54])
- Marso 24 – Huwebes Santo
- Marso 25 – Biyernes Santo
- Marso 26 – Sabado de Gloria
- Abril 9 – Araw ng Kagitingan
- Mayo 1 – Araw ng Paggawa
- Mayo 9 – Araw ng Halalan[55] (Sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1254, s. 2016[56])
- Hunyo 12 – Araw ng Kalayaan
- Hulyo 6 -- Eid'l Fitr, Pista ng Pagtatapos ng Ramadan (Sa bisa ng Batas Republika 9177[57] at Proklamasyon Blg. 6, s. 2016[58][59], petsa sa mungkahi ng National Commission on Muslim Filipinos)
- Agosto 21 – Araw ni Ninoy Aquino
- Agosto 29 – Araw ng mga Bayani
- Setyembre 12 -- Eid'l Adha, Pista ng Pag-aalay ng mga Muslim (Sa bisa ng Batas Republika 9849[60] at Proklamasyon Blg. 56, s. 2016[61][62], petsa sa mungkahi ng National Commission on Muslim Filipinos)
- Oktubre 31 – Special non-working holiday
- Nobyembre 1 – Araw ng mga Patay
- Nobyembre 30 – Araw ni Bonifacio
- Disyembre 24 – Special non-working holiday (Sa pagdiriwang ng panahon ng Kapaskuhan)
- Disyembre 25 – Araw ng Pasko
- Disyembre 26 – Special non-working holiday (Sa pagdiriwang ng panahon ng Kapaskuhan, sa bisa ng Proklamasyon Blg. 117, s. 2016)[63][64]
- Disyembre 30 – Araw ni Rizal
- Disyembre 31 – Huling araw ng taon (Sa pagdiriwang ng Bagong Taon)
Lokal na Pagdiriwang.[65]
- Marso 16 -- Araw ng Dabaw, paggunita sa pagtatag ng Lungsod ng Davao.
- Hunyo 24 -- Araw ng Maynila, paggunita sa pagtatag ng Lungsod ng Maynila.
- Agosto 19 -- Kaarawan ni Manuel Quezon, Special non-working holiday sa Lungsod Quezon at mga lalawigan ng Quezon at Aurora.
Iba Pang mga Paggunita
baguhinTalaan ng iba pang paggunita.[66]
- Marso 20 -- March equinox (Panahon)
- Marso 27 -- Linggo ng Pagkabuhay (Paggunita)
- Mayo 5 -- Lailatul Isra Wal Mi Raj (Karaniwang lokal na paggunita)
- Hunyo 20 -- June Solstice (Panahon)
- Setyembre 22 -- September equinox (Panahon)
- Oktubre 3 -- Amun Jadid (Karaniwang lokal na paggunita, Muslim)
- Nobyembre 2 -- Araw ng mga Kaluluwa (Panahon)
- Disyembre 12 -- Maulid un-Nabi (Karaniwang lokal na paggunita)
- Disyembre 21 -- December Solstice (Panahon)
Kamatayan
baguhinEnero
- Enero 2 – Virginia Torres, dating hepe ng Tanggapan ng Transportasyong-Lupa (ipinanganak 1953)
- Enero 4 – Stephen W. Bosworth, dating embahador ng Estados Unidos sa Pilipinas noong Rebolusyong EDSA ng 1986. (ipinanganak Disyembre 4, 1939)
- Enero 8 – German Moreno (Kuya Germs o Master Showman), aktor, komedyante at sikat na talent manager ng mga artista noong dekada '80, TV Host at komentarista sa radyo (ipinanganak Oktubre 4, 1933)[67]
- Enero 9 – Cielito del Mundo, orihinal na host ng Kapwa Ko Mahal Ko at Mahal, aktres. (ipinanganak Hulyo 4, 1935)
- Enero 12 – Democrito Mendoza, pinuno ng paggawa (ipinanganak 1943)
- Enero 27 – Carlos "Caloy" Loyzaga, dating manlalaro ng basketbol para sa Pambansang koponan ng basketbol ng Pilipinas (ipinanganak Agosto 29, 1930)
- Enero 29 – Cayetano Paderanga, Jr., dating Kalihim ng Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad (ipinanganak Oktubre 9, 1948)
Pebrero
- Pebrero 4 – Uro dela Cruz, direktor sa telebisyon (ipinanganak 1952)
- Pebrero 8 – Roy Señeres, Kinatawan ng OFW Family Club party-list sa Kongreso (2013-2016). (ipinanganak Hulyo 6, 1947)
- Pebrero 13 – Lauro Vizconde, manananggol kontra-krimen (ipinanganak 1938)
- Pebrero 16
- Vincent Navarro, pintor (ipinanganak 1992)
- Elvis Banggoy Ordaniza, mamamahayag sa radyo (DXWO FM) (namatay sa edad 49; Pitogo, Zamboanga del Sur)
- Pebrero 28 – Don Battye (ng Australia, namatay sa Lungsod Puerto Princesa), manlilikha ng pelikula (ipinanganak Setyembre 29, 1948)
- Pebrero 29 – Wenn V. Deramas, direktor at manunulat sa pelikula at telebisyon (ipinanganak Setyembre 15, 1966)
Marso
- Marso 4 – Wenceslao "Peewee" Trinidad, dating Alkalde ng Lungsod Pasay (ipinanganak 1934)
- Marso 5 – Nestor Mantaring, dating direktor ng Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat (ipinanganak 1948)
- Marso 6 – Francis Xavier Pasion, direktor sa pelikula at telebisyon (ipinanganak Pebrero 8, 1978)[68]
- Marso 10
- Jovito Salonga, ika-14 na Pangulo ng Senado ng Pilipinas (1987-1992). (ipinanganak Hunyo 22, 1920)[69]
- Andrew Gotianun, negosyante (ipinanganak Nobyembre 24, 1927)
- Marso 11 – Antonio Cabangon-Chua, negosyante, dating embahador sa Laos. (ipinanganak Agosto 30, 1934)
- Marso 22 – Cecilio Hechanova, tapgapagtatag at tagapangulo ng Komisyon ng Isports ng Pilipinas (ipinanganak 1932)
- Marso 27 – Emmanuel Peña, kandidato sa pagka-konsehal ng Calauan, Laguna (namatay sa edad na 25)
- Marso 29 – Gabriel Singson, dating Gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas (ipinanganak Marso 18, 1929)
- Marso 31
- Caitlin Soleil Lucas, kilala bilang Courageous Caitie (ipinanganak Agosto 6, 2012)
- Leonardo Mayaen, Gobernador ng Lalawigang Bulubundukin (ipinanganak 1953)
Abril
- Abril 4 – Joey Luna (ipinanganak Abril 26, 1951)
- Abril 8 – Jun Lingcoran, brodkaster (Radyo Patrol 24, DZMM) (ipinanganak Enero 14, 1970)
- Abril 14 – Rodolfo Reyes, mamamahayag, dating Press Secretary (ipinanganak Hulyo 23, 1935)
- Abril 19 – Luis Katigbak, manunulat, may-akda, at kolumnista (ipinanganak 1974)
- Abril 27 – Obispo Julio Labayen, retiradong obispo ng Prelatura ng Infanta, Quezon (ipinanganak 1926)
- Abril 29 – Renato Corona, ika-23 Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas (2010-2012). (ipinanganak Oktubre 15, 1948)
Mayo
- Mayo 3 – Domingo Siazon, Jr., dating Kalihim ng Ugnayang Panlabas (ipinanganak Hulyo 9, 1939)
- Mayo 18 – Eduardo Castrillo, iskultor (ipinanganak Oktubre 31, 1942)
- Mayo 27 – Alex Balcoba, mamamahayag sa pahayagan (People's Brigada) (Maynila)
Hunyo
- Hunyo 11 – Max Laurel, aktor na gumanap bilang Zuma sa pelikula (ipinanganak 1945)
- Hunyo 13 – Enrique "Tet" Garcia, Jr., halal na Bise-Gobernador ng Lalawigan ng Bataan. (ipinanganak Setyembre 13, 1940)
- Hunyo 16 – Magdalena Leones, espiya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (ipinanganak 1921)
- Hunyo 20 – Ernesto Maceda, ika-18 na Pangulo ng Senado ng Pilipinas (1996-1998). (ipinanganak Marso 26, 1935)
- Hunyo 27 – Eddie Villamayor, aktor.
Hulyo
- Hulyo 1 – Tupay Loong, Kinatawan ng unang distrito ng Sulu sa Kongreso. (ipinanganak 1947)
- Hulyo 3 – Gilbert Bulawan, manlalaro ng basketbol (ipinanganak Agosto 5, 1986)
- Hulyo 7 – Erwin Dolera, isa sa mga lalaking "Bangkang Papel" (ipinanganak 1992)
- Hulyo 14 – Helena Zoila Benitez, Senador (1967-1972); tagapangasiwa ng Philippine Women's University. (ipinanganak Hunyo 27, 1914)
- Hulyo 31 – Jonas Sebastian, dating aktor at tagasulat ng senaryo (namatay sa edad 73)
Agosto
- Agosto 4 – Snaffu Rigor, kompositor at manlilikha ng mga awit (ipinanganak Agosto 8, 1946)
- Agosto 5 – Aaron Sampaga, Bise Alkalde ng Pamplona, Cagayan (ipinanganak 1977)
- Agosto 6 – Deo Fajardo, Jr., direktor sa pelikula (ipinanganak Disyembre 31, 1938)
- Agosto 17 – Virgilio "Baby" Dalupan, tagasanay ng basketbol (ipinanganak Oktubre 19, 1923)
- Agosto 20 – Lilia Cuntapay, aktres (ipinanganak Setyembre 16, 1935)
- Agosto 24 – Miguel Varela, abogadong pansamahan, negosyante (namatay sa edad 76)
- Agosto 26 – Norma Liongoren, gallerist (namatay sa edad 69)
- Agosto 29 – Melvin "Boyet" Odicta, negosyante at 'di-umano'y drug lord
Setyembre
- Setyembre 10 – Joy Viado, komedyante, aktres (ipinanganak Abril 10, 1959)
- Setyembre 22 – Japal Guiani, Jr., Alkalde ng Lungsod Cotabato (namatay sa edad 56)
- Setyembre 29 – Miriam Defensor–Santiago, Senador (1995-2001, 2004-2016). (ipinanganak Hunyo 15, 1945)
Oktubre
- Oktubre 11 – Dick Israel (Ricardo Michaca), aktor (ipinanganak Disyembre 10, 1947)
- Oktubre 14 – Dinah Dominguez, dating mang-aawit at aktres.
- Oktubre 28 – Samsudin Dimaukom, Alkalde ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao (namatay sa edad 53)
- Oktubre 29 – Lydia Mercado (namatay sa edad 74)
Nobyembre
- Nobyembre 5 – Rolando Espinosa, Sr., Alkalde ng Albuera, Leyte.
- Nobyembre 11
- Ronnie Nathanielsz, beteranong sports journalist (ipinanganak Nobyembre 2, 1935)
- Jum Akbar, Kinatawan ng Solong Distrito ng Basilan sa Kongreso (namatay sa edad 53)
- Nobyembre 17 – Arturo Lachica, komisyonado diputado ng Kawanihan ng Adwana (namatay sa edad 57)
- Nobyembre 21 – Blakdyak (Joseph Amoto-Formaran), mang-aawit, aktor, komedyante (ipinanganak Hulyo 25, 1969)
- Nobyembre 28 – Lolita Rodriguez, aktres (ipinanganak Enero 29, 1935)
Disyembre
- Disyembre 3 – Bebong Osorio, aktor at direktor (namatay sa edad 74)
- Disyembre 20 – Larry Que, mamamahayag sa pahayagan (Catanduanes News Now) (Virac, Catanduanes)
Hindi Tiyak ang Petsa
- Richard Boyle (ng Estados Unidos, namatay sa Pilipinas), manunulat (ipinanganak Marso 26, 1942)
Mga Panlabas na Kawing
baguhinKaugnay na mga artikulo
- "Timeline: The China-Philippines South China Sea dispute" Naka-arkibo 2016-10-27 sa Wayback Machine. Associated Press, inilabas din sa Business Insider (link). 07-12-2016.
- "Philippines versus China in the South China Sea: Timelines of dispute so far" Straits Times. 07-09-2016.
- "Inquirer Briefing Paper: The Philippines vs. China case" Philippine Daily Inquirer. 07-12-2016. Hinango 10-15-2016.
Kalipunan ng mga artikulo
- "The Year in Review 2016" ABS-CBN News.
- "2016 Yearender" Philippine Daily Inquirer.
- "2016 Year End Stories" Naka-arkibo 2017-02-09 sa Wayback Machine. Rappler.
Mga tiyak na sanggunian
- Halalan. "YEARENDER: Social media battleground for 2016 poll candidates" The Philippine Star. 12-25-2016.
- Palakasan. "2016 PHILIPPINE BOXING YEAREND REVIEW" (Parts I and II). PhilBoxing.com. 12-31-2016.
- Palakasan. "2016 Philippine Football Year End Review" Philippine Football Forum. 01-01-2017.
- Palakasan. "Year in Review 2016: The Philippines hosts two international volleyball tournaments" Sports5. 12-19-2016.
- Aliwan. "The best Filipino films of 2016" Naka-arkibo 2017-08-18 sa Wayback Machine. CNN Philippines. 01-03-2017.
- Aliwan. "PEP YEARENDER 2016:Showbiz breakups" Naka-arkibo 2016-12-26 sa Wayback Machine. PEP. 12-23-2016.
- Aliwan. "PEP YEARENDER 2016: Best Bets for 2017" Naka-arkibo 2017-01-02 sa Wayback Machine. PEP. 12-29-2016.
- Aliwan. "PEP YEARENDER 2016: Ten Most-Read Breaking News in 2016" Naka-arkibo 2017-01-07 sa Wayback Machine. PEP. 01-03-2017.
- Kalakalan. "Philippines Year in Review 2016" Oxford Business Group. 12-29-2016.
- Kamatayan. "6 Famous Filipinos who died in 2016" KAMI. 2016.
- Kamatayan. "LOOK: Celebrities Who Died In 2016" MYX. 11-01-2016.
- Pamahalaan ni Pangulo Duterte. "Yearender 2016 | The unlikely Philippine president" Bulatlat. 12-22-2016.
- "2016 Lookback: The Top 10 Newsmakers in the Philippines" Philippine Primer. 12-26-2016.
- "The Top 10 Newsmakers of 2016"[patay na link] M2Comms. 12-26-2016.
- "2016 Top Newsmakers In The Philippines" Naka-arkibo 2017-01-07 sa Wayback Machine. PageOne. 01-01-2017.
- "2016 Newsmakers and Noisemakers" Panay News (PressReader)
- "Philippine Labor yearender: Workers haunted by endo, EJK’s in 2016" Europe Solidaire Sans Frontieres. 12-30-2016.
- "Travel Philippines: A year-end review" Philippine Daily Inquirer. 12-27-2016.
Tingnan din
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "TIMELINE: Aquino's love-hate relationship with OFWs" Naka-arkibo 2016-06-24 sa Wayback Machine. Rappler. 06-21-2016. Hinango 10-01-2016.
- ↑ "Chronology of events in Emperor Akihito's life" Naka-arkibo 2016-10-14 sa Wayback Machine. The Japan Times. 08-08-2016. Hinango 10-15-2016.
- ↑ "How $81 Million Slipped Through Philippine Cracks: Timeline" Bloomberg. Marso 21, 2016.
- ↑ "TIMELINE: Tracing the $81-million stolen fund from Bangladesh Bank" Naka-arkibo 2016-09-22 sa Wayback Machine. Rappler. Marso 17 2016.
- ↑ "Timeline: $81-M Money Laundering" Inquirer News. 03-10-2016. Hinango 10-01-2016.
- ↑ "TIMELINE: Duterte BPI accounts exposé" Inquirer News. 04-29-2016. Hinango 10-01-2016.
- ↑ "Analysis: Unplugging the bank secrecy law" philstar.com. 04-15-2016. Hinango 10-15-2016.
- ↑ "1 killed, 13 wounded in farmers' protest in Kidapawan" Naka-arkibo 2017-02-21 sa Wayback Machine. Rappler. 04-01-2016. Hinango 10-15-2016.
- ↑ "Timeline of Abu Sayyaf militant group in Philippines" Daily Mail Online. Abril 26, 2016.
- ↑ "Officially winners: Comelec proclaims 12 elected Senators" ABS-CBN News. Mayo 19, 2016. Hinango Hulyo 13 2016.
- ↑ "12 senators proclaimed" PhilStar Global. philstar.com Mayo 20 2016. Hinango Hulyo 13 2016.
- ↑ "46 groups proclaimed as party list winners" Rappler. Mayo 19, 2016. Hinango Hulyo 13, 2016.
- ↑ "Duterte, Robredo win in final, official tally" Philstar.com. Mayo 27, 2016. Hinango 08-03-2016.
- ↑ "READ: Final tally sheets for President, VP" ABS-CBN News. Mayo 28, 2016. Hinango 08-03-2016.
- ↑ "Final results: 2016 presidential and vice presidential canvass" Inquirer News. Mayo 27, 2016. Hinango 08-03-2016.
- ↑ Newsmakers[patay na link]. Global Finance Magazine. Hunyo 2016. Hinango 02-22-2017.
- ↑ "Beijing rejects tribunal's ruling in South China Sea case" The Guardian. 07-12-2016. Hinango 04-21-2017.
- ↑ "Tribunal Rejects Beijing’s Claims in South China Sea" The New York Times. 07-12-2016. Hinango 04-21-2017.
- ↑ "TIMELINE: Gloria Arroyo – from plunder to acquittal" Rappler. 07-19-2016. Hinango 10-01-2016.
- ↑ "Arroyo plunder case: A timeline" Naka-arkibo 2016-08-26 sa Wayback Machine. The Manila Times. 07-21-2016. Hinango 10-01-2013.
- ↑ "Duterte 'walked the extra mile for peace' – Dureza" Rappler. 07-31-2016. Hinango 10-01-2016.
- ↑ "Duterte "patiently waited" for NDF's response; CPP calls for simultaneous declaration of unilateral ceasefire on August 20" Naka-arkibo 2019-06-14 sa Wayback Machine. MindaNews. 07-31-2016. Hinango 10-15-2016.
- ↑ "Philippines’ war against drugs continues despite UN concerns" Naka-arkibo 2016-08-24 sa Wayback Machine. TRT World. Agosto 22 2016.
- ↑ Awardees from 2016 Naka-arkibo 2016-12-17 sa Wayback Machine.. The Ramon Magsaysay Award Foundation. Naka-arkibo 2017-03-07 sa Wayback Machine.
- ↑ "Names of victims in Davao explosion released" Inquirer News. Setyembre 3, 2016. Hinango Setyembre 17, 2016.
- ↑ "Pregnant Davao bombing victim dies in hospital; death toll rises to 15" Naka-arkibo 2016-09-14 sa Wayback Machine. CNN Philippines. Setyembre 13, 2016. Hinango Setyembre 17, 2016.
- ↑ "TIMELINE: Witness lists killings allegedly 'ordered by Duterte'" Rappler. 09-15-2016. Hinango 10-01-2016.
- ↑ "Duterte signs law postponing barangay, SK elections" Rappler. 10-18-2016. Hinango 11-12-2016.
- ↑ "The Fraught Ties Between the U.S. and the Philippines: A Timeline" The Wall Street Journal. 10-21-2016. Hinango 11-28-2016.
- ↑ "TIMELINEː From the arrest to the killing of Albuera Mayor Rolando Espinosa" GMA News. 11-05-2016. Hinango 11-28-2016.
- ↑ "SC allows Marcos burial in Libingan ng mga Bayani" ABS-CBN News. 11-08-2016. Hinango 11-08-2016.
- ↑ "Marcos timeline from birth to burial" Philippine Daily Inquirer. 11-19-2016. Hinango 11-28-2016.
- ↑ "Timeline of Marcos family's comeback in Philippines" Agence France-Presse, sa pamamagitan ng Yahooǃ News. 11-08-2016. Hinango 11-28-2016.
- ↑ "TIMELINE: The Marcos burial controversy" Rappler. 11-18-2016. Hinango 11-28-2016.
- ↑ "Timeline: Ronnie Dayan’s arrest" The Philippine Star. 11-23-2016. Hinango 11-28-2016.
- ↑ "Timeline of deadly bomb attacks in Philippine capital" Agence France-Presse sa pamamagitan ng Yahooǃ News at ABS-CBN News (link). 11-29-2016. Hinango 12-16-2016.
- ↑ "Timeline: Jewels, properties, and billions of Marcos ill-gotten wealth" Naka-arkibo 2016-08-29 sa Wayback Machine. CNN Philippines. 07-07-2016.
- ↑ "Plunder to be glorified with Marcos at Libingan" The Philippine Star. 08-15-2016. Hinango 10-15-2016.
- ↑ "A history of the BPO industry in numbers" Rappler. 07-02-2015. Hinango 10-01-2016.
- ↑ "Albert Pagara, Mark Magsayo score lopsided wins in Philippines" Naka-arkibo 2016-02-28 sa Wayback Machine. Ring TV. Pebrero 27 2016. Hinango Hulyo 13, 2016.
- ↑ "Pinoy Pride 36: Villanueva, Melindo, Cataraja all victorious in Bacolod" Naka-arkibo 2016-07-09 sa Wayback Machine. ABS-CBN Sports. Mayo 29, 2016. Hinango Hulyo 13 2016.
- ↑ "Pinoy Pride 38: Donnie Nietes dominates in flyweight debut" Naka-arkibo 2020-01-30 sa Wayback Machine. ABS-CBN Sports. 09-25-2016. Hinango 10-01-2016.
- ↑ "Pinoy Pride 38: Nietes dominates Sosa in flyweight debut" Inquirer Sports. 09-25-2016. Hinango 10-01-2016.
- ↑ "Peping Cojuangco wins fourth term as POC president; party wins elections by landslide" SPIN.PH. 11-25-2016. Hinango 11-28-2016.
- ↑ "Iglesia Ni Cristo breaks three Guinness World records on New Year" Naka-arkibo 2016-07-07 sa Wayback Machine. CNN Philippines. Enero 1, 2016. Hinango Hulyo 13, 2016.
- ↑ "Video: Philippine students create largest human image of an anchor to celebrate country’s seafarers" Guiness World Records. Hunyo 17, 2016. Hinango Hulyo 13, 2016.
- ↑ "Video: Philippine City of Balanga hosts largest dance fitness class ever as part of health initiative" Guiness World Records. Marso 24, 2016. Hinango Hulyo 13, 2016.
- ↑ "Daughter of OFW is Miss Tourism Philippines 2016" Naka-arkibo 2016-07-19 sa Wayback Machine. mb.com.ph. Hunyo 6, 2016. Hinango Setyembre 12, 2016.
- ↑ "A look at the winners of Miss Tourism Philippines 2016" Naka-arkibo 2016-06-03 sa Wayback Machine. Malaya Business Insight. Hunyo 3, 2016. Hinango Setyembre 12, 2016.
- ↑ "Who will win Miss Tourism Philippines 2016?" Naka-arkibo 2016-04-30 sa Wayback Machine. The Standard. Abril 29, 2016. Hinango Setyembre 12, 2016.
- ↑ "List of nationwide holidays for 2016" Naka-arkibo 2015-08-28 sa Wayback Machine. 'Official Gazette of the Republic of the Philippines. 08-16-2015.
- ↑ "Public Holidays 2016 and 2017" Public Holidays Global. Hinango 09-05-2016.
- ↑ "Proclamation 1071, Malacañang Palace, Manila" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2016-01-26. Nakuha noong 2016-05-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Proclamation No. 1071, s. 2015" Naka-arkibo 2016-09-10 sa Wayback Machine. Official Gazette of the Republic of the Philippines. 07-08-2015 Naka-arkibo 2016-09-10 sa Wayback Machine.. Hinango 09-05-2016.
- ↑ "PNoy declares May 9 a special non-working holiday" Naka-arkibo 2016-04-28 sa Wayback Machine. The Philippine Star. 04-27-2016.
- ↑ "Proclamation No. 1254, s. 2016" Naka-arkibo 2016-09-06 sa Wayback Machine. Official Gazette of the Republic of the Philippines. 04-25-2016 Naka-arkibo 2016-09-06 sa Wayback Machine.. Hinango 09-05-2016.
- ↑ "July 6 to be declared national holiday" GMA News. 07-03-2016. Hinango 07-07-2016.
- ↑ "Proclamation No. 6, s. 2016" Naka-arkibo 2016-08-03 sa Wayback Machine. Official Gazette of the Republic of the Philippines. 07-04-2016. Hinango 09-09-2016.
- ↑ "It's official: July 6 a nonworking holiday" ABS-CBN News. 07-04-2016. Hinango 09-09-2016.
- ↑ "Palace declares September 12 regular holiday for Eid'l Adha" Naka-arkibo 2016-09-09 sa Wayback Machine. Sun.Star. 09-06-2016. Hinango 09-09-2016.
- ↑ "Proclamation No. 56, s. 2016" Naka-arkibo 2016-09-09 sa Wayback Machine. Official Gazette of the Republic of the Philippines. 09-05-2016. Hinango 09-09-2016.
- ↑ "September 12 declared regular holiday for Eid'l Adha" ABS-CBN News. 09-06-2016. Hinango 09-09-2016.
- ↑ "Dec. 26, Jan. 2 declared special non-working holidays" ABS-CBN News. 12-14-2016. Hinango 12-16-2016.
- ↑ "Proclamation No. 117, s. 2016" Naka-arkibo 2016-12-16 sa Wayback Machine. Official Gazette of the Republic of the Philippines. 12-14-2016. Hinango 12-16-2016.
- ↑ "Public Holidays in Philippines in 2016" OfficeHolidays. Hinango 09-05-2016.
- ↑ "Holidays in Philippines in 2016" timeanddate.com. Hinango 09-05-2016.
- ↑ "Kuya Germs: A timeline" Naka-arkibo 2016-01-18 sa Wayback Machine. Manila Bulletin. Enero 9, 2016.
- ↑ "ABS-CBN director found dead inside home in QC" Naka-arkibo 2016-05-13 sa Wayback Machine. Manila Bulletin. 03-06-2016. Hinango 10-18-2016.
- ↑ "The life, love and struggles of Jovito Salonga" Rappler. 03-10-2016. Hinango 10-01-2016.