Ika-3 dantaon

(Idinirekta mula sa 230)

Ang ikatlong dantaon AD ay ang panahon mula 201 hanggang 300. Sa panahong ito, nagkaroon ng krisis ang Imperyong Romano, simula sa pagpaslang sa Romanong Emperador na si Severus Alexander noong 235, na pinabagsak ang imperyo sa isang panahon ng suliraning ekonomiko, barbarong pagsalakay, pag-aalsang pampolitika, digmaang sibil, at paghihiwalay ng Imperyong Romano sa Imperyong Galo sa kanluran at Imperyong Palmira sa silangan, na sama-samang binantaan na wasakin ang Imperyong Romano sa kabuuan, datapwa't ang muling pananakop ng tumiwalag na mga teritoryo ni Emperador Aureliano at ang panahon ng pagpapatibay sa ilalim ni Emperador Diocleciano dahil sa administratibong pagpapalakas ng imperyo ay nagdulot ng katupasan ng krisis noong 284. Minarkahan ng krisis ang simula ng Huling Sinaunang Panahon.

Milenyo: ika-1 milenyo
Mga siglo:
Mga dekada: dekada  200 dekada 210 dekada 220 dekada 230 dekada 240
dekada 250 dekada 260 dekada 270 dekada 280 dekada 290
Silangang Emisperyo sa simula ng ikatlong dantaon AD.
Mapa ng mundo noong AD 250.
Silangang Emisperyo sa dulo ng ikatlong dantaon AD.

Sa Persya, pinalitan ng Imperyong Parto ang Imperyong Sasanida noong 224 pagkatapos talunin at patayin ni Ardashir I si Artabanus V noong Labanan ng Hormozdgan. Pinasuko ng mga Sasanida ang maraming kanlurang bahagi ng nanghihinang Imperyong Kushan.

Sa Tsina, nagpatuloy ang kaguluhan na nagaganap simula pa noong 189 sa pagkatalo ni Cao Cao sa Labanan ng mga Pulang Talampas noong 208,[1] na pinataas ang pagtapos sa pag-asa ng pag-iisa at pamunuan ang dibisyon ng Tsina sa tatlong pangunahing imperyo: Shu, Wu, and Wei, kolokyal na kilala bilang panahon ng Tatlong Kaharian,[2] na nagsimula noong 220 na may pormal na pagbitiw ni Emperador Xian ng Han, para ibigay sa anak ni Cao Cao, na si Cao Pi, sa gayon, naitatag ang Wei, na nagpatuloy sa pananakop ng Shu noong 263, ngunit mapagkakaisa din sa kalaunan sa ilalim ng dinastiyang Jin, na pinamunuan ng angkan Sima, na aagawin ang Wei noong 266, at sakupin ang Wu noong 280.

Sa Subkontinenteng Indiyano, bumangon ang Imperyong Gupta tungo sa dulo ng siglo.

Pinamuan ang Korea ng Tatlong Kaharian ng Korea. Pumasok ang Hapon sa panahong Kofun. Binuo ng Xiongnu ang estadong Tiefu sa ilalim ni Liu Qubei. Karamihang nagdomina sa kalupaan ng Timog-silangang Asya ang Funan; ang unang kaharian ng mga Khmer (mga taga-Kambodya).

Sa panahon din na ito sa Sub-sahariyanang Aprika, umabot ang pagpalawak ng Bantu sa Katimugang Aprika.

Sa Amerika bago ang Kolumbiyano, nanghina ang kulturang Adena sa lambak ng Ilog Ohio upang paboran ang kulturang Hopewell. Pumasok ang kabihasnang Maya sa Klasikong Panahon nito.

Mahahalagang tao

baguhin
  • Origen, Romanong Kristiyanong manunulat at teologo
  • Liu Hui, Tsinong matematiko

Mga sanggunian

baguhin
  1. McNab, Chris (2017). Famous Battles of the Ancient World (sa wikang Ingles). Cavendish Square Publishing, LLC. p. 74. ISBN 9781502632456.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Three Kingdoms | ancient kingdoms, China". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  NODES
admin 1