Agonista ng reseptor na 5-HT

Ang isang agonista ng reseptor na 5-HT(sa Ingles ay 5-HT receptor agonist o serotonin receptor agonist) ay isang compound na nagpapagana(activate) ng mga reseptor na 5-HT na gumagaya sa epekto ng neurotransmitter na serotonin. Ang kabaligtaran ng agonista ay tinatawag na antagonista na imbis magpagana ng mga reseptor na 5-HT ay humaharang sa paggana nito.

Mga agonista ayon sa uri ng reseptor na 5-HT

baguhin

Reseptor na 5-HT1A

baguhin

Ang mga agonista ng reseptor na ito ay kinabibilangan ng Azapirone gaya ng buspirone, gepirone, at tandospirone na tinitinda bilang mga ansiyolitiko o kamakailan lamang ay bilang mga antidepressant.

Reseptor na 5-HT1B

baguhin

Triptan gaya ng sumatriptan, rizatriptan, at naratriptan na nagpapahinto ng pag-atake ng migraine at kumpol na sakit ng ulo

Reseptor na 5-HT1D

baguhin

Bukod sa pagiging agonista ng 5-HT1B ang triptan ay agonista rin sa reseptor na 5-HT1D na nag-aambag sa pampaalis ng migraine na epekto nito.

Reseptor na 5-HT1F

baguhin

Ang LY-334,370 ay isang selektibong agonista ng reseptor 5-HT1F na nilikha ng kompanyang Eli Lilly and Company bilang gamot sa migraine at kumpol na sakit ng ulo. Ang pagpapaunlad ng drogang ito ay pinahinto sanhi ng pagkalasong natukoy sa mga sinusubukang mga hayop. Matagumpay na nakumpleto ang mga pagsubok na yugtong II klinikal sa agonistang Lasmiditan noong simula nang 2010.

Reseptor na 5-HT2A

baguhin

Ang mga drogang sikedeliko gaya ng LSD, mescaline, psilocin, DMT, at 2C-B ay umaasal bilang mga agonista ng reseptor na 5-HT2A. Ang mga aksiyon nito sa reseptor na ito ay responsable sa mga epektong halusiheniko ng mga drogang ito.

Alam na ngayon na marami sa mga drogang ito ay umaasal sa iba pang mga reseptor na 5HT bukod sa 5-HT2A kabilang ang 5-HT2C at iba pa.

Reseptor na 5-HT2C

baguhin

Ang Lorcaserin ay isang termoheniko at anorektikong droga na tagapagbawas ng timbang na umaasal bilang selektibong agonista ng reseptor na 5-HT2C.

Reseptor na 5-HT4

baguhin

Ang Cisapride ay isang parsiyal na agonista ng reseptor na 5-HT4 na ginagamit para sa motilidad na gastrointestinal. Ang Prucalopride ay isang mataas na selektibong agonista ng reseptor na 5-HT4 na ginagamit upang gamutin ang ilang sakit ng motilidad na gastrointestinal.

Reseptor na 5-HT7

baguhin

Ang drogang AS-19 (drug) ay isang agonista ng reseptor na 5-HT7 na ginagamit para lamang sa pagsasaliksik.

Tignan din

baguhin
  NODES
os 2