Analisis ng bariansa

Sa estadistika, ang analisis ng bariansa (Ingles: analysis of variance o ANOVA) ay isang koleksiyon ng mga modelong estadistikal at mga pamamaraang nauugnay dito kung saan ang napagmasdang bariansa sa isang partikular na bariabulo ay hinahati sa mga bahagi na maituturo sa iba't ibang mga pinagmulan ng bariasyon. Sa pinakasimpleng anyo nito, ang ANOVA ay nagbibigay ng isang pagsubok estadistikal kung o kung hindi ang mga mean ng ilang mga pangkat ay lahat magkatumbas at kaya ay naglalahat ng pagsubok na t ni Student sa higit sa dalawang mga pangkat. Ang pagsasagawa ng maraming dalawang sampol na mga pagsubok t ay magreresulta sa isang tumaas na tsansa na makagawa ng uring I pagkakamali. Sa dahilang ito, ang mga ANOVA ay magagamit sa paghahambing ng dalawa, tatlo o higit pang mga mean.

  NODES