Ang aspili ay isang kagamitan na ginagamit para ikabit ang mga bagay o materyal na magkasama, at maaring mayroong tatlong uri ng katawan: isang baras ng isang matibay na hindi nababaluktot na materyal na nilalayong ipasok sa isang espasyo, uka o butas (sa ikutan naman ay bisagra, at dyig); isang baras na nakakonekta sa isang ulo at nagtatapos sa isang matulis na dulo na nilalayong itusok ang isa o higit pa na piraso sa malambot na materyal tulad ng tela o papel (ang diretso o tinutulak na aspili o push pin); isang nag-iisang istrip ng isang matibay ngunit nababaluktot na materyal (halimbaw, isang kawad) na ang haba ay tinitiklop sa nakahilerang sanga ng sungay sa ganoong kaparaanan na ang gitnang haba ng bawat kurba ay kumukurba tungo sa iba, kaya't, kapag anumang bagay na ipapasok sa pagitan nila, nagsisilbi silang isang bunton (halimbawa, ang panuksok o bobby pin), o dalawang istrip ng isang matibay na materyal na nakagapos sa pamamagitan ng muwelye o spring sa isang dulo kaya't, kapag nakabukas ang muwelye, maaring ipasok ang isang materyal sa pagitan ng mga sanga ng sungay sa kabilang dulo at na, ang muwelye ay pinapahintulot na magsara, pagkatapos, ibunton ang nakapasok na materyal. Sang-ayon sa kanilang gamit, maaring yari ang mga aspili sa mga metal (halimbawa, bakal, tanso, o laton), kahoy, o plastik.

Isang koleksyon ng mga aspiling tinutulak o push pin sa isang tablang tapon o cork board

Kasaysayan

baguhin
 
Buto at metal na aspili na ginagamit upang ikabit ang pananamit noong Panahon ng Tansong Pula

Natagpuan ang mga aspili sa mga lugar pang-arkeolohiya na pinakamaagang pinetsahan noong Paleolitiko, na gawa sa buto o tinik, at sa Neolitiko, sa mga lugar ng Seltiko at Sinaunang Romano.[1] Mayaman ang mga Neolitikong lugar sa aspiling yari sa kahoy, at karaniwan pa rin sa panahon ni Elizabeth.[2] Matatagpuan naman ang mga aspiling metal sa Panahon ng Tansong Pula sa Asya, Hilagang Aprika at Europa, tulad ng kapansin-pansin na aspiling may ulong-martilyo mula sa libingang Kurgan sa hilagang-silangang Caucasus.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Beaudry, Mary C. (2006). Findings The Material Culture of Needlework and Sewing (sa wikang Ingles). p. 11. ISBN 0-300-11093-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Beaudry, Mary C. (2006). Findings The Material Culture of Needlework and Sewing (sa wikang Ingles). p. 12. ISBN 0-300-11093-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Beaudry, Mary C. (2006). Findings The Material Culture of Needlework and Sewing. p. 11. ISBN 0-300-11093-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  NODES