BASIC
Ang BASIC (pinaikling Beginner's All-purpose Symbolic Instruction Code) ay isang pamilya ng pangmaramihang-gamit at mataas na lebel ng mga wikang pamprograma na binigiyang-diin ang madaliang pag gamit.
Noong taong 1964, dinisenyo nila John G. Kemeny at Thomas E. Kurtz ang orihinal na wikang BASIC sa Dartmouth College sa New Hampshire. Ninais nilang matuto ang mga mag-aaral sa ibang larangan bukod sa agham at matematiko sa pag gamit ng kompyuter. Noong panahong iyon, halos lahat ng mga kompyuter ay nangangailangan ng pasadyang software, na tanging mga mananaliksik ng agham at matematika lamang ang nag-aaral.
Maraming bersyon ng BASIC ang naglipana sa mga mikrokompyuter sa kalagitnaan ng dekada '70 at dekada '80. Ang mga mikrokompyuter ay karaniwang pinapadala kasama ang BASIC, madalas sa firmware (mga panutong nakatalaga at nagpa-paandar sa iba't-ibang kasangkapang elektronika) ng makina. Ang pagkakaroon ng madaling matutunan na wika sa mga sinaunang kompyuter ay nagbigay-kakayanan sa mga may-ari ng maliliit na negosyo, mga propesyonal, mga may hilig, at sa mga kasangguni na mapaunlad ang mga sinadyang software sa mga kompyuter na kaya nilang bilhin.
Salin mula sa orihinal artikulong https://en.wikipedia.org/wiki/BASIC