Babilonya (lungsod)

Ang Lungsod ng Babilonya ang kabisera ng Imperyong Babilonya na tumutukoy sa isa sa dalawang imperyo sa Mesopotamya . Ang dalawang imperyong ito ay nananig sa pagitan ng ika-19 hanggang ika-15 siglo BCE at muli mula ika-7 hanggang ika-6 BCE. Ang siyudad ng Babilonya ay itinatag sa mga bangko ng Ilog Eufrates. Ang unang pagbanggit nito ay nasa isang tabletang putik sa paghahari ni Sargon ng Akkad(2334-2279 BCE) ng Imperyong Akkadiyo. Ang lugar nito ay matatagpuan sa katimugan ng modernong Iraq. Ang bayan nito ay naging bahagi ng independiyenteng siyudad-estado sa pag-akyat sa kapangyarihan ng Unang dinastiyang Babilonya noong ika-19 siglo BCE. Ang haring Amorreo na si Hammurabi ang nagtatag ng maikling buhay na Lumang Imperyong Babilonya noong ika-18 siglo BCE. Ang katimugang Mesopotamya ay naging Babilonya at pinalitan ang Nippur bilang ang banal na lungsod nito. Ang imperyo ng Babilonya ay humina sa paghahari ng anak ni Hammurabi na si Samsu-iluna at ang Babilonya ay napailalim sa Asirya, Mga Kassite at Elam. Pagkatapos wasakin ito ng mga Asiryo at muling itinayo, ang Babilonya ay naging kabisera ng Imperyong Neo-Babilonya na kahalili ng Imperyong Neo-Asirya mula 609-539 BCE. Ang Imperyong Neo-Babilonya ay bumagsak sa ilalim ng haring Persiyanong si Dakilang Ciro ng Persiyanong Imperyong Akemenida at kalaunan ay napasailalim ng Imperyong Seleucid, Imperyong Parto, Imperyong Romano at Imperyong Sassanid.

  1. 1.0 1.1 1.2 Edwards, I. E. S.; Gadd, C. J.; Hammond, N. G. L. (1981). Prolegomena and Prehistory. The Cambridge Ancient History. Bol. 1 Part 1. Cambridge University Press. ISBN 978-0-521-29821-6. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-05-19. Nakuha noong 2019-08-18.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Babilonya o Babylon
Bābilim
Mga labi ng Babilonya
Mga giba ng Babilonya
Ang Babilonya ay nasa gitna ng Iraq
Ang Babilonya ay nasa gitna ng Iraq
Kinaroroonan sa Near East
Ang Babilonya ay nasa gitna ng Iraq
Ang Babilonya ay nasa gitna ng Iraq
Babilonya (lungsod) (Iraq)
Ibang pangalan
KinaroroonanHillah, Gobernoradang Babil, Iraq
RehiyonMesopotamya
Mga koordinado32°32′32″N 44°25′17″E / 32.542199°N 44.421435°E / 32.542199; 44.421435
KlaseSettlement
Bahagi ngBabilonya
Lawak9 km2 (3.5 mi kuw)
Kasaysayan
Itinatagc. 1894 BCE
Nilisanc. AD 1000
Mga kulturaSumerian, Akkadian, Amorite, Kassite, Assyrian, Chaldean, Achaemenid, Hellenistic, Parthian, Sasanian
Pagtatalá
(Mga) ArkeologoHormuzd Rassam, Robert Koldewey, Taha Baqir, recent Iraqi Assyriologist
KondisyonRuined
Pagmamay-ariPubliko
Opisyal na pangalanBabylon
PamantayanCultural: (iii), (vi)
Itinutukoy2019 (43rd session)
Takdang bilang278
State Party Iraq
RegionArab States
  NODES
os 5