Battle City (laro)

Ang Battle City[a], na nangangahulugang "Lungsod ng Labanan", ay isang larong napapanood na nagbibigay ng kakayahan sa mga manlalaro na tumira o bumaril patungo sa maraming direksiyon (multi-directional shooter video game) para sa NES/Famicom na nilikha at inilabas ng Namco noong 1985. Inilibas ang laro para sa Game Boy at kabilang sa bersiyong Hapones ng Star Fox: Assault. Isa itong daungan (port) ng larong pang-arkadiyang (arcade game) Tank Battalion na may mga karadagdagan katangiang-sangkap (feature), katulad ng kakayahang makapaglaro ng dalawang manlalaro, at maging mga pagbabago na maisasagawa ng manlalarong-patnugot kaugnay ng takbo ng laro (edit feature, tingnan ang paliwanag sa ibaba). Mayroon din itong bersiyon na pang-Vs. System ng Nintendo.

Battle City
NaglathalaNamco
PlatapormaNES, Game Boy, Arcade (bilang Vs. Battle City) virtual console
Release1985
DyanraAksiyon
ModePang-isahan

Kailangang tugisin ng manlalarong kumokontrol ng isang tangke ang mga kalabang tangke sa bawat antas ng laro. Pumapasok at lumilitaw sa eksena ang mga kaaway na tangke mula sa gawing itaas ng panooran. Susubukin ng mga kalabang tangke na lipulin ang himpilan ng manlalaro, na kinakatawan sa mapa bilang isang ibon, agila, o phoenix, o maging ng isang tangkeng-pantao mismo. Nakukumpleto ang isang antas (level) kapag natalo na ng manlalaro ang lahat ng 20 mga kaaway na tangke, ngunit magtatapos ang laro kung ang base ng manlalaro o kapag nawala na ang lahat ng buhay ng manlalaro.

Paglalaro

baguhin

Naglalaman ang Battle City ng 35 iba't ibang mga antas (stage) na may 13 loteng parisukat (block) ang lapad at 13 lote ang taas. Naglalaman ang bawat mapa ng sari-saring uri ng anyo ng lupa at pagsubok. Halimbawa nito ang mga pader na bato na maaaring buwagin sa pamamagitan ng tangke ng manlalaro o ng pamamaril sa pader ng kaaway na tangke. Maaaring sirain ang mga pader na bakal sa pamamagitan ng manlalaro kapag nakaipon na siya ng tatlo o higit pang mga bituing nagbibigay ng lakas, mga palumpong na nakapagkukubli ng mga tangke, kapatagan ng yelo na nakapagpapahirap sa pagkontrol ng tangke, at maging ng mga anyo ng tubig na hindi matatawid ng mga tangke. May apat na unti-unting humihirap na mga uri ng mga kaaway na mga tangke. Mas humihirap ang mga pagsubok bawat antas dahil maaaring gumanap bilang tagapanlinlang lamang ang mga kalabang tangke upang mabighani ang mga manlalaro palayo mula sa kanilang himpilan, nang sa gayon makalulusob sa himpilan ng bidang manlalaro ang isa pang tangke. Bilang karagdagan, maaaring wasakin ang mga kumukutitap o patay-sinding mga tangke para makakamit ng dagdag na lakas. Maraming uri ng mga pandagdag-lakas o power-up: nakapagbibigay ng dagdag na buhay ang sagisag na tangke, nakapagpapainam ng tangke ng manlalaro ang isang bituin (nakapagbibigay ng kakayahan sa mabilis na pamamaril ang pagkakaroon ng isa or dalawang bituin, samantalang nakapagbibigay ng kakayahang makasira ng bakal ang pagkakaroon ng tatlong bituin); nakawawasak ng lahat ng nakikitang mga tangkeng kaaway ang sagisag na bomba; nakapagpapatigil ng ilang panahon ang sagisag na orasan; nakapagdaragdag ng mga bakal na pader sa paligid ng himpilan ang simbolong panghukay (sa loob lamang ng ilang panahon pero kung sira na ang brick na pader ng himpilan maayos ito); at sagisag na pananggalang naman ang nagbibigay ng kakayahang hindi-tinatablan ng anumang atake (sa loob din ng ilang panahon) ng kaaway.

Isa rin sa mga unang laro ang Battle City na pumapayag na makapaglaro ng sabayan ang dalawang manlalaro. Dapat na magkatulong na ipagtanggol ng kapwa manlalaro ang kanilang himpilan, at kung hindi-sinasadyang mabaril ng isang manlalaro ang kaniyang kakampi, hindi makagagalaw ang tinamaang kakampi sa loob ng ilang saglit, bagaman makapagpapatuloy ito sa pamamaril.

Isa pa kakayahan ng manlalaro sa bersiyon na NES ay ang pag-gawa ng sariling anyo ng lungsod (pwedeng lagyan ng tubig, yelo, o puno [yung berde na takip]).

Mas nakahahamon ang bersiyon ng Game Boy dahil mas maliit ang panooran kung kaya sadyang napakaliit nito para maipakita ang kabuoan ng mapa na sapat lamang para ipakita ang bahagi ng panoorin. Kailangan pang maglayag (scroll) sa ibang mga bahagi ng mapa ang mga manlalaro para lumitaw at makita ang mga ito, kasama na ang mga nilalaman sa loob ng mga ito. Bilang kinalabasan, mas mahirap ipagtanggol ang himpilan habang abala ang manlalaro sa pakikipaglaban sa mga kaaway na nasa isang bahagi ng mapa; maaaring makaalpas sa manlalaro ang ibang mga kaaway para mapuntahan ang himpilan, kung kaya matutupok ang himpilan na hindi natatakot sa anumang pagganti, at makapanggugulat pa nang lubos. May radar ang bersiyon ng Game Boy, na wala sa bersiyon ng NES.

Balangkas ng kuwentong panlaro

baguhin

Katulad ng ibang mga laro na inilabas noong unang panahon ng unang daluyong ng mga pamagat o tatak na pang-NES, walang tiyakang balangkas ng kuwento o katapusan man ang Battle City. Matapos na makumpleto ng manlalaro ang ika-35 na antas, magbabalik ang laro sa unang antas para magpatuloy, subalit nabago ang gawi ng tangkeng kalaban at mananatili sa ganoong gawi sa kabuoan ng laro.

Sa bersiyon ng Game Boy, kailangang marating ng manlalaro ang ika-100 na antas para makapagsimula uli.

Katangian ng laro

baguhin

Isa sa mga unang laro ng NES ang Battle City na nakapagbibigay ng kakayahan sa mga manlalaro na makagawa ng pagbabago (edit mode) para makalikha ng mga antas na umaangkop sa gustong estilo ng indibidwal na manlalaro (custom level). Magagamit ang mga pansariling antas na ito bilang masalimuot na estratehiya sa pakikipaglaban na makalilito sa kaaway.

Mga gaya-gayang laro

baguhin

May kilalang dalawang gaya-gayang mga bersiyon:

Isa na ang Tank 2 ng YS, isang labas na may bagong kasangkapang-katangian na nagkakaloob ng mga bagong pandagdag lakas at buhay sa tangke ng manlalaro, at pumapayag na makuha ng mga kaaway ang mga kasangkapang-katangiang ito para magamit laban sa bidang manlalaro. Makapipili rin dito ng antas kung saan gustong magsimula ang manlalaro, bagaman may bahagyang mga pagbabago. Maaari ring baguhin ang mga katangiang-gawi ng kalabang tangke.

Isa pang gaya-gaya ang tinatawag na Future Tank, isang labas na grapiko o malarawan at hindi alam ang kompanyang naglabas.

Mga kasunod at pagbabagong-anyo

baguhin

Nasundan ang Battle City at Tank Battalion ng Tank Force, isang larong pang-arkadiya o iyong nalalaro sa mga pook-palaruan na nilikha ng Namco noong 1991. May lumabas din na isang laro na matatagpuan sa internet, ang Battle City Classic na gawa ng Looble Network.[1][2] At nagkaroon pa rin ng isang larong walang-bayad na pangmaramihang manlalaro, ang Battle Tanks, simula pa noong 2006.[3]

Tingnan din

baguhin

Talababa

baguhin
  1. Hapones: バトルシティー Hepburn: Batoru Shitī

Mga sanggunian

baguhin
  1. "BattleCity Classic, BattleCity.Looble.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-04-30. Nakuha noong 2021-08-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Looble Network, Looble.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-11-10. Nakuha noong 2022-05-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Battle Tanks, SourceForge.net[patay na link]

Mga talaugnayang panlabas

baguhin
  NODES
games 2