Behetatibong pagpaparami

Ang behetatibong pagpaparami ay isang uri ng asekswal na pagpaparami sa mga halaman. Ito ay isang paraan kung saan umuusbong ang mga bagong organismo kahit na walang produksyon ang halaman ng buto o bulo. Ito ay maaring likas na mangyari o kaya'y pinatutubo ng mga hortikulturista.

Bagama't marami sa mga halaman ay nagpaparami sa sekswal na pamamaraan, marami rin ang may kakayanan na magparami nang asekswal kung ang maliliit na piraso nito ay daragdagan ng mga kemikal na pangtrato. Ito ay dahil sa mga meristematikong selula na kayang magsimula ng diperensiyasyong selular na makikita sa maraming tisyu ng halaman. Ang mga hortikulturista ay interesado sa pag-unawa kung paano nagpapalaki ng meristematikong selula na ito upang makabuo ng buong halaman.

Ang pagsisiguro sa pagpapalago ng mga halaman ay nag-iiba-iba. Ang willow at coleus ay maaring palaganapin sa pamamagitan ng pagtatanim sa tangkay nito sa tubig o basang lupa. Sa kabilang dako,ang mga monocotyledons, hindi tulad ng mga dicotyledons, ay kadalasang walang vascular cambium kaya sila ay mas mahirap palaganapin.

  NODES