Ang bentilador[1] ay isang dekuryenteng kagamitang nakalilikha ng daloy ng hangin upang maginhawahan ang tao o nilalang tuwing mainit. Para rin ito sa pagkakaroon ng tamang bentilasyon, pagpapalamig, at ibang panghanging paggalaw o pagdadala ng hangin. Sa konseptong mekanikal, maaaring maging anumang umiikot na banoglawin o mga banoglawin (parang elisi o propeler) ang isang bentilador o "dekuryenteng pamaypay" na ginagamit sa paggawa ng mga daloy ng hangin. Lumilikha ang mga bentilador ng mga daloy ng hangin na may mataas na bolyum at mababang presyon, hindi tulad ng isang kompresor ng gas na gumagawa ng matataas na mga presyon at mababang bolyum. Kadalasang umiikot ang talim ng bentilador kapag nadarang sa daloy ng hangin, at may mga aparatong gumagamit din ng ganitong kaaniman at disenyo: katulad ng mga anemometro at mga turbinang panghangin.

Isang bentilador.

Mga sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James (1977). "Bentilador, magbentilador". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 186.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
os 2