Ang Biseksuwalidad (literal na "pang- o para sa dalawang kasarian" at karaniwan ding tinatawag na silahis) ay isang ugaling pangkasarian ng tao o isang oryentasyong pangkasarian na kinasasangkutan ng pangkatawan o maromantikong pagkabighani ng tao sa kapwa mga lalaki at pati sa mga babae.[1] Isa ito sa tatlong pangunahing mga kaurian ng oryentasyong seksuwal, kasama ng heteroseksuwalidad at ng homoseksuwalidad, at lahat ay bahagi ng kontinuum na heteroseksuwal-homoseksuwal. Ang panseksuwalidad ay maaari o hindi maaaring idagdag bilang kabahagi ng biseksuwalidad, na may ilang mga mapagkukunang mga babasahin ang nagsasaad na ang biseksuwalidad ay tumatagos sa pagkaakit na seksuwal o romantiko sa lahat ng mga katauhang pangkasarian.[2][3] Ang mga taong may kakaiba ngunit hindi panggayong kagustuhan para sa isang kaharian sa ibabaw ng iba ay maaari ring ipakilala ang kanilang mga sarili bilang biseksuwal,[4] samantalang ang mga taong walang pagkabighaning seksuwal sa kahit anumang kasarian ay nakikilala bilang mga aseksuwal (nasa kalagayan ng aseksuwalidad).

Biseksuwalidad
Ang watawat ng pagmamalaki ng mga taong biseksuwal. Ang rosas ay nangangahulugan ng pagkaakit sa kaparehong kasarian (homoseksuwalidad), ang bughaw ay may ibig sabihing pagkabighani sa kabaligtad na kasarian (heteroseksuwalidad), at ang purpura ay nangangahulugan ng biseksuwalidad (rosas + bughaw = purpura).

Mapupuna ang biseksuwalidad sa sari-saring mga lipunan ng tao[5] at pati na rin sa ibang lugar sa kaharian ng mga hayop[6][7][8] sa kahabaan ng naitalang kasaysayan. Subalit, ang katagang biseksuwalidad, katulad ng heteroseksuwalidad at homoseksuwalidad, ay naimbento noong ika-19 daantaon.[9]

Katayuan sa lipunan

baguhin

Dahil nararamdaman ng ilang mga taong biseksuwal na hindi sila akma sa alin mang homoseksuwal o heteroseksuwal, at dahil mayroon silang pagkakataong "hindi makita" o "invisible" sa publiko, ang ilang mga taong biseksuwal ay nagpapasiyang bumuo ng sarili nilang pamayanan, kultura at mga kilusang pampolitika. Ang ilan naman na ang pagkakakilanlan nila ay biseksuwal ay maaaring umanib alinman sa mga lipunang homoseksuwal o heteroseksuwal. Gayunman, nakikita ng ilang mga biseksuwal ito bilang sapilitang pag-anib o bisexual erasure kaysa sa kusang-loob; maaaring maharap ang mga taong biseksuwal sa biphobia o pag-iwas mula sa mga homoseksuwal at heteroseksuwal na lipunan kapag sila ay lumantad.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "GLAAD Media Reference Guide". Gay & Lesbian Alliance Against Defamation. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Enero 2011. Nakuha noong 14 Marso 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "What is Bisexuality?". The Bisexual Index. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Hulyo 2011. Nakuha noong 14 Marso 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Soble, Alan (2006). "Bisexuality". Sex from Plato to Paglia: a philosophical encyclopedia. Bol. 1. Greenwood Publishing Group. p. 115. ISBN 9780313326868. Nakuha noong 28 Pebrero 2011.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Rosario, M., Schrimshaw, E., Hunter, J., & Braun, L. (2006, Pebrero). Sexual identity development among lesbian, gay, and bisexual youths: Consistency and change over time. Journal of Sex Research, 43(1), 46–58. Nakuha noong 4 Abril 2009.
  5. Crompton, Louis (2003). Homosexuality and Civilization. Cambridge, Massachusetts: Belknap Press. ISBN 067401197X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Bagemihl, Bruce (1999). Biological Exuberance: Animal Homosexuality and Natural Diversity. London: Profile Books, Ltd. ISBN 1861971826.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Roughgarden, Joan (2004). Evolution's Rainbow: Diversity, Gender, and Sexuality in Nature and People. Berkeley, CA: University of California Press. ISBN 0520240731. {{cite book}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Driscoll, Emily V. (Hulyo 2008). "Bisexual Species: Unorthodox Sex in the Animal Kingdom". Scientific American.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Harper, Douglas (2001). "Bisexuality". Online Etymology Dictionary. Nakuha noong 16 Pebrero 2007. {{cite web}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  NODES