Si Bob Dylan (Ipinanganak bilang Robert Allen Zimmerman; Mayo 24, 1941) ay isang Amerikanong uma-awit, mangagawa ng kanta, naglalaro ng mga instrumento, at artista. Isa siya sa pinakabantog at pinakamatagumpay na sikat na manganganta ng huling 40 mga taon. Ipinanganak siya bilang Robert Allen Zimmerman, subalit legal niyang pinalitan ng Dylan ang kanyang apelyido. Ipinanganak siya sa Minesota, Estados Unidos. Noong kanyang kabataan, naging tagapagtangkilik siya ng rock and roll, at nagbuo ng ilang mga banda habang nasa hayskul. Ngunit, naunang naging tanyag siya bilang isang musikerong pambayan (musikang folk). Noong 1962, inilabas niya ang una niyang album na payak na pinamagatang Bob Dylan. Noong sumunod na taon, inilabas naman niya ang awiting-bayang "Blowin' in the Wind", na naging napakapopular. Noong 1965, nagsimula siyang tumugtog ng rock and roll. Noong taon ding ito niyang inilabas ang "Like a Rolling Stone", na itinuturing na pinakadakilang awiting pangmusikang popular sa lahat ng panahon. Sa Hulyo 29, 1966, nakaranas si Dylan ng isang aksidenteng pangmotorsiklo, na naging sanhi ng pagkabali ng maraming buto sa kanyang leeg. Nakaraan ang maraming mga buwan bago gumaling si Dylan, at wala siyang nailabas na mga tugtugin o musika sa panahong ito. Binalik-tanaw ni Dylan ang kanyang buhay habang nagpapagaling, nakita niya ang ginagawa ng iba pang mga manunugtog, at nagsagawa siya ng mga pagbabago sa sarili niyang estilo. Sa kanyang pagbabalik, naging kaiba sa kanyang mga naunang mga gawa ang album na John Wesley Harding. Habang nagsasagawa ng maraming mga paglalakbay na pangpagtatanghal noong mga kalagitnaan ng dekada ng 1960, napakakaunti ng kanyang pagpapakita sa madla hang sa gitna ng dekada ng 1970.

Bob Dylan
Kapanganakan24 Mayo 1941[1]
  • (St. Louis County, Minnesota, Estados Unidos ng Amerika)
MamamayanEstados Unidos ng Amerika[2]
Trabahomanunulat ng awitin,[3] artista sa pelikula,[3] makatà,[3] gitarista,[3] awtobiyograpo,[3] pintor,[3] record producer,[3] direktor ng pelikula,[3] lyricist,[3] kompositor,[3] screenwriter,[3] disc jockey, artista,[3] mang-aawit,[4] personalidad sa radyo, disenyador, manunulat,[4] musiko[4]
Pirma

Naging Kristiyano si Dylan, ngunit lumayo rin pagkaraan mula sa Kristiyanismo. Gumawa siya ng pagtuklas kaugnay ng Hudaismo, isang pagbabagong sinundan ng kanyang mag-anak.[5] Sa kasalukuyan, ayaw niyang pag-usapan ang ukol sa kanyang relihiyon. Mula noong mga 1980, nagtuon siya ng pansin sa paglalakbay.

Isa rin si Dylan sa pinakatanyag na mga taong lumilitaw sa pabalat ng Sgt. Pepper's Lonely Hearts Club Band ng The Beatles.

Mga sanggunian

baguhin
  NODES
musik 5
os 11