Ang pagkakaroon ng bulati sa tiyan (Ingles: helminthiasis) ay isang impeksiyon na mayroong mga bulating parasito naninirahan sa loob ng tiyan ng isang tao. Dahil sa katayuang ito, ang nutrisyon na dapat natatanggap ng taong kumakain ay napupunta sa mga nakikikain na mga bulating nasa loob ng tiyan. Dahil sa halos walang natatanggap na nutrisyon ang isang taong mayroong mga "alagang bulati" sa tiyan, ang taong ito ay nagiging masasakitin at nawawalan ng kasiglahan ng katawan, dahil sinasalanta ng mga bulating ito ang katawan ng tao sa pamamagitan ng pagnanakaw ng nutrisyong nakukuha mula sa mga pagkain.[1] Maaari ring manirahan ang mga bulati sa ibang mga organo ng katawan.

Mga uri ng bulati

baguhin

Kabilang sa mga bulating naninirahan sa tiyan ng ang Ascaris o bulating-bilog (roundworm), bulating-kawit (hookworm), at ang Trichuris o bulating-latigo (whipworm).[1]

Mga sintomas

baguhin

Kabilang sa mga sintomas ng pagkakaroon ng mga bulati sa tiyan ang pananakit ng tiyan, paglobo ng tiyan (partikular na sa mga bata) dahil sa nasa loob ng tiyan ang maraming bilang ng mga bulati, paglabas ng bulati sa tiyak kapag dumudumi ang tao, pagsusuka na mayroong lumalabas na bulati mula sa bibig, pagkakaroon ng anemia, pagbagal ng paglaki ng batang apektado, at pag-apekto sa pag-aaral sa paaralan ng mga batang may bulati sa tiyan. Hindi nakakatulong ang mga bulating nasa tiyan sa pagtunaw ng pagkain.[1]

Pagkakaroon ng bulati sa tiyan

baguhin

Kabilang sa paraan ng pagkakaroon ng mga bulati sa tiyan ang paglunok ng mga pagkain at inuming kontaminado ng mga itlog ng mga bulati. Ang mga bulating ito ay nagmumula sa mga dumi o tae ng tao. Dahil dito kailangang dumumi ang mga tao sa tamang lugar at kailangan din ang pagiging malinis ng banyo at ng kapaligiran ng pamayanan.[1]

Estadistika

baguhin

Ang pagkakaroon ng bulati sa tiyan ay isang pangkaraniwang sakit sa mundo, na ang naaapektuhang bilang ng mga tao ay humigit-kumulang sa 2 mga bilyong katao. Kabilang sa mga lugar na laganap ang pagkakaroon ng bulati sa tiyan ay ang Aprika, Timog Asya, Timog-Silangang Asya, at Pilipinas.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  NODES