Bundok Fuji
Ang Bundok Fuji (富士山 Fuji-san, IPA: [ɸɯꜜdʑisaɴ] ( makinig)), na matatagpuan sa pulo ng Honshu, ay ang pinakamataas na bundok sa Hapon sa taas na 3,776 m (12,388 tal).[1] Isang aktibong bulkan[2] na huling pumutok noong pagitan ng mga taong 1707 hanggang 1708, ang Bundok Fuji ay nasa 100 kilometro (60 mi)* timog-kanluran lang ng Tokyo at maaaring makita sa isang maaliwalas na araw. Ang kilalang simetrikong kono ng Bundok Fuji ay isang kilalang sagisag ng Hapon at kadalasang nailalarawan sa sining at sa mga larawan at dinarayo ng mga turista.[3]
Bundok Fuji | |
---|---|
Pinakamataas na punto | |
Kataasan | 3776[1] |
Prominensya | 2,954 m (9,692 ft) |
Mga koordinado | 35°21′28.8″N 138°43′51.6″E / 35.358000°N 138.731000°E |
Heograpiya | |
Lokasyon | Hapon |
Heolohiya | |
Uri ng bundok | Stratovolcano |
Isa ang Bundok Fuji ng Hapon "Three Holy Mountains" (三霊山 Sanreizan) kasama ng Bundok Tate at Bundok Haku. Napabilang rin ito sa isa sa mga espesyal na lugar ng mga tanawing magaganda, at isa sa mga pook pangkasaysayan sa Hapon.[4] Naidagdag din ito sa talaan ng World Heritage Sites bilang isang pook kultural noong Hunyo 22, 2013.[4] Ayon sa UNESCO, "napukaw ng Bundok Fuji ang mga alagad ng sining at makakata at naging layunin ng peregrinasyon sa nakalipas na dantaon". Kinikilala ng UNESCO ang 25 mga pook kultural sa palibot ng Bundok Fuji. Kabilang sa 25 na mga lokasyon ay ang bundok mismo, Fujisan.
Pangalan
baguhinSa Wikang Ingles, ang bundok ay hindi lamang tinatawag na Mount Fuji ngunit kilala rin ito sa Hapones na pangalan na Fujiyama at Fuji-san
Etimolohiya
baguhinAng kasalukuyang pangalang kanji para sa Bundok Fuji, 富 at 士, na nangangahulugang 'yaman' o 'kasaganaan' at 'isang taong may tiyak na estado'. Ngunit ang mga karakter na ito ay marahil ateji na nangangahulugang ang mga karakter ay marahil pinili dahil ang pagbigkas ay tugma sa pagpapatig ng pangalan ngunit hindi nangangahulugan ng isang ityak na bagay.
Ang pinagmulan ng pangalang Fuji ay hindi malinaw. Isang teksto mula sa ika-10 siglo, ang Kuwento ng Namumutol ng Kawayan ay nagsasabi na ang pangalan ay nagmula sa "hindi mapapatay" (不死 fushi, fuji) at pati na rin sa imahen ng masagana (富 fu) sundalo (士 shi, ji)[5] na bumababa mula sa gilid ng bulkan.[6] Isang sinaunang etimolohiyang katutubo ay nagsasabi na ang Fuji ay nanggaling mula sa 不二 (hindi + dalawa) na nangangahulugang walang kapantay. Mayroon ding nagsasabing itao ay nagmula sa 不尽 (hindi + pagod) na nangangahulugang hindi nagtatapos. Isang klasikal na iskolar na Hapones noong Panahong Edo, si Hirata Atsutane ay hinulaang ang pangalan ay nagmula sa isang salita na nangangahulugang "isang bundok na tumatayo tulad ng isang tainga (ho) ng isang halamang bigas". Isang misyonarong Briton na si John Batchelor (1854–1944) ay nagsasabi na ang pangalan ay mula sa salita mula sa Ainu na nangangahulugang 'apoy' (fuchi) ng vathalang apoy (Kamui Fuchi) na itinanggi ng isang linguistikong Hapones na si Kyōsuke Kindaichi (1882–1971) sa mga haligi ng pagbubuong ponetiko (pag-iba ng tunog). Itinituro rin na ang huchi na nangangahulugang 'tandang babae' at ape na ang salita para sa 'apoy', ape huchi kamuy bilang ang bathala ng apoy. Pananaliksik sa pagkakalat ng mga ngalan ng mga lugar na nagsasama ng fuji bilang bahagi ay nagsasabi na ang pinagmulan ng saliatng fuji ay nasa mga wika ng mga Yamato at hindi sa mga Ainu. Isang toponimistang Haponses na si Kanji Kagami ay nagsabi na ang pangalan ay may parehong pinanggalingan sa mga salita tulad ng 'wisteria' (fuji) at 'bahaghari' (niji, ngunit may alternatibong salita na fuji), at nagmula sa "mahaba at magandang hugis na gilid" ng nasabing bundok.[7][8][9][10]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Mount Fuji". Japan-guide.com.
- ↑ "Mount Fuji". Britannica Online. Nakuha noong 17 Oktubre 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Scheffel, Richard L.; Wernet, Susan J., mga pat. (1980). Natural Wonders of the World. United States of America: Reader's Digest Association, Inc. pp. 153. ISBN 0-89577-087-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 [1] Naka-arkibo June 27, 2013, sa Wayback Machine.
- ↑ Although the word 士 can mean a soldier (兵士 heishi, heiji), or a samurai (武士 bushi), its original meaning is a man with a certain status.
- ↑ Japanese Text Initiative theTaketori monogatari
- ↑ "富士山の名前の由来". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-31. Nakuha noong 2010-06-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "富士山 - 知泉Wiki". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-12-18. Nakuha noong 2010-06-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "地名・富士山の意味". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-03. Nakuha noong 2010-06-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 富士山アイヌ語語源説について