Caterina Volpicelli

Si Santa Caterina Volpicelli o Santa Catalina Volpicelli (ipinanganak sa Naples, 21 Enero 1839 - 28 Disyembre 1894; katumbas ng Caterina o Catherine ang Kastilang Catalina) ay isang Italyanang santang tagapagtatag ng Panimulaan ng mga Katulong na Babae ng Banal na Puso.

Si Santa Caterina Volpicelli (nasa gitna).

Talambuhay

baguhin

Bilang isang babaeng anak mula sa isang mag-anak na nasa gitnang antas ng lipunan, tumanggap si Volpicelli ng mabuting edukasyon noong kanyang kabataan. Una siyang nagtuon ng pansin sa pagtatamo ng mabuting katayuan sa lipunang Neapolitano, ngunit naging mas interesado sa buhay na espirituwal nang magdalaga na. Kabilang sa kanyang mga naging kaibigan sina Pinagpalang Ludovico ng Casoria, na nagbigay sa kanya ng inspirasyon upang maging isang tersera sa ordeng Pransiskano. Sumali siya sa Panghabang-panahong Tagasamba ng Pinagpalang Sakramento noong 1859, subalit lumisan dahil sa mga kadahilanang pangkalusugan. Bilang isang kasapi sa Kaalagaran ng Pananalangin, itinatag niya ang Samahan ng mga Anak na Babae ni Maria sa tulong ni Kapita-pitagang Rosa Carafa Traetto; nagbukas din siya ng isang bahay-ampunan at naglunsad ng isang nahihiramang aklatan. Sumailalim siya ng beatipikasyon na isinakatuparan ni Papa Juan Pablo II noong 2001; nakanonisa siya ni Papa Benedikto XVI noong 2009.[1]

Mga sanggunian

baguhin


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Santo at Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES