Tsina

bansa sa Silangang Asya
(Idinirekta mula sa Chongqing)

Ang Tsina (Tsino: 中国; pinyin: Zhōngguó), opisyal na Republikang Bayan ng Tsina,[2][3] ay bansang matatagpuan sa Silangang Asya. Mula hilagang-silangan hanggang timog-kanluran, hinahangganan nito ang Hilagang Korea, Rusya, Mongolya, Kasakistan, Kirgistan, Tayikistan, Apganistan, Pakistan, Indiya, Nepal, Butan, Myanmar, Laos, at Vietnam. Sa populasyong hihigit 1.4 na bilyon at lawak na aabot sa 9.6 milyong km2, ito ang ikalawang pinakamatao at ikatlong pinakamalaking bansa sa mundo ayon sa panlupaing sukat. Ang pambansang kabisera nito ay Pekin, habang ang pinakapopuladong lungsod at pangunahing sentrong pampananalapi nito'y Shanghai.

Republikang Bayan ng Tsina
中华人民共和国 (Tsino)
Zhōnghuá Rénmín Gònghéguó (Pinyin)
Watawat ng Tsina
Watawat
Eskudo ng Tsina
Eskudo
Awitin: 义勇军进行曲
Yìyǒngjūn Jìnxíngqǔ
"Martsa ng mga Boluntaryo"
Lupaing saklaw ng Tsina sa lunting maitim, at teritoryong inaangkin sa lunting mapusyaw.
Lupaing saklaw ng Tsina sa lunting maitim, at teritoryong inaangkin sa lunting mapusyaw.
KabiseraPekin
39°55′N 116°23′E / 39.917°N 116.383°E / 39.917; 116.383
Pinakamalaking lungsodShanghai
31°13′N 121°28′E / 31.217°N 121.467°E / 31.217; 121.467
Wikang opisyalMandarin
KatawaganTsino
PamahalaanUnitaryong Marxista–Leninistang unipartidistang sosyalistang republika
Xi Jinping
Han Zheng
• Premiyer
Li Qiang
LehislaturaPambansang Kongresong Bayan
Kasaysayan
2070 BCE
221 BCE
1 January 1912
1 October 1949
20 September 1954
4 December 1982
20 December 1999
Lawak
• Kabuuan
9,596,961 km2 (3,705,407 mi kuw) (3rd / 4th)
• Katubigan (%)
2.8
Populasyon
• Pagtataya sa 2023
Neutral decrease 1,411,750,000 (2nd)
• Densidad
145/km2 (375.5/mi kuw) (83rd)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $33.015 trilyon (1st)
• Bawat kapita
Increase $23,382 (73rd)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $19.374 trilyon (2nd)
• Bawat kapita
Increase $13,721 (64th)
Gini (2019)38.2[1]
katamtaman
TKP (2021)Increase 0.768
mataas · 79th
SalapiRenminbi (元/¥) (CNY)
Sona ng orasUTC+8 (CST)
DST is not observed
Ayos ng petsa
Gilid ng pagmamanehoright (mainland)
left (Hong Kong and Macau)
Kodigong pantelepono+86 (mainland)
+852 (Hong Kong)
+853 (Macau)
Internet TLD

Ang Tsina ay pinamamahalaan ng Partidong Komunista ng Tsina, na may sakop sa 22 lalawigan, limáng awtonomong rehiyon, apat na munisipalidad na direktang-pinamamahalaan (Beijing, Tianjin, Shanghai, at Chongqing), at ang mga Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong at Macau, at inaangkin din nito ang soberanya ng Taywan.

Ang kahalagan ng Tsina[4][5] sa daigdig ngayon ay mapapansin dahil sa kanilang bahaging ginagampanan bilang ikatlong pinakamalaking ekonomiya nominal (o ikalawang pinakamalaki kung babasihan ang purchasing power parity o PPP) at isang permanenteng kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa, Konsehong Panseguridad ng Mga Nagkakaisang Bansa at kasapi rin sila ng iba-ibang kapisanan katulad ng Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan, APEC, Pulong-Panguluhan ng Silangang Asya, at Organisasyong Pagtutulungan ng Shanghai.

Ang mga pinakamahahalagang lungsod ayon sa populasyon ay Shanghai, Beijing, Guangzhou, Shenzhen, Hong Kong at Interyor Mongolya. Ang Beijing ang kasalukuyang kabisera ng bansa.

Etimolohiya

baguhin

Ang salitang Tagalog na "Tsina" (mula Kastila: China), tulad din sa iba pang mga wika sa mga pangkat ng romanse at hermaniko, ay nagmumula sa Sanskrito na Cīna (चीन); pinaniniwalaang maaaring nagmula mula sa pangalan ng Estadong Qin (秦, Tsin) at ang sumunod na dinastiyang Qin, ang unang dinastiya ng Imperyong Tsino (220 A. C.). Ang unang tala ng terminong ito ay mula noong 1516, sa talaan ng paglalakbay ng manlalakbay na Portuges na si Duarte Barbosa.

Kasaysayan

baguhin
 
Ang Hukbong Katihan ng Terracotta (mga 210 B.K.) na natuklasan sa labas ng libingan ng Unang Emperor sa makabagong Xi'an.

Ayon sa mga arkeologo, sa isang lugar malapit sa Peking, Tsina natagpuan ang Unang taong nakatindig o Homo Erectus, ang isang uri na ayon sa teorya ng ebolusyon, ay pinanggalingan ng unang tao. Tinawag nila na Taong Peking ang mga labi ng Unang taong nakatindig na kanilang nakita doon.

Ang Tsina ay pinamumunuhan ng mga dinastiya bago dumating ang mga Europeong kanluranin, pagtatag ng Republika ng Tsina at ang pagsiklab nang Krusada para sa Kommunismo.

Noong kapanahunan ng Dinastiyang Qing (16-18 siglo) nagtatag ng pakikitungo sa mga may kapangyarihang Intsik ang mga Europeo.

Noong 1557, pinayagan ang mga Portuges na gamitin ang Macau para maging daungan. Noong 1575 naman dumating sina Padre Martin de Rada at Padre Geronimo Mavin mula sa Maynila bilang sugo ni Gobernador-Heneral Guido de Lavezaris ng Pilipinas. Ngunit hindi sila pinayagang mangaral ng Katolisismo doon.

Noong 1635, dumating ang mga Ingles sa Guangzhou at noong 1698 naman dumating ang mga Pranses sa Guangzhou. Marami pa ang dumating sa Canton: 1731 - mga Danes, 1732 - mga Suweko, 1753 - mga Ruso, 1784 mga Amerikano. Noong 1644, itinatag ang Dinastiyang Qing.

 
Isang eksena ng Himagsikang Taiping, 1850–1864.

Noong 1840 hanggang 1842 nangyari ang digmaang Opyo o Unang Digmaang Opyo. Isinuko ng Tsina ang Hong Kong sa mga Ingles, nagbukas ng higit pang mga daungan, nagbayad ng indemnisasyon ng $ 121 M. Mga taong 1850 nang wasakin ni Hung Hsiu Chuan ang mga templo sa Kwansi. Dahil sa patuloy na pagiging di-epektibo ng Dinastiyang Qing, isang malawakang rebolusyon ang naganap sa Tsina mula 1850 hanggang 1864, sa pangunguna ni Hong Xiuquan. Itinatag niya ang Sumasalangit na Kaharian ng Taiping (tradisyonal na Tsino: 太平天囯 —tandaan na ang 囯 ay ginagamit, kaysa 國 o 国—; pinyin: Tàipíng Tiān Guó), pinangalang Sumasalangit na Kaharian ng Dakilang Kapayapaan.

Sa kalagitnaan ng 1853 hanggang 1863 nang mangyari himagsikan ni Nieu sa Hilagang Tsina. Noong 1856 hanggang 1860 nangyari ang Ikalawang Digmaang Opyo. Higit na pinairal ang karapatan ng mga dayuhan sa kalakalan at sa pangangaral ng Kristiyanismo sa Tsina, at isinuko rin ang tangway ng Kow Loon.

Noong 1860, binigay ang Silanganing Siberia at nagyo'y lungsod ng Vladivostok sa Rusya. Noong 19 Hulyo 1864 bumagsak ang Nanking, ang kabisera ng Taiping na itinatag ni Hung Hsiu Chuan. Noong 1866 nang ipinanganak si Sun Yat Sen.

Sa simula ng ika-20 siglo, ang Rebelyong Boxer ay naging isang pangamba sa Hilagang Tsina. Si Reyna Dowager (Emperatris Dowager), na gustong maging sigurado na hindi mawawala ang kapangyarihan niya, ay nakipag-sundo sa mga Boxer nang sumugod sila sa Beijing. Nagsimula nang maging tanyag si Sun Yat Sen.

Nagkaroon ng isang rebolusyon, ang Rebolusyong Wuchang, na nagsimula noong 10 Oktubre 1911 sa Wuhan (武漢,武汉). Dito tuluyang bumagsak ang huling dinastiya sa Tsina, ang Dinastiyang Qing.

Ang pansamantalang pamahalaan ng Republika ng Tsina (中華民國,中华民国) ay binuo sa Nanjing noong 12 Marso 1912 kasama si Sun Yat Sen bilang unang pangulo, pero napilitan siya ibigay ang puwesto kay Yuan Shikai (袁世凱), na ang lider ng militar at Punong Ministro ng dating Qing. Ito ay kasama sa kasunduan upang ang huling emperador ay bumaba sa pwesto.

 
Si Mao Zedong habang ipinapahayag ang pagtatag ng RBT noong 1949.

Ang komunismo sa Tsina ay nagsimula pagkaraan ng Unang Digmaang Pandaigdig. Nakuha ng partidong kommunista ang Kalupaang Tsina noong 1 Oktubre 1949 pagkatapos ng Digmaang Sibil ng Tsina. Si Mao Zedong ang nag-proklama ng pagtatag ng Republikang Bayan ng Tsina (RBT) sa Tiananmen.[6] Ang mga pinunong maka-republika ay tumakas sa Taywan at doon nila itinatag ang Republika ng Tsina.

 
Ang lungsod ng Shanghai ay naging simbolo ng mabilis na paglawak ng ekonomiya ng Tsina magmula dekada-1990.

Si Pangulong Jiang Zemin at si Punong Ministro Zhu Rongji, mga dating alkalde ng Shanghai ang namuno sa bagong-Tiananmen PRC noong 1990s. Sa samupung taon ng pamamahala ni Jiang Zemin's, ang ekonomiya ng RBT ay nakahila ng 150 milyon na mahihirap sa bingit ng kahirapan at nakasusta ng taunang katamtamang rate ng paglaki ng GDP na 11.2%.[7][8] Opisyal na sumali ang bansa sa Pandaigdigang Organisasyon ng Pangangalakal noong 2001.

Heograpiya

baguhin
 
Mga taniman sa Silangang Tsina
 
Ang Tibetan Plateau sa Timog-Kanlurang Tsina

Ang Tsina ay ang pangalawang pinakamalaking bansa sa Asya kasunod ng Rusya[9] kasama na ang lawak ng tubig na sakop. Ang pag-aalinlangan sa laki ng Tsina ay dahil sa (a): pag-aangkin ng Tsina sa mga territoryo katulad ng sa Aksai Chin at sa Trans-Karakoram Tract (na ina-angkin din ng Indiya), at (b) kung paano kinakalkula ang laki ng Estados Unidos: ayon sa World Factbook, ang sukat ng Estados Unidos ay 9,826,630 km²,[10] habang ang bigay na sukat ng Encyclopedia Britannica ay 9,522,055 km².[11] Ito rin ay dahil sa bagong sistema ng kompyutasyon ng Estados Unidos kung paano sinusukat ang kabuuang sakop ng kanilang lupain[12]

Ang Tsina ay may hangganan sa mga bansang: Vietnam, Laos, Burma, India, Bhutan, Nepal, Pakistan, Afghanistan, Tajikistan, Kyrgyzstan, Kazakhstan, Russia, Mongolia and North Korea. Ang hangganan ng Tsina sa Pakistan ay nasa probinsiyang Kashmir, na ina-angkin din ng India.

Ang territoryo ng Tsina ay may malawak na lupainng-scape (landscape). Sa silangan matatagpuan ang Dagat Dilaw at ang Dagat Silangang Tsina, maraming matataong lugar na matatagpuan sa alluvial plains, habang may mga damuhan sa Inner Mongolia. Ang Timog Tsina ay mabundok. Sa gitnang-silangan naman ng Tsina matatagpuan ang mga pangunahing ilog ng bansa, ang Ilog Dilaw at Ilog Yangtze (Chang Jiang) na malapit sa Beijing.

Politika

baguhin
 
Ang Dakilang Bulawagan ng Bayan, kung saan dito nagpupulong ang Pambansang Kongreso ng Bayan.

Ang pamahalaan ng Tsina ay tinuturing na komunismo at sosyalismo na tinuturing din awtoritaryanismo, dahil sa mahigpit na mga batas at censorship, lalo na sa internet, balita, rali, kalayaang magka-anak, at kalayaan sa pananampalataya. Ngunit, mas maluwag na ang mga batas sa PRC kumpara noong dekada '70 pero ang sistema ng kalayaan sa isang republika ay mas higit pa sa kanilang sistema. Ang kasalukuyang pangulo ng bansa ay si Xi Jinping, habang ang Punong Ministro naman ay si Li Keqiang. Ang bansa ay pinamumunuan ng Partido Komunista ng Tsina; sila din ang nagpapatupad ng Saligang Batas sa bansa.[13]

Pagkakahating Pampolitika

baguhin

Ang Republikang Bayan ng Tsina ay may kapangyarihang pampangasiwaan sa lahat ng dalawampu't dalawang mga lalawigan (省) at kinokonsidera ang Taiwan bilang ang kanyang ika-dalawampu't tatlong lalawigan.[14] Maliban sa mga lalawigan, may limang mga nagsasariling mga rehiyon ng Tsina (自治区), na ang bawat isa ay may nakatalagang mga pangkat na minoridad; apat na bayan (直辖市); at dalawang Espesyal na rehiyong administratibo (特别行政区). ang dalawampu't dalawang lalawigan, limang mga nagsasariling mga rehiyon at apat na bayan ay maaaring sabihin bilang "Punong Kapuluan ng Tsina", isang kataga na kadalasang hindi kasama ang Hong Kong At Macau. Ang mga sumusunod ay ang talaan ng pagkakahating pampangasiwaan ng lugar na nasa ilalim ng pamamahala ng Republikang Bayan ng Tsina.

Bukod sa Taiwan, ilan sa mga teritoryong inaangkin ng Tsina ay ang kabuuan ng Silangan at Timog Dagat Tsina at ang mga kapuluan nito (Paracel at Spratlys sa Timog at Senkaku sa Silangan) at ang estado ng Arunachal Pradesh sa Republika ng India.

Mga lalawigan(省)

baguhin
 
Ang Tsina sa isang globo.

Inaangking Lalawigan

baguhin

Mga Rehiyong Awtonomo(自治区)

baguhin

Mga Munisipalidad (直辖市)

baguhin

Rehiyong Pampangasiwaan (特别行政区)

baguhin
  •   Hong Kong (Xiānggǎng) (香港特别行政区)
  •   Macau (Àomén) (澳门特别行政区)
 
Pagkakahating panlalawigan ng Republikang Bayan ng Tsina.

Ugnayan sa ibang bansa

baguhin
 
Mga pinuno ng BRICS sa pagpupulong ng G20 sa Brisbane, Australya, 15 Nobyembre 2014. Ikaapat mula sa kaliwa ay si Xi Jinping, ang kasalukuyang pangulo ng Tsina.

Ang Tsina ay may tatlong kasalukuyang diplomatikang ugnayan sa maraming mahinang bansa. Ang bansang Suwesya ang unang kanluraning bansa na-nakipagugnayan sa bansa noong 9 Mayo 1950.[16] Noong 1971, pinalitan ng Republikang Bayan ng Tsina ang Republika ng Tsina bilang kinatawan sa Nagkakaisang Bansa bilang isa sa limang permanenteng kasapi ng Tanggulang Konseho ng mga Nagkakaisang Bansa.[17] Ipinapasaisip na ang Republikang Bayan ay isa sa mga pangunahing kasapi ng Nagkakaisang Bansa, kahit man hindi pa kontrolado ng RBT ang Tsina noong panahong iyon, at bagkus sila ang itinuring na lehitimong namamahala sa kabuuhan ng Tsina.

Ekonomiya

baguhin
 
Ang gusali ng Pamilihang Sapi ng Shanghai na matatagpuan sa Punong Distritong Pinansyal ng Shanghai.

Mula ng itatag ang PRC noong 1949 hanggang sa mga huling buwan ng 1978, ang Republikang Bayan ng Tsina ay may ekonomiya na katulad ng Unyong Sobyet. Ang mga negosyong pribado at capitalismo ay pinigilan. Para umunlad at maging industrializado ang ekonomiya, sinimulan ni Mao Zedong ang Great Leap Forward na ngayon ay naging kilala sa bansa nila at sa mundo bilang isang malaking pagkakamali at isang makataong sakuna. Sa pagkamatay niya, si Deng Xiaoping at ang bagong Tsinong pinunoan (leadership) at pinatigil ang Rebolusyong Kultural at gawin na maging market-oriented ang ekonomiya sa pamumuno ng isang partido lamang. Ginawang pribado ang taniman upang dumami ang aanihin; maramihang maliliit na negosyo ay pinayagan dumami habang ang pamahalaan ay binawasan ang "sapilitang presyohan"; at nagtawag sila ng mga ibang bansa upang mag-invest. Ang pakikipag-kalakalan sa ibang bansa ay ang pokus upang maging pamamaraan sa paglago ng ekonomiya, kaya ginawa nila ang Special Economic Zones (SEZs) na matatagpuan sa Shenzhen (malapit sa Hong Kong) at sa iba pang lungsod. Ang mga negosyo na pag-aari ng pamahalaan ay binago sa pamamagitan ng pag-gamit ng pamamaraan ng mga kanluranin habang ang mga malapit na maluging negosyo ay pinasara na, kaya nagkaroon ng pagkawala ng trabaho.

Gumaganda ang ekonomiya ng PRC, at ang kanilang pamilihang pagtingi (retail market) ay may halagang RMB8921 bilyon (US$1302 bilyon)noong 2007 at lumalaki sa porsyentong 16.8% kada taon.

Demograpiya

baguhin
 
Ang densidad ng populasyon ng PRC at Taiwan. Ang mga lalawigan na nasa silangan ay mas mataas ang densidad kaysa sa kanlurang bahagi.

Noong Hulyo 2006, mayroon nang 1,313,973,713 katao sa PRC. Halos 20.8% (lalaki 145,461,833; babae 128,445,739) ay mga bata na ang edad ay 14 pababa , 71.4% (lalaki 482,439,115; babae 455,960,489) ay nasa edad 15 hanggang 64 taon, at 7.7% (lalaki 48,562,635; babae 53,103,902) ay ang edad ay mahigit pa sa 65 taong gulang. Ang porsiyento ng pagtaas ng populasyon noong 2006 ay 0.59%.[18]

Mayroong 56 na mga pangkat-etniko sa PRC, na ang pinakamarami ay ang Tsinong Han, na bumubuo ng 91.9% ng populasyon. Ang ibang minoridad na pangkat-etniko ay binubo ng Zhuang (16 milyon), Manchu (10 milyon), Hui (9 milyon), Miao (8 milyon), Uyghur (7 milyon), Yi (7 milyon), Tujia (5.75 milyon), Mongols (5 milyon), Tibetans (5 milyon), en:Buyei (3 milyon), at Koreano (2 milyon).[19]

Sa kasalukuyan, ang PRC ay may mga dosenang mga malalaking lungsod na may halos 1 milyon na residenteng matagal nang tumitira doon, yun ang Beijing, Hong Kong, at Shanghai. Ang mga malalaking lungsod sa Tsina ay may mahalagang gampaning sa nasyunal at rehiyonal na pagkakakilanlan, kultura at ekonomiya.

 
Ang grap ng populasyon ng Tsina.

Patakarang Pampopulasyon

baguhin

Noong 11 Marso 2008, ipinahayag ng Republikang Bayan ng Tsina na hindi nito babaguhin ang patakarang "isang-anak lamang" para sa bawat mag-asawa sa loob ng isa pang dekada. Dahil ito sa pagpakabalisa ng Komisyon ng Populasyong Pang-estado at Pagpaplano ng Pamilya ng Tsina, sapagkat ang pagtaas ng bilang ng populasyon ay maaaring makaapekto sa katatagan ng lipunan at sa ekonomiya ng bansa.[20]


Pananampalataya

baguhin
 
Isang guhit na ang tatlong tao ay sumisimbolo sa paniniwala na ang Confucianismo, Taoismo at Budismo ay iisa lamang. (Panahon: Dinastiyang Song)

Ang 59% ng populasyon ng Tsina, o tinatayang nasa 767 milyong katao - ay sinasabi na sila ay walang relihiyon.[21] Subalit, ang mga ritwal at relihiyon - lalung lalo ng ang mga paniniwalang kaugalian ng Confucianismo at Taoismo - ay may malaking bahagi sa mga buhay ng karamihan. Tinatayang nasa 33% ng populasyon ay sumusunod sa magkahalong paniniwala na kadalasang tinatawag n mga mga estadistika na "Tradisyunal na Paniniwala" o bilang "Iba".

Mga pananda

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Gini index – China". World Bank. Nakuha noong 24 Mayo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Sagisag. Research and Analysis Center, Department of Public Information. 1976.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Lumbera, Bienvenido (1987). Abot-tanaw: sulyap at suri sa nagbabagong kultura at lipunan. Linangan ng Kamalayang Makabansa (Center for Nationalist Education, Incorporated). ISBN 978-971-8550-06-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Gordon, Peter. "Review of "Ang Papel Balanse ng Tsina -- Ang kailangan malaman ng mundo tungkol sa paglakas na Tsina"". The Asia Review of Books. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-27. Nakuha noong 2007-12-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Miller, Lyman. "Tsina magiging Makapangyarihan?". Stanford Journal of International Relations. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-05-11. Nakuha noong 2007-12-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Kasaysayan ng Republikang Bayan ng Tsina mula kay P.M. Calabrese". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-27. Nakuha noong 2009-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Nation bucks trend of global poverty (11 Hulyo 2003). China Daily
  8. China's Average Economic Growth in 90s Ranked 1st in World (1 Marso 2000). People's Daily Online.
  9. "The People's Republic of China" (7 Setyembre 2005). Foreign & Commonwealth Office
  10. "Population by Sex, Rate of Population Increase, Surface Area and Density" (PDF). Demographic Yearbook 2005. UN Statistics Division. Nakuha noong 2008-03-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "United States". Encyclopedia Britannica. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-29. Nakuha noong 2008-03-25.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Rank Order — Area" Naka-arkibo 2014-02-09 sa Wayback Machine. (29 Marso 2006). CIA World Factbook.
  13. Saligang Batas ng Republikang Bayan ng Tsina
  14. Gwillim Law (2 Abril 2005). Provinces of China. Retrieved 15 Abril 2006.
  15. Ang RPT ay kinikilala ng ang Táiwān (台湾) ang magiging ika-23 na lalawigan ng bansa.
  16. "China and Sweden". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-01. Nakuha noong 2009-04-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Eddy Chang (22 Agosto 2004). Perseverance will pay off at the UN The Taipei Times.
  18. CIA factbook Naka-arkibo 2009-04-17 sa Wayback Machine. (29 Marso 2006). Retrieved 16 Abril 2006.
  19. Stein, Justin J (Tagsibol 2003). Pagkuha ng Deliberative sa China Naka-arkibo 2004-03-25 sa Wayback Machine.. Retrieved 16 Abril 2006.
  20. "Tran, Tini. " China To Keep One-Child Policy", Time.com, 11 Marso 2008". Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Marso 2008. Nakuha noong 11 Marso 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. World Desk Reference. D K Publishing. ISBN 0-7566-1099-0
  NODES
Intern 3
mac 10
os 29
web 8