Ang cloning (bigkas: /klow-ning/) ay isang salitang Ingles na may kahulugang paglikha ng molekula, selula o organismo na eksaktong kopyang henetiko ng isa pa. Ito ay nangyayari sa kalikasan sa mga organismo gaya ng bakterya, mga insekto o mga halaman na nagpaparami ng aseksuwal. Sa bioteknolohiya, ang cloning ang artipisyal na paglikha ng eksaktong kopyang henetiko ng isa pang organismo.

Cloning ng tao

baguhin

Ang cloning ang paglikha ng katulad na henetikong kopya ng isang umiiral o nakaraang umiiral na tao. Ang terminong ito ay pangkalahatang tumutukoy sa artipisyal na cloning ng tao. Ang mga clone ng tao sa anyo ng mga identikal na kambal ay nangyayari sa sa natural na proseso ng reproduksiyon. Maydalawang mga uri ng cloning ng tao: terapeutikong cloning at reproduktibong cloning. Ang terapeutikong cloning ay kinasasangkutan ng pagko-clone ng mga selula ng matandang tao para gamitin sa medisina. Ang reproduktibong cloning ang paggawa ng mga na-clone na tao. Ang isang ikatlong uri na pagpapalit na cloning ay isang teoretikal na posibilidad at kombinasyon ng terapeutiko at reproduktibong cloning.

Mga species na na-clone

baguhin

Ang modernong pamamaraan ng cloning na kinasasangkutan ng paglipat na nukleyar ay naisagawa sa ilang mga species. Ang mga kilalang eksperimento nito ay kinabibilangan ng sumusunod:

  • Butete: (1952) Matagumpay na na-clone nina Robert Briggs at Thomas J. King ang hilagaang leopardong mga palaka. Ito ay 35 kumpletong embryo at 21 butete mulasa 104 na matagumpay na mga paglipat na nukleyar.[1][2]
  • Karpa: (1963) Sa Tsina, nilikha ng embryologong si Tong Dizhou ang unang na-clone na isda sa pamamagitan ng pagpasok ng DNA mula sa selula ng isang lalakeng karpa tungo sa isang itlog mula sa isang babaeng karpa. Kanyang inilimbag ang kanyang mga natuklasan sa isang Hornal na Tsino ng agham.[3]
  • Bubwit: (1986) Ang isang bubwit ay matagumpay na na-clone mula sa maagang selulang embryoniko. Ito ay isinagawa ng mga siyentipiko ng Unyong Sobyet na sina Chaylakhyan, Veprencev, Sviridova, at Nikitin. Kanilang inilimbag ang kanilang pagsasaliksik sa magazine na Rusong "Biofizika" bolyum ХХХII, isyu 5 ng 1987.[4]
  • Domestikadong tupa: Ang unang mammal na na-clone ni Steen Willadsen noong 1984 ang tupa mula sa maagang mga selulang embryoniko. Sina Megan at Morag[5] ay na-clone mula sa diperensiyadong mga selulang embryoniko noong Hunyo 1995 at si Dolly ang tupa ay na-clone mula sa isang selulang somatiko noong 1996.[6]
  • Rhesus Monkey: Si Tetra ay naclone mula sa paghahati ng embryo noong 2000.[7][kailangang linawin][8]
  • Gaur: (2001) ang unang nanganganib na species na na-clone.[9]
  • Baka: Sina Alpha at Beta mga lalakeng baka na na-clone noong 2001 at 2005 sa Brazil.[10]
  • Cat: CopyCat "CC" (babae, huling 2001), Little Nicky, 2004, ang unang pusang na-clone para sa mga kadahilanang pangkalakalan (commercial).[11]
  • Daga: Si Ralph ang unang na-clone na daga noong 2003.[12]
  • Mule: Si Idaho Gem na isang john mula na ipinanganak noong 4 Mayo 2003 ang unang clone ng pamilya ng kabayo.[13]
  • Kabayo:Si Prometea, na isang Haflinger na babaeng kabayo na ipinanganak noong 28 Mayo 2003 ang unang na-clone na kabayo.[14]
  • Aso: Si Snuppy na isang lalakeng Afghan hound ang unang na-clone na aso noong 2005.[15]
  • Lobo: Sina Snuwolf at Snuwolffy ang unang dalawang mga na-clone na babaeng lobo noong 2005.[16]
  • Water Buffalo:Si Samrupa ang unang na-clone na water buffalo. Ito ay ipinanganak noong 6 Pebrero 2009 sa Karnal National Diary Research Institute ng India ngunit namatay pagkatapos ng limang araw dahil sa impeksiyon sa baga.[17]
  • Ang Pyrenean Ibex (2009) ang unang ekstintong hayop (bagaman ang species ay hindi ekstinto o nanganganib, walang mga buhay na halimbawa ng subspecies na Pyrenean ang alam mula 2000) na naclone pabalik sa buhay. Ang clone ay nabuhay sa loob ng 7 minuto bago mamatay sa mga depekto sa baga.[18]
  • Camel: Si (2009) Injaz ang unang na-clone na kamelyo.[19]
  • Pashmina goat: Si (2012) Noori ang unang na-clone na kambing na pashmina. Matagumpay na na-clone ng faculty ng veterinary sciences at animal husbandry ng Sher-e-Kashmir University of Agricultural Sciences and Technology of Kashmir ang unang kambing na pashmina gamit ang mga maunlad na pamamaraan reproduktibo sa ilalim ng pamumuno ni Riaz Ahmad Shah.[20]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-23. Nakuha noong 2013-04-01.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Robert W. Briggs". National Academies Press. Nakuha noong 1 Disyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Bloodlines timeline". PBS.org.
  4. "Кто изобрел клонирование?". Inarkibo mula sa orihinal noong 2004-12-23. Nakuha noong 2013-04-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (Russian)
  5. "Gene Genie | BBC World Service". Bbc.co.uk. 2000-05-01. Nakuha noong 2010-08-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. McLaren A (2000). "Cloning: pathways to a pluripotent future". Science. 288 (5472): 1775–80. doi:10.1126/science.288.5472.1775. PMID 10877698.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. CNN. Researchers clone monkey by splitting embryo Naka-arkibo 2006-08-13 sa Wayback Machine. 2000-01-13. Retrieved 2008-08-05.
  8. By Dean Irvine (2007-11-19). "You, again: Are we getting closer to cloning humans? - CNN.com". Edition.cnn.com. Nakuha noong 2010-08-04.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "First cloned endangered species dies 2 days after birth". CNN. 12 Enero 2001. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Hunyo 2009. Nakuha noong 30 Abril 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Camacho, Keite. Embrapa clona raça de boi ameaçada de extinção Naka-arkibo 2009-04-21 sa Wayback Machine.. Agência Brasil. 2005-05-20. (Portuguese) Retrieved 2008-08-05
  11. "Americas | Pet kitten cloned for Christmas". BBC News. 2004-12-23. Nakuha noong 2010-08-04.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Rat called Ralph is latest clone". BBC News. 25 Setyembre 2003. Nakuha noong 30 Abril 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Associated Press 25 Agosto 2009 (2009-08-25). "Gordon Woods dies at 57; Veterinary scientist helped create first cloned mule". latimes.com. Nakuha noong 2010-08-04.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "World's first cloned horse is born - 06 Agosto 2003". New Scientist. Nakuha noong 2010-08-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "First Dog Clone". News.nationalgeographic.com. Nakuha noong 2010-08-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "World's first cloned wolf dies". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-18. Nakuha noong 13 Enero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Kounteya Sinha, TNN, 13 Pebrero 2009, 12.33am IST (2009-02-13). "India clones world's first buffalo - India - The Times of India". Timesofindia.indiatimes.com. Nakuha noong 2010-08-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  18. Extinct ibex is resurrected by cloning Naka-arkibo 2009-04-14 sa Wayback Machine., The Daily Telegraph, 31 Enero 2009
  19. Spencer, Richard (14 Abril 2009). "World's first cloned camel unveiled in Dubai". London: Telegraph.co.uk. Nakuha noong 15 Abril 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "India gets its second cloned animal Noorie, a pashmina goat". Kashmir, India: DNA. 15 Marso 2012. {{cite news}}: |first= missing |last= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  NODES