Si Dakilang Ciro o Cirong Dakila[1] (Wikang Persiyano: کوروش بزرگ, Kurosh-e Bozorg) (c. 590 BCE o 576 — Agosto 529 BCE o 530 BCE), kilala din bilang Ciro II ng Persiya at Cirong Nakatatanda (Ingles: Cyrus the Elder),[2] ay isang pinunong Persiya. Siya ang nagtatag ng Persiyanong Imperyong Akemenida. Sa pamamahala niya, lumaganap ang imperyo, na sa kalaunan ay sumakop sa halos kalahatan ng Timog-Kanlurang Asya at karamihan ng Gitnang Asya, mula Ehipto at Hellespont sa kanluran hanggang sa Ilog Indus o Indiya sa silangan , upang malikha ang pinakamalaking estadong napagmasdan ng mundo.[3] Ang mga buong pamagat ay Ang Dakilang Hari, ang Hari ng Persiya, ang Hari ng Anshan, ang Hari ng Medes, ang Hari ng Babilonya, ang Hari ng Sumerya at Akkad, Hari ng apat na mga sulok ng Daigdig. Kanyang inihayag ang itinuturing ng ilan na isa sa unang mahalagang mga deklarasyon sa kasaysayan ng mga karapatang pantao sa Silindro ni Ciro sa pagitan ng 539 BCE at 530 BCE. Ang paghahari ni Ciro ay tumagal sa pagitan ng 29 taon at 31 taon. Kanyang itinatag ang kanyang imperyo sa pamamagitan muna ng pananakop ng Imperyong Medes at pagkatapos ay ng imperyong Lydiano at kalaunan ay ng Imperyong Neo-Babilonyano. Sa bago o pagkatapos ng pananakop sa Babilonya, kanyang pinangunahan ang isang ekspedisyon sa sentral Asya na humantong sa mga pangunahing kampanya na inilarawan bilang nagdala "sa pagpapailalim ng bawat bansa ng walang eksepsiyon". Siya ay hinalinhan ng kanyang anak na si Cambyses II na nagawang idagdag sa imperyong Persia ang Ehipto, Nubia at Cyrenaica sa kanyang maikling pamumuno. Ginalang ni Ciro ang mga relihiyon at kustombre ng mga lupaing kanyang nasakop. Sinasabing sa pangkalahatang kasaysayan, ang papel ng Imperyong Akemenida na itinatag ni Ciro ay nasa napakatagumpay na modelo nito para sa sentralisadong administrasyon at pagtatatag ng isang pamahalaan na nagtatrabaho para sa kapakinabangan ng kanyang mga nasasakupan. Sa katunayan, ang administrasyon ng imperyo sa pamamagitan ng mga satrap at ang mahalagang prinsipyo ng pagbuo ng pamahalaan sa Pasargadae ay mga gawa ni Ciro. Si Ciro ay kinikilala rin sa kanyang mga nagawa sa mga karapatang pantao, politika, stratehiya sa militar gayun din sa kanyang impluwensiya sa mga kabihasnang Silanganin at Kanluranin.

Ciro II ng Persiya
Dakilang Hari (Shah) ng Persiya; Hari ng Medes; Basileus ng Lydia; Hari ng Babilonya
Paghahari559 BCE hanggang 529 BCE
PinaglibinganPasargadae
SinundanCambyses I
KahaliliCambyses II
KonsorteCassandane ng Imperyong Persiyano
SuplingHaring Cambyses II
Prinsipe Smerdis
Prinsesa Artystone
Prinsesa Atossa
AmaCambyses I ng Imperyong Persiyano, umampon; Mitradates
InaPrinsesa Mandane ng Medes?, umampon; Cyno

Mga sanggunian

baguhin
  1. Abriol, Jose C. (2000). "Ciro, Cyrus, ayon sa pagpapakilala para sa Aklat ni Ageo". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Xenophon, Anabasis I. IX; tingnan din ang M.A. Dandamaev "Cyrus II", sa Encyclopaedia Iranica.
  3. Kuhrt, Amélie. "13". The Ancient Near East: C. 3000-330 BCE. Routledge. p. 647. ISBN 0-4151-6762-0.
  NODES
admin 2