Dalubhasaan ng San Juan de Letran

pribadong Katolikong kolehiyo sa Intramuros, Maynila, Pilipinas

Ang Colegio de San Juan de Letran (transl.College of San Juan de Letran), na tinutukoy din sa akronimo nitong CSJL, ay isang pribadong Katolikong panimulang koedukasyonal at mas mataas na institusyong pang-edukasyon na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng mga prayle ng Orden ng Mangangaral sa Intramuros, Manila, Pilipinas. Itinatag ito noong taong-1620. Ang Colegio de San Juan de Letran ay may pagkakaiba sa pagiging at pinakamatandang kolehiyo sa Pilipinas at pinakamatandang institusyong sekondarya sa Asya.[1][2]

Colegio de San Juan de Letran
Dalubhasaan ng San Juan de Letran (Filipino)
Makasaysayang harapan ng kolehiyo
Latin: Ecclesiasticus Sancti Iohannis Lateranus Collegium Manilana
SawikainDeus, Patria, Letran (Latin)
Sawikain sa InglesDiyos, Amang Bayan, Letran
Itinatag noong1620; 404 taon ang nakalipas (1620)
UriPribado di-pangkita na Panimula at Mas Maataas na institusyong pang-edukasyon
Apilasyong relihiyonKatoliko Romano (Dominikano)
KansilyerNapaka Reb. Fr. Gerard Timoner III, OP, SThL
RektorReb. Fr. Raymund Fernando Jose, OP
Lokasyon
151 Kalye Muralla Intramuros, Maynila
,
Pilipinas

14°35′36″N 120°58′36″E / 14.5932°N 120.9766°E / 14.5932; 120.9766
KampusUrbano
Pangunahin
  • Intramuros, Maynila
Satelayt
Awit ng Alma MaterHimno del Colegio de Letran
KulayBughaw at pula
Websaytletran.edu.ph

Ang paaralang ito ay nakapaghubog ng mga pangulo ng Pilipinas, mga rebolusyonaryong bayani, mga makata, mga mambabatas, mga kasapi ng kaparian, mga hurado, at isa rin ito sa mga tanging paaralan sa Pilipinas na nagbunga ng ilang mga santo Katoliko na nanirahan at nag-aral sa campus nito.[3][4] Ang patron ng paaralan ay si Santo Juan Bautista.[5] Ang kapaligiran nito ay naglalaman ng dalawang estatwa, na kumakatawan sa dalawang nangunguna sa mga nagtapos ng pag-aaral sa larangan ng sekular at relihiyosong paglilingkod: ang dating Pangulo ng Pilipinas na si Manuel L. Quezon at santong Biyetnames na si Vicente Liem de la Paz.

Ang Letran ay may mga programa sa negosyo, pangangasiwa, pamimili, pamumuhunan, teknolohiyang pang-impormasyon, sining dihital, sining pangkomunikasyon, kontaduriya, at inhinyeriya. Nahahati ang mga kolehiyo sa anim na mga departamento: College of Liberal Arts at Sciences (CLAS, o Kolehiyo ng Sining Liberal at Agham), College of Business Administration and Accountancy (CBAA, o Kolehiyo ng Pangangasiwa ng Negosyo at Kontraduriya), College of Education (CoEd, o Kolehiyo ng Edukasyon), Institute of Communication (iCOMM, o Instituto ng Komunikasyon), at College of Engineering at Information Technology (CEIT, o Kolehiyo ng Inhinyeriya at Teknolohiyang Pang-impormasyon).[6]

Nananatili ang Letran sa orihinal nitong kinatatayuan sa Intramuros, Maynila, at miyembro ng Intramuros Consortium.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Quilala, Gester Jeff (Hunyo 2005). "A Knight's Tale". The LANCE. Colegio de San Juan de Letran. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 6, 2008. Nakuha noong Abril 22, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Letran celebrates 400 years". Manila Standard. Marso 18, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Letran History". Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 23, 2011. Nakuha noong Marso 2, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Letran Heritage". Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 23, 2011. Nakuha noong Marso 2, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "The Saints of Colegio de San Juan de Letran: Saints". Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 30, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Colegio de San Juan de Letran".
baguhin
  NODES
admin 1