Si Debora o Deborah ay ang nag-iisang babaeng hukom ng Israel, ayon sa Aklat ng mga Hukom ng Lumang Tipan ng Bibliya. Bilang isang "babaeng pinapatnubayan ng langit"[2] o propetesa, iniligtas ni Debora ang kanyang mga tao mula sa paniniil ni Haring Habin ng Hazor. May kaugnayan sa kanya ang pag-awit ng Awit para kay Debora o Awit ni Debora tuwing ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagtatagumpay ng mga Israelita laban kay Sisera at mga hari ng Canaan. Ang Awit para kay Debora ang pinakamatandaang piraso o kumposisyon sa panitikang Hebreo.[3]

Debora
Kapanganakan1204 BCE (Huliyano)[1]
  • ()
Kamatayan1144 BCE (Huliyano)[1]
Opisinapropeta ()

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 https://www.bible.ca/archeology/bible-archeology-exodus-route-date-1200-1004bc.jpg.
  2. Salin ng Ingles na: "inspired woman".
  3. "Deborah, Song to Deborah at ang mas tamang pamagat na Song to Deborah". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 379.


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Bibliya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES