Digmaang Boshin

Digmaan sa Hapon mula 1868 hanggang 1869

Ang Digmaang Boshin (戊辰戦争 Boshin Sensō, "Digmaan sa Taon ng Yang na Dragong Lupa"), [2] na kilala rin bilang ang Himagsikang Hapones, ay isang digmaang sibil na naganap sa Hapon mula 1868 hanggang 1869 sa pagitan ng mga hukbo ng namumunong Shogunatong Tokugawa at ng mga nagnanais maibalik ang kapangyarihan ng Korte Imperyal.

Digmaang Boshin
戊辰戦争
(1868–1869)

Mga samurai ng dominyo ng Satsuma, na lumaban sa panig imperyal noong panahon ng Digmaang Boshin. Larawan ni Felice Beato.
PetsaEnero 3, 1868 – Mayo 18, 1869
Lookasyon
Resulta
Mga nakipagdigma

1868
Korte Imperyal

Tozama:

Iba pang tozama daimyo:

1868
Shogunato
Dominyo ng Aizu
Dominyo ng Takamatsu
Alyansang Hilaga
Dominyo ng Jozai
Dominyo ng Tsuruoka
Dominyo ng Kuwana
Dominyo ng Matsuyama

Bumaliktad:

1869

 Imperyo ng Hapon

1869

Republika ng Ezo
Mga kumander at pinuno

1868–1869
Emperador:
Meiji
CIC:
Prinsipe Komatsu Akihito
Hukbong Katihan:

1868
Shogun:
Tokugawa Yoshinobu
Tagapangasiwa:
Katsu Kaishu
Enomoto Takeaki
Matsudaira Katamori
Shinoda Gisaburō
Matsudaira Sadaaki
Tanaka Tosa
Kondo Isami
Hijikata Toshizō


1869
Pangulo:
Enomoto Takeaki
Hukbong Katihan:
Otori Keisuke
Hukbong Dagat:
Arai Ikunosuke
Mga tagapayo:
Jules Brunet

Eugene Collache
Mga nasawi at pinsala
8,200 patay at higit sa 5,000 sugatan[1]
Mapa ng mga labanan sa Digmaang Boshin (1868–69). Nagsanib-puwersa ang mga dominyo ng Satsuma, Chōshū, at Tosa (pula) upang talunin ang mga hukbo ng Kasugunan sa Toba-Fushimi, at tuluyan nitong nasakop ang kabuuan ng Hapon hanggang sa huling labanan sa pulo ng Hokkaidō sa hilaga.

Naging sanhi ng digmaan ang di-pagkatuwa ng maraming mga maharlika at mga batang samurai sa pagtrato ng shogunato sa mga banyaga matapos ang pagbukas ng Hapon sa kalakalan at pakikipag-ugnayang global sa nakaraang dekada. Ang lumalakas na impluwensiyang kanluranin sa ekonomiya ng bansa ay nagdulot ng pagbagsak katulad ng naranasan ng ibang mga bansang Asyano noong panahong iyon. Nakuha ng isang alyansa ng mga samurai sa kanluran ng bansa, ilan dito ang mga dominyo ng Chōshū, Satsuma at Tosa, at mga opisyal ng korte, ang kontrol ng Korte Imperyal at inimpluwensiyahan ang batang Emperador Meiji. Nagbitiw ng kapangyarihang pulitikal si Tokugawa Yoshinobu, ang shogun ng panahong iyon, nang matanto niya ang kawalan ng kabuluhan ng kanyang sitwasyon. Umasa si Yoshinobu na maaaring mapangalagaan ang angkang Tokugawa sa pamamagitan nito at sumali sa susunod na pamahalaan.

Subalit, dahil sa mga aksyon ng mga puwersang imperyal, kaguluhan sa Edo, at isang kautusang imperyal na pinangunahan ng Satsuma at Chōshū na nag-aalis sa angkang Tokugawa, naglunsad ng isang kampanyang militar si Yoshinobu upang kunin ang korte ng emperador sa Kyoto. Naging pabor ang takbo ng digmaan sa mas maliit, ngunit mas modernisadong pangkat imperyal, at matapos ang isang serye ng labanan na nagwakas sa pagsuko ng Edo, personal na sumuko si Yoshinobu. Umatras papuntang hilagang Honshū ang mga nanatiling tapat sa mga Tokugawa, at sumunod sa Hokkaidō, kung saan nila itinatag ang Republikang Ezo. Bumagsak din ito sa kanilang pagkatalo sa Labanan sa Hakodate at nailagay ang kabuuan ng Hapon sa ilalim ng pamumunong imperyal na siyang nagtapos ng bahaging militar ng Pagpapanumbalik ng Meiji.

Higit kumulang na 120,000 katao ang sumabak sa labanan, at 3,500 sa mga ito ay namatay.[3] Sa pagtatapos ng digmaan, isinantabi ng paksyong imperyal ang kanilang layuning paalisin ang mga banyaga mula sa Hapon at itinuloy ang modernisasyon ng bansa na may bagong layunin na muling mapagkasunduan ang mga Kasunduang Di-patas (Unequal Treaties). Bunga ng pamimilit ni Saigō Takamori, isang mataas na pinuno ng paksyong imperyal, binigyang pardona ang mga loyalistang Tokugawa, at maraming mga dating pinuno ng kasugunan ang nabigyan ng mga matataas na posisyon sa ilalim ng bagong pamahalaan.

Saksi ang digmaang Boshin sa mataas na antas ng modernisasyon na natamo ng bansang Hapon nang makisabay ito sa mga industriyalisado na bansang banyaga sa antas ng kaunlaran, habang hindi sumasang-ayon sa ipinatupad ng mga banyaga na malayang kalakalan na siyang makasisira sa ekonomiya ng kabila; ang malawak na pakikialam ng mga bansang kanluranin, lalo na ang Britanya at Pransiya, sa pulitika nito; at ang magulong panunumbalik ng kapangyarihang imperyal. Sa kalaunan, binigyan ng romantisiskong presentasyon ang digmaang ito ng mga Hapon at ilan pa na kinikilala ang Panunumbalik ng Meiji bilang isang "mapayapang himagsikan", sa kabila ng bilang ng mga nasawi.

Talababa

baguhin
  1. Huffman, James L., Modern Japan: An Encyclopedia of History, Culture, and Nationalism, Garland Reference Library of the Humanities; Routledge (1997) p. 22. ISBN 978-0815325253
  2. Boshin (戊辰) (戊辰?) is the designation for the fifth year of a sexagenary cycle in traditional East Asian calendars. 戊辰 can also be read as "tsuchinoe-tatsu" in Japanese, literally "Elder Brother of Earth-Dragon".
  3. Estimate in Hagiwara, p. 50.
  NODES
os 29