Digmaang Sibil ng Tsina

Ang Digmaang Sibil ng Tsina ay isang digmaang sibil sa Tsina sa pagitan ng mga Nasyonalistang tapat sa Kuomintang,

Digmaang Sibil ng Tsina

Paikot mula sa kanan: Mga sundalong komunista sa Labanan sa Siping, mga sundalong Muslim ng NRA, si Mao Zedong noong dekada '30, si Chiang Kai-shek na nag-iinspeksyon ng mga sundalo, si heneral Su Yu na nag-iimbestiga ng isang lugar bago ang Kampanya sa Menglianggu
Lookasyon
Tsina

ang partidong namumuno sa Republika ng Tsina at ng mga komunista ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

Nagsimula ang digmaan noong 1 Agosto 1927 at natapos noong 1 Mayo 1950. Nagresulta ang digmaan sa pagkabuo ng dalawang de facto na bansa, ang Republika ng Tsina sa Taiwan at ang Republikang Bayan ng Tsina sa mainland. Pareho nilang inaangkin na sila ang lehetimong pamahalaan ng Tsina.

Sandaling nahinto ang digmaan noong 1937, nang binuo nila ang Second United Front para pigilan ang pananakop ng Hapon sa Tsina. Nagpatuloy ang digmaan noong 31 Marso 1946 hanggang Mayo 1950, nang tuluyang natalo ang mga Nasyonalista laban sa mga Komunista.

Hanggang ngayon, wala paring armistice o tratadong pangkapayapaan ang nilagdaan kaya mayroon paring mga debate na nagaganap sa kung kailan natapos ang digmaan. Ang mainit na tunggalian ng PRC at ROC ang isa sa mga dahilan kung bakit malamig pa rin ang relasyon ng dalawang bansa. Aktibong inaangkin ng PRC ang Taiwan bilang bahagi ng kanilang teritoryo at binantaan pa nila ang ROC ng pananakop kapag sila ay opisyal na magdeklara ng kasarinlan sa pamamagitan ng pagpalit ng pangalan bilang "Republika ng Taiwan". Sa ngayon, nagaganap ang tunggalian sa larangan ng politika at ekonomiya.

Mga dahilan ng pagkapanalo ng mga Komunista

baguhin

Ayon kay Odd Arne Westad, isang historyador, nanalo ang mga komunista sa digmaang sibil dahil kaunti lang ang nagawa nilang mga pagkakamali sa giyera kaysa kay Chiang Kai-shek. Dahil hinangad ni Chiang ang isang sentralisadong pamahalaan, maraming mga sektor ng lipunan ang nagalit sa kanya. Humina rin ang kanyang partido sa digmaan laban sa mga Hapones. Samantala, hinikayat ng mga komunista ang iba't ibang grupo, kagaya ng mga mangagawa na sumanib sa kanila.

Sinulat ni Chiang sa kanyang diary noong Hunyo 1948 na nabigo ang KMT hindi dahil sa mga kalaban sa labas kundi dahil sa mga problema sa kanyang partido.

Ang pagsuporta ng Amerika sa nasyonalista ay nahinto dahil sa pagkabigo ng Marshall Mission at ang labis na korapsyon sa KMT.

Lumakas ang suporta ng mga magsasaka sa mga komunista nang sila'y pinangakuan na ibibigay sa kanila ang mga lupa ng kanilang mga landlord.

Pagkatapos sumuko ng bansang Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ibinigay ng mga Soviets ang mga nadakip na armas ng mga Hapones sa CPC at pinayagang kontrolin ang teritryo ng Manchuria. Marami ang naniwala na pinayagan ng Amerika at UK ang Unyong Sobyet na gawin ito dahil gusto nilang maimpluwensyahan ang resulta ng digmaang sibil.

Sa digmaang sibil pagkatapos ng 1945, bumagsak ang ekonomiy ng mga teritoryong hawak ng ROC dahil sa labis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Nag devaluate ang Gold Yuan noong 1948 na nagresulta sa pagkawala ng suporta ng mga taong nasa middle class sa pamahalaan ng ROC. Samantala, ipinagpatuloy ng mga komunista ang reporma sa lupa sa tulong ng mga tao sa probinsya.


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Tsina at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES