Dirham
Ang dirham, dirhem o dirhm (Arabe: درهم; Amazigh: ⴰⴷⵔⵉⵎ, romanisado: adreem) ay dati at, sa ibang mga kaso, ginagamit pa rin bilang isang yunit ng pananalapi sa ilang estadong Arabe. Dati itong may kaugnayan sa yunit na bigat (ang Otomanong dram) sa Imperyong Otomano at Dinastiyang Sasanida. Hinango ang pangalan mula sa pangalan ng sinaunang Griyegong pananalapi na drachma.[1]
Yunit ng bigat
baguhinAng dirham ay dating isang yunit ng bigat na ginagamit sa buong Hilagang Aprika, ang Gitnang Silangan, at Persya, na may iba't ibang halaga.
Noong huling panahon ng Imperyong Otomano (Otomanong Turko درهم), ang pamantayang dirham ay 3.207 g;[2] katumbas ng 400 dirhem ay isang oka. Nakabatay ang Otomanong dirham sa Sasanidang drachm (sa Gitnang Persyano: drahm), na nakabase din sa Romanong dram/drachm.
Sa Ehipto noong 1895, katumbas ito ng 47.661 butil ng troy (3.088 g).[3]
Mayroon kasalukuyang kilusan sa mundong Islamiko na naglalayong muling buhayin ang Dirham bilang isang yunit ng bigat para sa pagsukat ng pilak, bagaman pinagtatalunan ang tumpak na halaga (aliman sa 3 o 2.975 gramo).[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Oxford English Dictionary, unang edisyon, s.v. 'dirhem' (sa Ingles)
- ↑ batay sa isang oka ng 1.2828 kg; ang Diran Kélékian ay nagbibigay ng 3.21 g (Dictionnaire Turc-Français, Constantinople: Imprimerie Mihran, 1911); Ang Γ. Μπαμπινιώτης ay nagbibigay ng 3.203 g (Λεξικό της Νέας Ελληνικής Γλώσσας, Atena, 1998)
- ↑ OED (sa Ingles)
- ↑ Ashtor, E. (Oktubre 1982). "Levantine weights and standard parcels: a contribution to the metrology of the later Middle Ages". Bulletin of the School of Oriental and African Studies (sa wikang Ingles). 45 (3): 471–488. doi:10.1017/S0041977X00041525. ISSN 0041-977X.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)