Si Djoser (at binabaybay rin bilang Djeser at Zoser) ang paraon ng Ikatlong dinastiya ng Ehipto noong Lumang Kahariang ng Ehipto at ang tagapagtatag ng panahong ito. Siya ay mahusay na kilala sa helenisadong mga pangalan na Tosorthros ni Manetho at Sesorthos ni Eusebius. Siya ang anak ng haring Khasekhemwy at reyna Nimaethap ngunit kung siya ang direktang kahalili sa trono ay hindi malinaw. Ang karamihan ng mga Ramesside ng talaan ng hari ay nagpangalang ng isang haring Nebka bago ni Djoser ngunit dahil may mga kahirapan pa rin sa pag-uugnay ng pangalang ito sa mga kontemporaryong pangalang Horus, kinukwestiyon ng ilang mga Ehiptologo ang ipinasang pagkakasunod sa trono.

Pagkakakilanlan

baguhin
 
Pangalang cartouche na ...djeser-sah sa talaan ng hari ng Abydos.

Ang pinintahang batong apog na estataw ni Djoser na nasa Egyptian Museum ngayon sa Cairo ang pinakamatandang alam na may sukat na pang-buhay na estatwang Ehipsiyo. Ang estatwang ito ay natagpuan noong 1924-1925. Sa mga kontemporaryong inskrispiyon, siya ay tinatawag na Netjerikhet na nangangahulugang "katawan ng mga diyos". Ang mga kalaunang sanggunian na kinabibilangan ng sangguniang Bagong Kaharian ng Ehipto sa kanyang konstruksiyon ay kumumpirma na si Netjerikhet at Djoser parehong tao. Pinangalan ng historyan na si Manetho ang Necherophes at ang talaang ng Haring Turing si Nebka bilang unang pinuno ng Ikatlong dinastiya ng Ehipto. Gayunpaman, maraming mga Ehiptolo ay naniniwala na si Djoser ang unang hari ng dinastiyang ito at itinuro na ang pagkakasunod sunod kung saan ang ilang mga predesesor ni Khufu ay binanggit sa Papyrus Westcar ay nagmumungkahi na si Nebka ay dapat ilagay sa pagitan nina Djoser at Huni at hindi bago ni Djoser. Sa mas mahalaga, ipinakita ng Ehiptologong si Toby Wilkinson na ang mga selyo ng libingang natagpuan sa libingan ni Khasekhemwy sa Abydos ay nagpangalan lamang kay Djoser sa halip na kay Nebka. Ito ay sumusuporta sa pananaw na si Djoser ang inilibing at kaya ay direktang humalili kay Khasekhemwy sa halip na si Nebka.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Sa hindi nalalamang mga dahilan, ang unang tanda ay tinanggal na sinasadya.
  2. Wilkinson, Toby. Early Dynastic Egypt, Routledge, 1999, pp. 83 at 95
  NODES
Done 1
eth 4
orte 1
Story 1