Ekonomiyang pampolitika

Ang ekonomiyang pampolitika ay ang orihinal na katagang ginamit para sa pag-aaral ng produksiyon, pagbili, at pagbebenta, at ng kanilang kaugnayan sa batas, kostumbre, at pamahalaan, pati na sa pagmumudmod ng pambansang kita at kabang-yaman. Ang ekonomiyang pampolitika ay nagmula sa pilosopiyang moral. Umunlad ito noong ika-18 daantaon bilang pag-aaral ng mga ekonomiya ng mga estadong tinatawag na mga polity, kung kaya nabuo ang katagang pang-ekonomiyang pampolitika.

Jean-Jacques Rousseau, Discours sur l'oeconomie politique, 1758

Noong hulihan ng ika-19 daantaon, ang katagang ekonomiks ay naging kapalit ng ekonomiyang pampolitika, na kasabay ng paglalathala ng isang maimpluwensiyang araling aklat ni Alfred Marshall noong 1890.[1] Noong mas maaga pa, itinaguyod ni William Stanley Jevons, na isang tagapagpanukala ng mga paraang pangmatematika na inilalapat sa paksa, ang ekonomiks dahil sa kaiklian nito at sa pagkakaroon ng pag-asa na ang kataga ay maging " kinikilalang pangalan ng isang agham."[2][3]

Sa kasalukuyan, ang ekonomiyang pampolitika, kung saan ito ay hindi ginagamit bilang isang singkahulugan para sa ekonomiks, ay maaaring tumukoy sa mga bagay na talagang magkakaiba, kabilang na ang analisis na Marxiano, nilalapat na mga pagharap na pinili ng publiko (pinili ng madla) na nanggaling sa paaralan ng Chicago at sa paaralan ng Virginia, o payak na payong ibinigay ng mga ekonomista sa pamahalaan o publiko hinggil sa pangkalahatang patakarang ekonomiko o hinggil sa espesipikong mga panukala.[3] Isang mabilisang lumalaking pangunahing panitikan magmula sa dekada ng 1970 ang lumampas sa modelo ng patakarang ekonomiko kung saan ang mga tagapagplano ay nagmamaksima ng paggamit ng isang representatibong indibiduwal patungo sa pag-eeksamen ng kung paano nakakaapekto ang mga puwersang pampolitika sa pagpili ng mga patakaran, natatangi na ang sa hindi pagkakasundo na pangdistribusyon at mga institusyong pampolitika.[4] Makukuha ito bilang isang pook ng pag-aaral sa ilang partikular na mga dalubhasaan at mga pamantasan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Marshall, Alfred. (1890) Principles of Economics (Mga Prinsipyo ng Ekonomiks).
  2. Jevons, W. Stanley. The Theory of Political Economy, 1879, 2nd ed. p. xiv.
  3. 3.0 3.1 Groenwegen, Peter. (1987 [2008]). "'political economy' at 'economics'", The New Palgrave: A Dictionary of Economics, v. 3, pp. 905-06. [Pp. 904–07.]
  4. Alesina, Alberto F. (2007:3) "Political Economy," NBER Reporter, pp. 1-5 (press +). Mga kawing sa bersiyon ng abstrakto


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Ekonomiya at Politika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
os 3