Ekosistema

Komunidad ng mga buhay na organismo kasama ang mga di-buhay na bagay sa kanilang kapaligiran

Ang ekosistema (sa Ingles: ecosystem) ay isang komunidad ng mga buhay na organismo at di-buhay na bagay sa kanilang kapaligiran (mga bagay tulad ng hangin, tubig at lupang mineral) na nakikipag-ugnayan sa isa’t-sa bilang isang sistema. Itong mga bahaging biotic at abiotic ay tinuturing na konektado sa isa’t isa sa pamamagitan ng mga siklo ng pagkain at mga pagdaloy ng enerhiya. Dahil ang ekosistema ay binubuo ng mga interaksiyon sa pagitan ng mga organismo, at sa pagitan ng mga organismo at ang kanilang kapaligiran, sila ay maaaring maging kahit anong laki, subalit madalas ay ang pinapaligiran nila ay tiyak at limitadong lugar (ngunit may mga ilang siyentipiko na nagsasabi na ang buong planeta ay isang ekosistema).

Enerhiya, tubig, nitroheno, at mga mineral sa lupa ay iba pang importanteng bahaging abiotic ng isang ekosistema. Ang enerhiya na dumadaloy sa mga ekosistema ay pangunahing nakukuha mula sa araw. Ito ay karaniwang pumapasok sa sistema gamit ng photosynthesis, isang proseso na kumukuha ng karbon mula sa atmospera. Sa pagkakain ng mga halaman, o iba pang organismo, ang mga hayop ay mayroong mahalagang parte sa paggalaw ng materya at enerhiya sa sistema. Naiimpluwensiyahan rin nila ang dami ng mga halaman at microbial biomass na mayroon sa paligid. Sa pag-agnas ng patay na organikong materya, ang mga decomposer o taga-agnas ay nagbabalik ng karbon sa atmospera at tumutulong sa siklo ng pagkain sa pamamagitan ng pagbabalik ng mga pagkaing nakakalusog na naka-imbak sa patay na biomass sa isang anyo na puwedeng gamitin kaagad ng mga halaman at iba pang mikrobiyo.

  NODES