Ekstrabersiyon at introbersiyon

Ang mga katangian ng ekstrabersyon (na binabaybay din na extrobersyon [1]) at introbersyon ay isang sentral na dimensyon sa ilang mga teorya ng personalidad ng tao. Ang mga terminong introbersyon at ekstrabersyon ay ipinakilala sa sikolohiya ni Carl Jung,[2] bagaman ang parehong paggamit ng popular at kasalukuyang sikolohikal na pag-unawa ay iba-iba. Ang ekstrabersyon ay maaaring may maipakitang ugaling mapalabas, madaldal, masiglang pag-uugali, samantalang ang introbersyon ay ipinakikita sa mas mapanimdim at nakalaan na pag-uugali.[3] Tinukoy ni Jung ang introbersyon bilang isang "uri ng saloobin na nailalarawan sa pamamagitan ng oryentasyon sa buhay sa pamamagitan ng mga pansariling nilalaman ng saykiko", at ang ekstrabersyon bilang "isang uri ng saloobin na nailalarawan sa konsentrasyon ng interes sa panlabas na bagay".

Ang mga katangian ng pag-uugali at sikolohikal na nagpapakilala sa introbersyon at ekstrabersyon, na karaniwang iniisip bilang sumudunod sa isang pagpapatuloy o continuum.

Ang ekstrabersyon at introbersyon ay karaniwang tinitingnan bilang isang solong pagpapatuloy o kontinuo, kaya ang mas mataas sa isa ay nangangailangan ng pagiging mas mababa sa isa. Nagbibigay si Jung ng ibang pananaw at nagmumungkahi na ang bawat isa ay may parehong ugaling may ekstrabersyon at introbersyon, na ang isa ay mas nangingibabaw kaysa sa isa. Halos lahat ng komprehensibong modelo ng personalidad ay kinabibilangan ng mga konseptong ito sa iba't-ibang anyo. Kasama sa mga halimbawa ang moding Big Five (o Malalaking Lima), ang sikolohiyang analitiko ni Jung, ang modelong three-factor (o tatlong-salik) ni Hans Eysenck, ang 16 na salik ng personalidad ni Raymond Cattell, ang Minnesota Multiphasic Personality Inventory (o Imbertaryo ng Multipasikong Personalidad ng Minnesota), at ang Myers–Briggs Type Indicator (o Indikador ng Tipo na Myers–Briggs).

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Is it extraversion or extroversion?". The Predictive Index. 2016-08-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Retrieved 2018-02-21.
  2. Jung, C. G. (1921) Psychologische Typen, Rascher Verlag, Zurich – translation H.G. Baynes, 1923.
  3. Thompson, Edmund R. (2008). "Development and Validation of an International English Big-Five Mini-Markers". Personality and Individual Differences. 45 (6): 542–8. doi:10.1016/j.paid.2008.06.013.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  NODES
INTERN 1